Chapter 9 - KeLson

5.3K 95 18
                                    


Nakatitig lang aka sa ceiling ng kama ko ngayon, marahil dahil ang dami kong iniisip. Nasabi ko na kay Lola ang tungkol sa Mutya at Lakan, na napili akong representative ng section namin. Tuwang-tuwa siya, ang sabi niya pa nga ay magpa-salon daw ako, ang dami ring suggestions ni lola.

Manonood nga raw siya kasi first time ko raw sumali sa contest, nasabi ko rin na si Yvelson ang Lakan kaya naman lalo siya naging excited. Kinakabahan na nga ako ngayon, kasi paano kung matalo ako? Paano kung madapa ako sa stage at mapahiya ako? Hays bahala na.

Late na akong nagising dahil kung ano-anong iniisip ko kagabi. 7:00am na ako nagising kaya male-late ako nito panigurado. Nagmadali na akong maligo at magbihis, hinayaan ko lang na bagsak ang buhok ko dahil tinatamad akong mag-blower pa. Nakasuot na ang bag pack ko nang may kumatok sa kwarto ko at nagsalita.

"Keia, may naghihintay sa'yo sa baba," ang maid namin ang nagsalita.

"Hah? Sino?" tanong ko at lumabas na.

Susunduin ba ako ni Yvelson? Problema niya? Porket Lakan ko siya eh, dapat sabay ng pumasok? Ewan daw.

"Gwapong lalaki na kaparehas sa uniform ng school niyo. May dalang kotse, susunduin ka siguro," nakangiting sabi ni manang na mukhang siya pa ang kinikilig.

May kotse ba si Yvelson? Alam ko mayro'n ang mommy niya pero hindi pinapagamit sa kanya.

Nagmadali akong bumaba at sinilip mula sa bintana ang lalaking tinutukoy ni manang. Si Clark pala, nakaupo sa hood ng kotse niya at naghihintay.

Bakit ko ba kasi iniisip na si Yvelson ang naghihintay sa'kin sa labas? Pakialam naman sa'kin no'n? Hays.

Hindi na ako nag-breakfast kaya kumuha lang ako ng sandwich na ginawa ni manang at nilagay sa bag ko.

"Anong mayro'n?" tanong ko agad paglabas ko ng gate, tinitigan niya lang naman ako at ngumiti.

'Yung ngiti niya na ikinai-inlove ng mga kababaihan sa school, pero hindi na tumatalab sa'kin yan, naloko na 'ko nyan dati eh.

"Ihahatid ka," sabi niya at binuksan ang pintuan ng kotse niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino nagsabi sa'yo na dapat mo akong ihatid?" tanong ko ulit.

Tumawa siya nang mahina na para bang hindi makapaniwala.

"'Di ba sabi mo patunayan ko na nararapat ako sa'yo so let me do this, Keia, come on," sagot niya at inilahad sa'kin ang pagpasok sa loob ng kotse niya.

Sa unahan ako umupo, katabi niya rin.

"So, ikaw daw ang Mutya ng section niyo? Sayang ako na lang sana ang Lakan mo," sabi niya dahil napansin niya ata na hindi ako nagsasalita.

Hindi pa rin kasi ako sanay. I feel a little strange with this guy, I just don't know how will I point it out. Siguro natatakot lang ako. I'm still not comfortable with him.

"Ahm oo, hindi ko nga alam kung bakit ako eh," nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Bakit? ang ganda mo kaya at matalino ka pa," sabi niya na parang proud na proud siya sa'kin.

Nginitian ko lang siya at sumilip sa bintana, tiningnan ko na lang ang daan.

"Sino pala ang Lakan?" tanong niya ulit.

"Si Yvelson," simpleng sagot ko.

"Ah, boyfriend mo na ba 'yon?" napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya.

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now