Chapter 2 - The New Neighbor

10.4K 174 16
                                    

"Good morning, Keia!" my grandmother greets me pagbaba ko galing sa kwarto. Nakasuot lang ako ng loose pants at printed shirt. I smiled at her at umupo na sa tabi niya.

"Good morning po," bati ko rin.

"Nakalimutan kong itanong sayo," panimula ni Lola kaya napakunot ang noo ko. "Wala ka pa rin bang kaibigan, apo?" tanong ni Lola sa'kin.

Tinitigan ko muna siya. Bukod sa pangungumusta sa akin ni lola sa school, madalas niya rin ako tanungin kung may mga nakakausap o nakakasama man lang ba akong kaklase o kaibigan. Sa totoo lang, hindi naman na big deal sa'kin na wala akong kaibigan. Nasanay na rin siguro ako.

"Hindi naman na po kailangan. Saka kung may darating na gusto akong kaibiganin, edi okay po," I shrugged and I continue eating.


"Basta kapag nagkaroon ka nang mga kaibigan, ipakilala mo agad sa'kin ha? I want to see you hanging out like a normal teenager. And always remember to enjoy." Paalala niya pa sa akin.

Am I not normal?


Bahagya akong natawa sa naisip ko pero tumango na lang ako. As if naman magkakaroon ako ng kaibigan. Sana nga, kaibigan na tunay at totoo, not someone like Clark na matapos ko tulungan, iiwanan din ako, pero kung wala talaga, okay lang ako. Masaya naman ako kahit mag-isa lang eh. Hindi naman boring. At isa pa, wala namang nakakaawa sa pag-iisa.

Tinapos ko na ang kinakain ko at niligpit ang mga 'yon. Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang bag ko at bumaba na rin agad.

"Hintayin ko po kayo sa labas lola," sabi ko kay lola bago maunang lumabas ng bahay.

Sumakay na ako sa passenger seat, nandoon na rin 'yong driver namin na nagbabasa ng newspaper. Nag-ear phone na muna ako at pumikit. Sinasabayan ko ang kanta pero mahina lang.


Umurong ako nang dumating si lola at umupo sa tabi ko. Tumingin na lamang ako sa bintana ng sasakyan. Sa pagmasid ko sa paligid, napansin ko ang mga boxes at mga gamit sa katabi ng bahay namin.

Ibig sabihin ay may bagong lipat, may bago kaming kapit-bahay. Iiwas na sana ako nang tingin nang may mahagip ang panigin ko. Out of nowhere, I looked at him, I don't know why I felt like doing it.


A man about my age is wearing a grayish sweater, black pants, and rubber shoes. He looks mysterious. I immediately noticed that he is very tall, I think 6 feet flat. I'm only 5 feet and 4 inches tall, to compare. His aura seems dark; he's not too skinny, and his height suits his build just right.

Sa sobrang tagal kong pinagmamasdan ang kabuuan niya. Naramdaman niya sigurong may tumititig sa kanya kaya lumingon siya. He caught me staring at him. Ang tagal niyang nakipagtitigan sa'kin at hindi ko alam kung naestatwa ba ako nang ngumiti siya sa akin kaya hindi ako makaiwas ng tingin. Natigilan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Lumaki pa lalo ang kanyang pagngiti kaya naman lumitaw ang dimples sa magkabila niyang pisngi. Napaiwas ako nang tingin. Baka naman hindi ako ang nginingitian niya?


Hindi ko na lang pinansin. Nag-earphones na lang ulit ako at pumikit. Ayokong magmukhang weird para makipagtitigan pa at mag-smile back sa kanya. Hindi ko talaga ugaling ngumiti sa mga taong nakakasalamuha ko at saka malay ko bang ako ang nginingitian no'n?

A Demon's LoveWhere stories live. Discover now