Page 15

189 6 0
                                    

Ang kamay ko ay nanginig sa nakita. Nanlamig rin ang buong katawan ko. Wala akong magawa kung 'di ang manood sa isang tagong parte ng hallway kung saan may mga locker.

Doon..

Mula sa hindi kalayuan.. Kitang-kita ng dalawa at paiyak ko nang mga mata si Angilo at Cypress na naghahalikan.

Pilit akong lumunok kahit nagbabara ang lalamunan ko sa emosyon. Sa emosyon na unti-unti nang aapaw at sasabog. Bumigat din ang paghinga ko. Para akong malalagutan sa bigat.

Inabot ni Cypress ang mukha ni Angilo at sinakop ito ng kanyang mga palad upang lumalim ang kanilang halikan.

My hands were shaking terribly. I couldn't think straight. Ang tangging nakikita ko lang ay kadiliman kung saan sila lang ang malinaw sa aking paningin.

Wala akong magawa. Sinubukan kong gumalaw sa kinatatayuan ko ngunit muntik lang akong matumba dahil sa panghihina ng aking tuhod.

Ang mga mata ko ay nag-iinit. May tumulong luha mula rito hanggang sa parehas na silang lumalabas at umaagos pababa sa pisngi ko.

Matapos ang malalim na halik na kanilang ginawa, bumitaw sila sa isa't isa. Nag-titigan sila pero ilang saglit lang ay hinawi ni Angilo ang batok ni Cypress palapit. Ginawaran niya ulit ito ng halik na mas ikinawasak ng puso ko.

Shit... Is this really happening right now?

Paano? Bakit? Bakit niya ginawa iyon?

Did he like her too?

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang isang kamay.

Ang pigil kong pagsusumamo sa isang tabi ay gumagawa na ng ingay. Hindi ko hinayaang marinig nila ang hikbi ko kaya't maingat akong umalis kahit na mahirap para sa akin ang maglakad ng mabilis.

Blanko ang utak ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maswerte nga lang ako nang makasalubong ko si Martin. Doon lang sumagi sa akin na nakalayo na pala ako sa lugar na iyon.

Ang ngiti ni Martin ay nawala. Mabilis niya akong nilapitan at inalo. Malikot ang mata niya na tila hindi alam ang gagawin sa akin.

"Dawn.. What's wrong? Bakit ka umiiyak?" Nataranta pa siya nang humikbi ako.

Umiling-iling ako upang ipahiwatig na wala lang ito pero hindi niya pa rin ako pinakawalan. Inalalayan niya ako at pumwesto kami sa hagdan ng isang building.

Pinaupo niya ako. Siya naman ay tumayo sa harapan ko. Alalang-alala siya sa akin.

"I-I'm okay.. Uhm.. Ayos lang.. M-Martin."

Miski ang pagsasalita ko ay hindi ko maitama dahil sa sakit at pagkabigo na aking nararamdaman.

"Hindi ka maayos, Dawn.." Wika niya. Lumuhod siya sa harap ko. Pinunasan niya ang mga luha ko.

Tinitigan niya ako ng husto. Tinitigan ko rin ang seryosong tingin ni Martin sa akin.

"Tell me.. What is it?"

Suminghap ako at muling umiyak.

"Dawn..." Sambit niya na may halong pagmamakaawa.

Umiling ako. No. I can't tell him. Bukod sa nasasaktan ako, I feel guilty. Martin who is always been good to me don't deserve my lies.

Humagulgol ako. Bumuntong hininga siya at tinabig ako upang mayakap ako sa kanyang bisig. Mainit at nakakagaan ng loob ang kanyang ginawa.

"Saan ka galing... Bakit ka umiiyak?" Bulong niya.

Siniksik ko ang sarili ko sa kanya. Niyakap ko na rin siya pabalik. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak muna.

Pinikit ko ang mata ko. Dinamdam ko mabuti ang aking nararamdaman habang nasa isip ko si Angilo. Kahit ang pagyakap sa akin ni Martin ngayon ay iniisip kong si Angilo ang gumagawa. Mas bumigat lang ang sakit sa dibdib ko sa illusyon na iyon.

Mas diniinan ko pa ang pagpikit ko. Gusto kong burahin lahat.. Lahat ng nasaksihan ko ngunit ang hirap gawin. Hindi ko matanggap. Masyado akong nagulantang.

Nagmulat ako.

Humiwalay ako kay Martin at humarap. "Uuwi na ako.." Paos kong sabi mula sa pag-iyak.

Tumango siya at tumayo. "Ihahatid na kita."

Nag-angat ako ng tingin. Binigyan ko siya ng isang matamlay na ngiti.

"Salamat..."

We hold hands.

"Dawn!"

Natigilan ako. Nilingon naman ni Martin ang likuran namin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hindi magawang lingunin kung sino man ang tumawag sa pangalan ko.

Sa gilid ng mata ko, gumalaw si Martin at sinulyapan ang aking mukha. Marahan akong tumingala. Seryoso ko siyang tinignan.

"Gusto ko ng umuwi," Naiiyak na naman ako.

Bumuntong hininga si Martin. Nilingon niya pa sa huling pagkakataon ang lalaking nasa likuran namin bago niya ako tanguan at sundin.

"Okay. Iuuwi na kita.."

Humakbang kami paalis.

Awtomatiko namang gumalaw ang ulo ko. Mabilis akong sumulyap sa likuran. Nakita ko si Angilo na nakatayo sa pinag-alisan namin.

His stare were cold and intense. Mabilis din ang bawat paghinga niya na para bang may tinakbong milya-milya.

Binawi ko ang tingin ko. Sa pagpikit ko, may tumulo muling luha sa aking mata.

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon