Kaorine Pov
Nagising ako bigla nang may maramdaman akong kakaiba. Bumangon ako at sumilip sa may bintana. At nagulat ako sa nakita ko.
"Damn." mahinang sambit ko.
Napatingin ako kay Laby na mahimbing na natutulog. Tinignan ko ang wall clock at shit! 3:00 am pa lang.
Mabilis at maingat akong lumabas ng kwarto at tahimik na bumaba ng hagdan. Pinakiramdam ko ang tatlong lalaki na mukhang tulog na tulog din. Mukhang di nila nararamdaman na napapalibutan ng mahigit 200 na Dark phantoms sa labas ng bahay at sinusubukan na sirain ang barrier.
Since medyo connected sakin ang barrier kay naramdaman ko agad ang patuloy nila sa pagsira ng barrier.
Shit! Anong gagawin ko?! Hindi pwedeng hayaan ko lang sila na patuloy sa pagtira sa barrier. Matibay ang barrier pero syempre kahit gaano pa to katibay masisira't masisira pa din ito. At yun ang di ko papayagan. Hindi ko hahayaan na masira nila ang barrier dahil baka masira din ang bahay namin.
Lumabas ako ng bahay na walang pag aalinlangan. Nang makita ako ng mga Dark Phantoms, huminto sila sa pag sira ng barrier at sabay sabay na umangil.
Salamat sa barrier at di ako naapektuhan ng matinis nilang sigaw. Parang naging agresibo sila bigla ng makita ako. Sabay sabay silang umatras lahat at bigla nagpakawala ng malakas pwersa sa barrier.
Dahil sa dami nila kaya medyo nagkaroon ng mahinang lindol. I hope na hindi magising yung apat.
Nang mawala ang lindol biglang humawi ang Dark Phantoms at may naglakad na isang Dark Phantom, pero kakaiba sa pangkaraniwang dark phantom dahil para itong tao. Normal ang itsura nito pero mapula pa din ang mata niya. Naglakad siya palapit sa may barrier at nilapat ang palad niya pero...
"Aww." daing nito dahil sa biglang nakuryente ito.
Isa yan sa kayang gawin ng barrier. Once na mahawakan ito ng kung sinong may masamang intensyon ay magpakakawala ang barrier ng napakalakas na kuryente.
"High voltage huh?" sambit niya sabay tingin sakin.
Tinignan ko lang din ito ng blanko na napag pangisi sa kanya.
"Ms. Daile, it's nice to finally meet you." nakakalokong sambit nito habang nakangisi ng malademonyo.
Nag aabang lang din ang ibang Dark Phantoms. Mukhang itong lalaking ito ang leader nila.
"Anong kelangan mo?" malamig at maotoridad kong tanong.
"Hahahaha!" tawa nito na nakakakilabot. At saka tumingin sakin na hindi nawawala ang ngisi sa labi.
"Fiesty aren't we?"
"Tsk. Umalis na kayo. Bago niyo pa pag sisihan ang pagpunta dito." sambit ko sa kanya at tinignan siya ng blanko.
"Maling mali na nagpunta kayo dito. Maling mali." dagdag ko pa.
"Hahaha. Do you think matatakot mo kami sa sinasabi mo? Sa tingin mo ba mapapaalis mo kami ng ganun kadali Ms. Daile?" nakangising sabi niya at umatras ito.
"Hindi habang buhay ay mapoprotektahan ka ng barrier na to Ms. Daile. Hahaha! At hindi ka na makakatakas samin pag nangyari yun."
Naningkit ang mata ko sa sinabi niya.
"At sa tingin mo kaya niyong masira ang barrier na to?" sabi ko at humalikipkip.
"Over confident huh! Hindi kami pupunta dito kung hindi ka namin kaya Ms. Daile. At isa pa, nasa loob din ng bahay na yan ang isa pa naming kelangan." nang aasar sambit niya. Napatayo ako ng diretso dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]
FantasyKaorine is just a simple girl. A simple girl hiding her true identity. She's trying her best to conceal her existence. Her existence that she hates the most. Why? Because She is a Cursed. A Cursed that will make her life turned upside down. A curs...