Chapter 14 - I love you

4.4K 78 12
                                    


Madilim at malamig ang haplos ng hangin kaya't tumatayo ang balahibo ko sa aking nararamdaman. Malamig ang paligid pero parang nag-iinit ang katawan ko. Iminulat ko ang aking mga mata para mapakurap-kurap, nang wala akong maaninag na liwanag.

"Nasaan ako?" bungad na tanong ko sa kadiliman.

This place is full of darkness; walang tanging liwanag ang nagbibigay sa akin para may matanaw na kung ano. Kahit ipikit-mulat ko ang mga mata ko, tanging kadiliman pa rin ang nakikita ko. Sinubukan kong maglakad at mangapa sa paligid nang kung anong pwedeng hawakan. Nakaramdam ako na may nakatitig sa akin mula sa likod ko. Marahan akong umikot upang makita ito, madilim pa rin ang paligid ngunit tanaw ko ang bulto ng isang tao.

"Sino ka?" matapang na tanong ko sa lalaki— lalaking madalas na magpakita sa panaginip ko.

Hindi ko makita ang kabuoan ng mukha niya, pero kitang-kita ko ang nanlilisik na pulang pares ng mga mata niya at ang mga ngiti niyang kakilakilabot. 'Yung ngiti niya na tila nagpapahiwatig na may gagawin siyang masama sa akin.

"HAHAHAHAHA!" dumagundong ang malalim, malakas, at nakakatakot niyang boses nang buong pwersa itong tumawa. Nag-echo at parang pumasok lahat sa tainga ko.

Halos bawian ako ng hangin sa sobrang pagkagulat. Sobra akong kinakabahan at hindi ko halos maigalaw ang mga paa ko para umatras papalayo sa kung sinoman ang lalaking iyon.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" buong tapang na tanong ko sa dilim.

Hindi ko alam, pero nangangatog na ako sa labis na takot. Naglakas-loob akong umatras nang bahagya mula sa kanya dahil kakaiba ang mga titig niya, pero biglang humakbang siya papalapit sa akin.

"Sumama ka sa akin," biglang sabi nito na para bang galing pa sa kailaliman ng lupa ang kanyang boses.

Mas lalo lamang akong natakot nang muli itong naglakad papalapit sa akin. "Huwag kang lalapit!" sigaw ko.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ko para tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayong puro kadiliman lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad, pero ang nais ko'y makalayo sa lalaking iyon. Hindi ko gusto ang mga ipinapakita niya, natatakot ako sa presensya niya. Kahit na ang lamig ng simoy ng hangin ay pakiramdam ko naman na sinusunog niya ako.

Sa kadiliman ng paligid, may biglang lumiwanag sa dulo nito. Doon ko nakita na nandiyan ang lalaking nakatayo roon.

Nakatayo siya sa isang madilim na lugar, ngunit ang presensya niya ang nangingibabaw. Tatakbo na sana akong muli pabalik nang pasadahan niya ako ng tingin gamit ang kanyang mga pulang nanlilisik na mga mata.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga sa kama at napaupo. Mabilis ang paghinga ko at nanlalamig ang namumuong pawis sa aking mukha. Tumutunog ang alarm clock ko sa gilid, kaya mabilis ko itong pinatay.

Ano na naman bang panaginip iyon?

Pumasok sa utak ko ang imahe ng lalaking iyon kaya halos maputol ang leeg ko kakailing 'wag lamang itong maalala. Naligo ako at nagmadaling bumaba papuntang dining area upang mag-breakfast. Nakaupo na si lola, pero wala akong balak kausapin siya. Gulong-gulo na ako, kung ano-ano nang nangyayari, wala man lang ba siyang balak sabihin sa akin ang totoo? Kung ano man ang alam niya, sana sabihin niya na. Kumain ako nang mabilisan at nagpahatid sa driver namin. Hindi siguro aalis si lola o kaya naman ay mamaya pa.

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now