Prologue

20.6K 312 17
                                    

A story of two humans, entwined by an intricate fate.

-----

Prologue

phone's ringing...

The shrill ring of my phone cut through my dreams like a warning. I lazily grabbed it from my bedside table. As I answered the call, I heard loud music and voices in the background, as if people were having fun.


"Hello?" I asked with a mellow voice.

Hindi ito sumasagot kaya napatingin pa ulit ako sa screen ng aking cellphone. Hindi naman niya pinatay ang linya, ibang number ito at hindi naka-save sa contacts ko.

"Hello? Sino 'to?" tanong kong muli saka marahang tumayo paalis ng aking kama. Naglakad ako patungo sa bintana ng aking kwarto dahil baka mahina lamang ang signal, saka ko muling itinapat sa aking tainga ang cellphone ko.

Nakarinig ako ng malakas na tugtog at ingay ng mga tao, mukhang nasa mataong lugar ito. Nakarinig din ako ng pagbuntong-hininga ng isang tao, malakas at sunod-sunod.

"Keia, it's me." I almost stopped breathing when I received an answer with a familiar voice.

"Sino ka? Say your name, or I'll end this call right now!" I tried to calm myself, but I just can't because I already knew whose voice it was.

"Wait! Ako 'to, si Clark, please 'wag mong patayin," he pleaded.


"Anong kailangan mo?" walang emosyon kong tanong.

"I'm here at Fellimeno Bar. Can you come over?" his voice sounded tipsy.

"You've got to be kidding me. Hating gabi na. Are you drunk?" I answered him with a question.

Malalim itong bumuntong-hininga. "No, I'm not. I just wanna talk."

"Mag-isa ka lang d'yan?" I worriedly asked.

Hindi siya sumagot. Ilang minuto pa ang nakalipas, tanging ingay na lamang ng paligid ang naririnig ko. Until I heard him sobbing in the background, I think he's probably drunk. I hurriedly got my purse from my study table and grabbed my jacket. I looked at my phone, and the call has already ended. It's already 11:30 pm.

Mabilis akong lumabas ng kwarto, hindi ko na inisip kung maingay ba ang pagtakbo ko pababa ng hagdanan. Hindi naman mabilis magising ang lola ko dahil mahina na ang kanyang pandinig. Lumabas ako ng bahay at napatigil para pagmasdan ang madilim na kalsada. Napatitig muna ako sa kawalan at nag-isip nang malalim.

Why am I this worried, Clark?

Almost two years na ang nakalipas pero nag-aalala pa rin ako sa kanya. Napailing na lamang ako at napahinga nang malalim saka napapikit sa inis.

Relax, Keia. This will be the last one, truly the last, and I'll stop being foolish for Clark. 

I looked around the street. Bahagyang lumakas ang ihip ng hangin kaya naman napayakap ako sa aking sarili.

Hindi pa man ako nakakakaalis ay naramdaman kong may nakatitig sa akin mula sa malayo. Hinanap ito ng mga mata ko at hindi nga ako nagkakamali, isang lalaki ang nakatayo sa kabilang kanto sa tabi ng poste. Hindi ko maaninag kung sino siya pero nakasuot siya ng itim na kasuotan. Nakaramdam ako ng takot pero hindi ko ito nagawang intindihin dahil sa pag-aalala kay Clark.

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now