Page 14

197 7 0
                                    

"Mamimili ako ng limang magkapareha para sa Cotillion na gaganapin.."

Umingay ang klase sa anunsyo ng aming Adviser. Ang mga babae halatang excited. Ang mga lalaki naman ay tahimik at habang ang ilan ay nagdadaldalan lang.

Tumikhim si Ma'am sa unahan. Nilibot niya ang tingin sa buong room. Mukhang namimili na siya ng isasali.

"De Leon, Salvado.."

Unang tinawag si Cypress na hindi makapaniwala. Sa ibang lalaki siya nai-partner ni Ma'am. Bahagya akong napangisi. Gusto niya siguro maka-partner si Angilo kaya ganoon ang naging reaksyon niya.

Nagtawag pa ng ilang pangalan si Ma'am..

"Barrera, Relonda.."

Napasinghap ako sa gulat.

Narinig ko naman ang ilang panghihinayang ng mga kaklase kong babae na gusto rin maging ka-partner si Angilo. Nahagilap ko pa nga ang pagsimangot ni Cypress sa nangyari.

Nillingon ko naman si Angilo na siya ding lumingon sa akin. Tipid ko siyang nginitian.

Nginitian niya rin ako ngunit halata doon sa ngiti niya na hindi siya sincere. Parang may malalim siyang iniisip na agad ring nagpabura sa kanyang ngiti.

Nawala rin ang ngiti ko nang umiwas siya at nagbalik ng tingin sa unahan.

Awasan na at kasalukuyan akong nag-aabang sa labas ng school kung saan may maliit na waiting shed. Hinihintay ko si Martin na ilang minuto ng wala.

Ang alam ko ay awas na rin sila kaya nagtatakha ako.

Tumunog ang bubungan ng waiting shed na gawa sa bakal. Patak iyon ng ulan. Umaambon..

Tumingala ako sa medyo nagdidilim na kalangitan. Humangin din nang malakas. Ang mga estudyante ay nagmamadaling pumara ng masasakyan.

Ang ambon ay naging ulan. Sunod-sunod na ang patak nito at unti-unti ng lumalakas ang buhos.

Pinindot ko ang screen ng cellphone ko. May isang mensahe na pala si Martin sa akin.

From: Martin

Hindi pa kami tapos sa ginagawang project. Nasa laboratory pa ako. Mauna ka na. Sorry.. Babawi ako.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-type.

Ako: Hindi. Ayos lang. Tapusin mo na lang 'yan.

From: Martin

Thank you. Take care, Dawn. I love you..

Seeing his reply makes my heart to beat. Ngunit hindi ito masyadong nakakaapekto ng husto sa akin. Parang iba. May kulang.

In-off ko ang cellphone ko. Wala akong nagawa kung 'di ang maghintay sa pag-tila ng ulan. Bakit sa tuwing may ganitong mangyayari naiiwanan ko ang payong ko?

Sumimangot ako. Pinanood ko ang ilang estudyante na mas piniling magpakabasa at tumakbo sa ulan. May ilang naman na naka-payong pero basa pa rin.

"Dawn!"

Agad kong hinanap ang may-ari ng boses na iyon. Lumingon ako sa kabilang kalsada at nakita ko si Angilo na nakatayo -- may hawak na payong at seryoso ang mukha.

Napatitig ako sa kanya.

Tumawid siya at nagtungo sa akin. Nang nasa harapan ko na siya, may nakita akong pag-aalala at galit sa kanya.

"Nasaan ang boyfriend mo? Bakit nandito ka? Wala ka bang payong?" Malamig at sunod-sunod niyang tanong.

Lumunok ako at tumingin.

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon