Now Playing: Oo by Up Dharma Down.
You can also play the song while reading, enjoy!
--------
Chapter 15 - The Fall
Nandito kami sa canteen nila Thalia, Raine at Yvelson, tahimik lang ako habang kumakain. Sila Thalia naman ay nagkukwentuhan tungkol sa Buwan ng Wika. Hindi ko naman magawang makisali dahil hindi pa rin kasi ako mapakali, wala akong ibang maisip kundi ang mga nangyari kanina, kung paano ko napahiya at na-disappoint si Clark sa harap nang maraming tao. Sinulyapan ko ang table kung nasaan si Clark and he caught me staring at him. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dala ng kahihiyan.
Naguguluhan ako ngayon, sobrang nalilito ako sa nararamdaman ko. Anong klaseng kaba ba dapat ang maramdaman bago mo masabing ito na talaga 'yon? Kasi hindi ko mawari kung itong kaba ko ba eh tama o mali. Ayoko namang magdesisyon agad dahil baka pagsisihan ko lang ito in the future. Napalingon lang ulit ako sa kinauupuan ni Clark, nakatulala lang din siya sa malayo katulad ng pagtulala ko sa kanya.
"Keia, kumain ka na nga!" mariing sabi ni Yvelson at inurong pa talaga sa'kin ang pagkain ko. "Kanina ka pa tulala, mukha kang baliw sa katititig mo sa lalaking 'yan!" dagdag niya pa.
I just looked at him and I started eating my food. Kanina pa iritado si Yvelson, daig pa ang may buwanang dalaw kung umasta. Anong problema ng isang 'to?
"Kung naguguluhan ka, huwag ka munang magdesisyon," bulong nang malamig na boses ni Yvelson.
"What do you mean?" nagtatakang tanong ko.
Nagulat siya dahil narinig ko ang sinabi niya pero sumeryosong muli ang mukha niya at umiling na lamang.
"Wala," he sighed and he continue eating. I just looked away.
"Alis na ako," biglang sabi ni Yvelson and stood up.
"Yvelson, may practice tayo mamayang 1:00 pm," I reminded him but he just walked out.
"Anong nangyari do'n?" asked Thalia.
Nagkibit-balikat ako, "Ewan."
Bumalik sa pagkukwentuhan si Thalia at Raine. Tahimik lang ako habang tinatapos ang pagkain ko pero wala pa sa kalahati ay tumayo na ako.
"Mauna na ako, may practice kami," pagpapaalam ko sa kanila.
"Okay sige, balitaan mo na lang kami," sagot naman ni Raine.
Nagmadali na akong pumunta sa gymnasium pero nang makarating ako sa loob ay wala si Yvelson doon. Saan naman kaya 'yon pumunta?
"Where's your partner?" tanong ng babaeng instructor namin.
Hala, nasaan na 'yon? Alam na may practice, kung saan-saan pa siguro pumunta. Ako pa tuloy ang napagalitan.
"Wait lang, hahanapin ko po," I just said at nagmadaling lumabas ng gymnasium.
Saan naman kaya pupunta 'yon?
Umakyat ako sa room namin pero wala siya roon kaya napatigil ako sa hagdanan at nag-isip kung saan pa ba siya pwedeng pumunta. The first thing that came up in my mind is the rooftop, I'm pretty sure nandoon siya. Nagmadali akong umakyat sa rooftop pero napatigil ako sa gilid ng pintuan nang may marinig akong nagsasalita.
"No! Hindi pwede dahil kailangan ko pa ng oras. Hindi pa ngayon!" rinig ko ang boses ng lalaking tila may kaaway.
Sino ang kausap ni Yvelson?
YOU ARE READING
A Demon's Love
ParanormalKeia has always felt like an outsider in her own life. Haunted by cryptic memories and the unsettling stories her grandmother used to tell, she's learned to trust no one- not even herself. But when Yvelson appears, her world begins to unravel. Yvels...