Mag-iingat ka sa kanya...
Mag-iingat ka sa kanya...
Mag-iingat ka sa kanya...
Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang sinabi ng matanda. Gusto kong matulog pero kapag pumipikit ako, mukha ni Yvelson at ng matanda ang nakikita ko.
Bakit naman kaya nasabi 'yon ng matanda sa akin? Baka naman pinagti-trip-an lang ako no'n? Eh bakit seryosong-seryoso siya? Nakakapagod mag-isip.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kakaisip sa mga nangyari.
Pakiramdam ko'y ilang minuto palang akong nakapikit nang biglang tumunog ang alarm clock ko. Agad naman akong bumangon sa pagkakahiga at pinatay ito ngunit hindi ito tumitigil sa pagtunog.
Pinindot ko ulit ito pero parang lalo lang lumakas ang tunog. Unti-unti na akong naririndi. Maya-maya pa ay nag-iba ang tunog nito na para bang sigaw na ng kung sinong lalaki.
Napalinga ako sa paligid at mabilis na umikot ang lahat at hindi ko namalayan na nakatayo na ako sa isang pasilyo. Sobrang dilim.
Biglang nawala ang ingay. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko mawari kung anong nangyayari sa akin.
Sumakit ang ulo ko. Pilit akong humanap ng liwanag. Maya-maya pa'y biglang may sumigaw nang malakas sa tabi ko. Hindi ko nakita ang mukha nito pero sobra akong kinilabutan.
Tumakbo ako nang mabilis dahil naramdaman ko ang paghinga sa leeg ko.
Anong nangyayari?
"Tulungan niyo ako—" pumipiyok na sigaw ko.
Sa isang iglap, hinahabol na ako ng isang lalaki na naka-hood. Bawat lingon ko ay papalapit siya nang papalapit sa akin. Nakangisi siya na para bang gusto niya akong balatan ng buhay. Nililingon-lingon ko siya at nakikita kong nakangisi pa rin siya. An evil smile. Nakangisi ito habang pulang-pula ang mga mata niyang nakatitig sa'kin.
"TULONG!!!" naiiyak na sigaw ko habang patuloy pa rin sa pagtakbo.
Hindi ko na namalayan kung nasaan na ba ako. Madilim ang paligid at wala akong makita. Ang gusto ko lang ay makaalis dito kaya takbo lang ako nang takbo.
"Lola, nasaan ka?!" sigaw ko sa kawalan habang patuloy pa rin sa pagtakbo.
Pakiramdam ko'y mauubusan na ako ng hangin sa pagsigaw.
"Argh, aray ko!" napahawak ako sa ankle ko dahil bigla akong nadapa. Pinilit kong tumayo pero hindi ko na kaya.
Napalingon ako sa likod ko at hinanap ang lalaking kanina'y humahabol sa akin ngunit nawala na siya. Tatayo na sana ako nang biglang may naramdaman akong nakatayo sa harap ko. Marahan kong inangat ang ulo ko at napasigaw nang malakas. Isang lalaki ang nakangisi sa akin na punong-puno ng sugat at dugo ang mukha.
"NO! NO! PLEASE!" napaupo ako sa kama na hinahabol ang paghinga ko.
Sobrang nakakatakot ang panaginip na 'yon. What kind of a nightmare is that? Ilang beses na 'tong nangyayari. Bakit ganito ang panaginip ko? Hindi ko gusto, sa madaling salita ay natatakot ako. Dati sanay naman ako sa mga nakakatakot. Hindi ko alam pero parang hindi ko ngayon kaya nang mag-isa.
"Keia, anong nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba d'yan?" sunod-sunod ang pagkatok ni lola sa pinto ng kwarto ko.
Bigla akong natauhan sa pagtawag ni Lola. Napahinga ako nang malalim bago sumagot.
YOU ARE READING
A Demon's Love
ParanormalKeia has always felt like an outsider in her own life. Haunted by cryptic memories and the unsettling stories her grandmother used to tell, she's learned to trust no one- not even herself. But when Yvelson appears, her world begins to unravel. Yvels...