Chapter 12 - Erelong

4.2K 90 6
                                    

Chapter 12 - Erelong

KEIA'S Point of View

Saturday ngayon kaya naisipan kong kausapin ang matandang babae na nagbanta sa'kin tungkol kay Yvelson. Nasa seminar si lola sa church at wala naman dito ang maid namin tuwing saturday or sunday depende na lang kung may emergency o may okasyon.

"Tao po!" kumatok ako sa gate ng matanda na tila nabubulok na.

The gate creeks when she opened it. Lumabas siya at pinasadahan ako ng kakaiba niyang tingin. It gives me chill, nakakakilabot.

"Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" tanong niya sa tila paos at cracked na boses. Gano'n talaga ang boses niya simula pa noon but this is the first time na makakausap ko siya.

"Good morning po, may gusto lang po akong itanong sa inyo, 'yung tungkol po sa sinabi niyo kahap—" hindi pa ako tapos magsalita ay nagsalita na agad siya.

"Hindi kita tinatakot o ano hija, basta ang sinasabi ko sa'yo ay mag-iingat ka sa kanya," bulalas niya sa mahina ngunit mariin na tono.

Kumunot ano noo ko. Ano ba kasing ibig niyang sabihin? Bakit ako mag-iingat kay Yvelson eh wala naman siyang ginagawang masama sa akin?

"Wait lang po, kasi—" pinutol niyang muli ang sasabihin ko at marahang isinasara ang gate ng bahay niya.

Natulala ako sa nagbabanta niyang mukha. Mukha namang mabuting tao si Yvelson kaya paano siya makagagawa ng masama?

"Huwag mo nang hintayin na may gawin pa siyang masama sa'yo. Basta binalaan kita, hija!" huling sambit nito saka pabagsak na isinara ang gate ng bahay niya.

Umuwi ulit ako sa bahay habang nakatulala sa hangin. Wala akong nakuhang sagot, inulit niya lang ang pagbabanta niya at mas lalo lang akong naguluhan. Ayoko naman pagdudahan si Yvelson na wala namang ginagawang masama sa akin.

Hapon na at scroll lang ako nang scroll sa facebook, nandito ako ngayon sa sala habang nakabukas ang tv, pero hindi naman ako nanonood, nagce-cellphone lang ako. May narinig akong mga kaluskos sa itaas, noong una inisip ko na baka pusa lang pero nagulat ako kasi ang lakas naman ng kaluskos. Biglang may kumalabog sa taas ng bahay, alam kong sa parte ng kwarto ko, concrete ang pagkakagawa ng bahay namin kaya matibay ito na hindi halos maririnig ang ingay. Pero this time, narinig ko ang pagbagsak ng kung anumang gamit sa itaas.

Agad kong pinatay ang volume ng tv para marinig ko nang maayos ang kalabog sa itaas. Matapos ang isa pang kalabog, yabag na ng mga paa ang naririnig ko. Bigla akong kinabahan dahil wala akong kasama rito sa bahay at kung sakaling magnanakaw ang nasa itaas, kailangan kong humingi ng tulong. Marahan akong naglakad hanggang sa makarating ako sa kusina namin. Kumuha ako ng kutsilyo at hinawakan ito nang mahigpit. Nanginginig na ang kamay ko sa takot habang hinahanap sa contacts ko ang kung sinong pwedeng hingian nang tulong.

I texted Thalia, Raine and Yvelson na pumunta rito sa bahay ngayon na pero walang nagre-reply. Tinatawagan ko si Lola pero hindi niya sinasagot. Sobrang kinakabahan na ako dahil palakas nang palakas ang yabag ng mga paa sa itaas. Binuksan ko ang pintuan namin para kung sakaling bumaba siya ay makatakbo agad ako.

Umupo akong muli sa salas namin, nakatitig lang ako sa hagdan, inaabangan ko kung may bababa ba roon. Patuloy ko pa ring tinatawagan si Lola nang bigla akong may nakitang anino na pababa ng hagdanan. Mas lalo akong kinabahan kaya hinigpitan ko ang hawak ko sa kutsilyo. Ibinaba ko ang cellphone ko at dinampot ang remote ng tv.

"Sino 'yan?" matapang na taong ko.

Tumigil ito sa paghakbang dahil tumigil din sa paggalaw ang anino niya, agad akong tumayo nang magpatuloy ito sa pagbaba. Nang makita ko ang ulo nito ay agad kong binato ng remote, nasapul ko siya sa noo. Mabilis siyang napatalikod at nakita kong naka-hood siya at black na jacket at gano'n din sa pang-ibaba. Siya 'yung palagi kong nakikita na sumusunod sa akin. Mas lalo akong kinabahan dahil siya 'yung stalker na palaging nagmamasid sa'kin.

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now