Curse 1: Invisible
KAORINE's POV
*Tiktilaok*
*Tiktilaok*
*Tiktilaok*
Nagising ako dahil sa ingay ng mga tandang. Tsk.
Umupo ako mula sa kamang hinihigaan ko at umunat ng mga braso.
Napatingin ako sa mini table na katabi lang ng hinihigaan ko.
"5:00 o'clock na pala." sambit ko sa sarili ko.
Tumayo ako at dumiretso sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay lumabas ako ng banyo at lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina.
Medyo madilim pa ang paligid pero nakikita ko na ang papasikat na araw.
Panibagong araw na naman.
Kelangan ko ng maghanda para pumasok. Pumunta ako sa maliit na wooden closet ko at kumuha ng uniform.
Pumasok ako ulit ng banyo para maligo.
Halos 30 minutes ang tinagal ng pagligo ko. Nakauniform na ako ng bumaba ng hagdan at tumungo sa kusina para maghanda ng almusal ko.
Binuksan ko ang ref at tinignan ang pwede kong maluto. May nakita akong hotdog kaya kinuha ko ito.
Nag umpisa ako magluto, dahil may natira akong kanin kagabi ay sinangag ko ito habang nagpiprito ng hotdog.
Nag init na din ako ng tubig para sa pagtimpla ko ng gatas.
Nang matapos na ko magluto ay inihanda ko ito sa lamesa at nag umpisa kumain.
Nakakalungkot lang na wala akong kasabay kumain. Well, sanay na ko dahil simula pa ng bata ako ay mag isa na kong namumuhay at nakatira sa bahay na to.
Wala na akong pamilya dahil lahat sila ay patay na.
Oo. Patay na. At ang masakit dun ay ako ang may dahilan nun.
Dahil sa taglay kong sumpa kaya namatay sila. Sumpa na dahilan kung bakit mag isa na lang ako ngayon. Sumpa, na kung bakit nagbago ang buhay ko.
At ang sumpa na dahilan kung bakit kami nakatira dito sa pinaka pusod ng gubat nitong bundok dito sa Tramliya.
Tramliya ay isang napakalaking bansa. Masagana lahat ng pamumuhay ng mga taong nakatira dito.
At ako lang ang malayo at bukod tanging nakatira dito sa bundok ng Tramliya. Sikat ang bundok kung saan ako nakatira dahil sa nakakatakot ito at pinamumugaran ng mababangis na hayop. At alam ng lahat na dito din ako nakatira kaya naman ilag silang lahat sakin.
Marami ang nag iisip na isa daw akong mangkukulam. Meron naman na isa daw akong masamang tao kaya ang nangyari. Wala ni isa ang may nakikipag usap sakin at ang lumapit ay di nila magawa. Para akong may nakakahawa at nakakadiring sakit kung makalayo sila sakin tuwing dumadaan ako sa kalsada.
Pabor sakin yun, ayaw ko ng may lumalapit sakin dahil baka kung ano pa ang mangyari. At dahil dun ay tila isa akong invisible sa mata ng lahat.
Nang matapos kong kumain ay nilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko at nag hugas ng kamay. Lumabas ako ng kusina at pumunta sa may sala at kinuha na ang bag ko.
BINABASA MO ANG
Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]
FantastikKaorine is just a simple girl. A simple girl hiding her true identity. She's trying her best to conceal her existence. Her existence that she hates the most. Why? Because She is a Cursed. A Cursed that will make her life turned upside down. A curs...