Nagising ako exactly 8 PM; masyadong napahaba ang tulog ko. For sure, tulog na si Lola. Bumaba na ako at kumain nang mag-isa sa kitchen.
As I was washing the dishes, I felt like someone was staring at me from afar.
Nararamdaman ko ang mga titig na iyon na nanggagaling mula sa labas ng glass window namin. Nagmadali na ako at siniguradong naka-lock ang lahat ng bintana at pintuan dito sa bahay bago umakyat sa kwarto ko. Bago ako matulog, I chatted with Yvelson na bukas kami mag-usap about sa gagawin namin for talent portion, pag-uwi ko na lang galing sa church.
The thoughts about reincarnation that Raine told me keep running in my mind. Hindi ko na maintindihan kung bakit at para saan ang mga kakaibang nararanasan ko. The flashes of memories are still in my head; hindi man gano'n kalinaw ang mga 'yon, ay natatandaan ko pa rin. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin. First was about the nightmares I used to have. Next was the memory—or I mean the scenarios I've seen in my head. Third was the hoodie guy who keeps following me. Fourth was my old neighbor who keeps telling me to stay away from Yvelson. Lastly, the pageant I have to join.The questions in my head are so many that I just want them to stop. I imagined myself screaming into the vast nothing to stop myself from making a lot of questions and to silence the other voices in my head that are overthinking.
Sa ngayon, ang iniisip ko ay kung sino ang lalaki kanina. Patuloy akong nanghuhula ng mga sagot sa kung ano ang kailangan niya o kung sino ang lalaking 'yon. Iniisip ko na baka magnanakaw lang siya, pero bakit wala naman siyang tinangay na kahit isa man lang na gamit? Naguluhan din ako sa mga sinabi niya kanina na mas lalong nagpa-curious sa akin na alamin kung sino siya.
Maaga akong nagising dahil may misa ngayon at sasama ako kay Lola. Palagi naman namin itong ginagawa every Sundays. Nakarating kami sa church na nagsisimula na ang misa, kaya medyo aligaga si Lola. Nag-park ang driver at dali-dali kaming pumasok sa loob ng church. Nakita ko ang mommy nila Thalia at ang kapatid nilang si Yasie. Kumaway na lang ako sa kanila at nakinig na sa misa.
"There are two kinds of spirits who can bring you miracles. First is the good spirit who came from God, and the second spirit is the one who came from the demons. The second one is deceiving; minsan akala natin they are good for us, but we never know it until we know their secrets. I'm just saying that be careful about the miracles you believe in." Father Joseph ended his preach with those lines. Somehow, I think he's right. Inaakala natin na 'yung miracle na nangyayari sa atin ay nanggaling mula sa good spirit, pero ang hindi natin alam, nalilinlang na pala tayo ng kasamaan, ng demons.
"Apo, ihahatid ka ng driver sa bahay ha? May seminar kasi kami ngayon kaya baka ma-late ako ng pag-uwi," pagpapaalam ni Lola habang naglalakad kami kung saan nag-park yung driver.
Umalis na rin agad si Lola kasi hinatid niya lang ako rito sa labas. Gusto kong pigilan si Lola, nangangamba kasi akong baka makita ko ulit 'yung lalaking nagpakita sa akin, at hindi ko alam kung ano na ang kaya niyang gawin.
"Ahm, okay po. Ingat po kayo," I said before I went inside the car. Hindi na rin ako nakapagsabi kay Lola na natatakot ako, baka mag-alala pa siya nang sobra.
"Hihintayin pa ba natin ang Lola mo, Keia?" tanong ng driver namin.
"Hindi na po, may seminar kasi sila," simpleng sagot ko. Hindi na siya umimik at nag-drive na pauwi.
Nang makarating sa labas ng bahay, may narinig akong tumawag sa akin mula sa hindi kalayuan, papasok na sana sa garage itong sasakyan.
"Hija," nilingon ko ang matandang boses.
YOU ARE READING
A Demon's Love
ParanormalKeia has always felt like an outsider in her own life. Haunted by cryptic memories and the unsettling stories her grandmother used to tell, she's learned to trust no one- not even herself. But when Yvelson appears, her world begins to unravel. Yvels...