Nang makauwi ako sa bahay ay tunog nang tunog ang notification ng cellphone ko. Nang tingnan ko ay si Yvelson ang nag-message, nasa message request lamang siya dahil hindi naman kami mutual sa kahit na anong socials ko.Hindi ko ito sinubukang basahin. Ilang beses pang nag-chat sa akin si Yvelson but I just keep on ignoring him. I don't want to waste my time talking to a person I don't even know.
Nakasimangot akong bumaba patungo sa dining room. Nandoon na si Lola kausap ang maid namin.
"Kanina ka pa nakasimangot apo, may problema ba?" bungad ni Lola pag-upo ko sa usual na upuan ko.
Hindi ko pinansin si lola dahil natungo ang pansin ko sa dami ng pagkain na nakahain sa table. Dalawa lang naman kaming kakain tonight at wala ring celebration, bakit naman maraming nakahain sa lamesa? Not unless may bisita kami ngayong gabi?
"Lola, may okasiyon po ba?""Meron, apo. Pupunta rito ang mga Montenegre, 'yung bagong kapit-bahay natin. Nakausap ko kasi 'yung Mama ng kaibigan mo, mabait naman sila so I decided na yayain sila ngayon mag-dinner. Kasama niya 'yung tatlo niyang anak," my Lola stated.
"Kaibigan?" I asked, raising my eyebrow."Sabi kasi sa'kin ni Ms. Montenegre, 'yung mga anak niya ay nasa same school mo. I just expected na you would make good friends with them since we're all neighbors."
Nanlumo ako sa narinig ko, grabe ang malas ko naman ata ngayon. Pilit kong iniiwasan ma-encounter tapos dito pala magdi-dinner. At saka hindi naman ganyan si Lola sa mga dati naming kapit-bahay, palibhasa ilan sa kanila ay mga tsismosa na ayaw na ayaw ni lola. Nanahimik na lang ako dahil wala naman na akong choice.
"Montenegre," I just murmured.
After almost ten minutes, lumabas ang maid namin para pagbuksan ng gate ang mga bisita, akala ko nga hindi na sila darating eh. Pinili ko pa rin ang manahimik at maghintay. Unang pumasok ang nakaputing bistida na babae, below the knee ang tabas nito. I think nasa 40's na ang edad niya and probably siya ang mommy nila Yvelson. Hawak niya sa kanang kamay niya ang isang bata na hanggang waist niya lang ang tangkad.
Sunod na pumasok ang babaeng kasing tangkad ko. She's wearing a creamy dress at napakaputi ng kutis niya, she's so beautiful. Ang pino ng ilong niya habang namimilantik naman ang mga pilikmata niya. She bowed here head and smiled.
I smiled awkwardly.
Yvelson on the other hand is wearing a dark blue shirt, it's almost black actually. Seryoso lang naman siya habang nakatingin sa'kin.
Tumayo si lola Letisha at kinausap ang babae. Nag-hi naman ang batang babae sa akin. I handed her the chair beside me.
I smiled and handed my hand sa mommy nila. "Good evening po."
She smiled at me saka hinarap si lola.
"Salamat sa pagtanggap ng invitation. I just want to welcome your family as my new neighbor." Panimula ni lola.
"Salamat po!" sagot ni Yvelson."Hello po, I'm Keia," pormal na pagpapakilala ko habang nakangiti.
Hindi ko alam kung anong itsura ko, hindi ko kayang ngumiti nang totoo, parang ang awkward ng atmosphere o baka ako lang ang nakaka-feel no'n kasi hindi naman ako sanay sa mga gatherings.
YOU ARE READING
A Demon's Love
ParanormalKeia has always felt like an outsider in her own life. Haunted by cryptic memories and the unsettling stories her grandmother used to tell, she's learned to trust no one- not even herself. But when Yvelson appears, her world begins to unravel. Yvels...