Kasalukuyan akong nakaupo sa bleachers dito sa gymnasium. Marami-rami na rin ang nanood kaya sa medyong gitna na ako umupo. Hindi sumama sina Thalia at Raine. May groupings sila Thalia at doon sa bahay ng classmate niya gagawin. Tinatamad si Raine, bad mood siya kanina at hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang ay napagalitan siya ng teacher namin sa isang subject dahil naiwan niya 'yung assignment niya."Keia, i-cheer mo ako ha? Tingnan mo laro ko, mas magaling pa sa harina na crush mo," nagulat ako sa sinabi ni Yvelson at the same time natawa rin.
Bigla-biglang sumusulpot ang loko. Nakasuot na siya ng jersey dahil anytime ay magsisimula na ang game. Tinitigan ko lang muna siya dahil bagay pala sa kanya ang jersey, ang tangkad niya lalo tingnan. Player na player ang datingan.
"Oo na lang, sige na, pumunta ka na sa court," sabi ko at tinulak pa siya nang mahina para umalis na siya.
Natatawa naman siyang bumaba papunta sa court.
Hinatinang grupo ng mga magta-try outs. And to my surpries, hindi naging magkagrupo si Yvelson at si Clark.
Wala akong hilig sa sports kaya naman pinapanood ko lang sila. Nagsimula na ang tryouts. Na kay Yvelson ang bola at dini-dribble niya ito. Pinasa niya sa kakampi niya at tumakbo siya papunta sa gilid at sumenyas sa kakampi niya na ipasa sa kanya ang bola. Pero pagpasa nito, naagaw naman ni Clark ang bola.
Humiyaw ang mga nanonood bilang pagsuporta kay Clark. Mabilis na nagdi-dribble si Clark at nai-shoot ang bola. Napa-tss si Yvelson, tryouts pa lang pero ang ingay na sa loob ng gymnasium. As far as I remember, ganito palagi sa school namin when it comes to sport, sobrang nakasuporta talaga ang lahat. I'm jealous sometimes for those who are very athletic, unlike me na walang hilig sa sports.
Natapos ang first quarter na lamang sila Clark sa grupo nila Yvelson. Hanggang sa dumating ang second quarter, biglang lumiksi si Yvelson at hindi ko alam kung bakit, halos nakakapag-dunk na siya kahit ang taas ng ring. May spring ata sa sapatos or kaya may invisible na pakpak. Natapos ang second quarter na nagdikit na ang score. Lamang three points sila Yvelson at last quarter na.
Medyo mainit ang laban dahil magkatapat si Yvelson at Clark. Hindi ko alam kung bakit mainit sila masyado sa isa't isa. Hindi pa naman intramurals pero ang intense na nila panoorin.
Si Clark ang may hawak ng bola at pilit itong inaagaw ni Yvelson. Nag-fake si Clark na ipapasa niya ang bola sa kabilang side at saka nilusutan si Yvelson.
Napahiyaw ang lahat nang mabilis na tumakbo si Yvelson at hinabol si Clark. Walang kisap-mata at mabilis niyang na-steal ang bola kaya agad siyang tumakbo at tumira ng tres.
Pasok!
Natapos ang laro at nanalo ang team ni Yvelson. Nagulat 'yung ibang students at 'yung iba pa ay naalibadbaran sa game. Most of the students were amazed on how good Yvelson is. He just beated Clark, the MVP.
"Oh 'di ba, natalo ko ang harina boy mo. Ano, na-turn off ka na sa kanya?" natatawang pang-aasar ni Yvelson.
Ediwow sa kayabangan. I thought.
"Ang yabang mo naman. Sus, tyamba lang 'yon," asar ko naman pabalik.
"Tyamba ba yan?" At nag-imagine pa siya na may hawak siyang bola at isho-shoot ito. "Iniisip ko nga na baka palihim kang nagche-cheer para sa'kin. Kasi pansin ko sa'kin ka nakatingin eh?" dagdag niya pa kaya tuluyan na akong tumawa nang malakas.
YOU ARE READING
A Demon's Love
ParanormalKeia has always felt like an outsider in her own life. Haunted by cryptic memories and the unsettling stories her grandmother used to tell, she's learned to trust no one- not even herself. But when Yvelson appears, her world begins to unravel. Yvels...