Page 2

399 11 0
                                    

Grade 6 noon nang makilala ko si Angilo. Mabait siya at gentleman sa kahit sino. Maraming babae ang nahuhulog sa kanya. Pero ako, nagustuhan ko rin siya, nagustuhan ko siya bilang kaibigan kasi lagi niya ako pinapatawa.

Hindi nagtagal, nagkaroon kami ng barkada. Masaya kami pero si Angilo lang talaga ang pinaka-close ko sa lahat. Madalas man kami tuksuhin ng iba naming kaibigan dahil para kaming lovers, tinatawanan na lang namin iyon.

"Ano ba yan, totoo bang magkaibigan lang kayo?" Sabi ng isang kaibigan namin na babae noon.

Sobrang malapit kasi kami sa isa't isa ni Angilo habang gumagawa kami ng project para sa grupo namin.

Ngumiti ako at sumagot. "Magkaibigan nga lang kami.. Kulit niyo."

"Hindi halata, Dawn! Sweet niyo e.." Humagikgik ang kaibigan naming babae

Narinig kong natawa at umiling si Angilo sa aking tabi. Mas lumapit pa siya sakin at tinulungan ako sa pag-guhit sa illustration board.

Mabilis lumipas ang taon. Grade 8 na kami at magkasama parin kami ni Angilo. Lagi kaming magkaklase. Yung iba namin kaibigan ay nahiwalay samin ngunit kami.. Nananatili parin na magkasama.

Araw-araw siya ang nasa tabi ko. Siya ang kadamay ko kapag may problema. Siya rin yung nag-comfort sakin noong hindi ako sinayaw nung crush ko sa JS.

"Dawn.." Ani Angilo at binigyan ako ng panyo.

Kinuha ko iyon at marahan na pinunas sa nagtutubig kong mga mata. Ayokong kumalat ang make-up ko.

Humikbi ako.

Lumuhod siya sa harapan ko at tinitigan ang aking mukha. Ako naman ay nakaupo sa step ng hagdanan sa second floor ng Grade 9 building.

"Hindi ka dapat nag-aaksaya ng luha, Dawn. Huwag mong sayangin.."

Kinuha niya sa kamay ko yung panyo. Pinunasan niya ang pisngi ko nang may lumandas na luha sa kabila kong pisngi.

"Ang sakit ma-reject.." Hikbi ko.

"Lagot 'yon sakin." Marahan na sabi niya ngunit may bahid ng galit.

Ngumiti ako. "Ano ba, Angilo. Huwag na! Hayaan mo na.."

"Walang makakapigil sakin." Aniya. "Kailangan niyang malaman na hindi niya dapat pinapaiyak ang mahal ko."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko at ganon din ako.

Parang tumigil ang puso ko sa kanyang sinabi.

Lumunok ako. "A-Anong sabi mo, Angilo?"

Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga.

Nanginig ang sistema ko. "Anong sabi mo?" Ulit ko.

"Mahal kita.." Aniya habang naka-iwas parin. Tsaka niya lang ulit ako binalingan nang marinig niyang humikbi ako at mag-simula na namang lumuha.

Hindi pwede ito.

Hindi pwede na gusto niya ako.

Magkaibigan kami! Gusto kong mandiri sa pag-amin niyang iyon. Para ko na siyang kapatid. Sa tagal namin na magkasama bilang kaibigan bigla siyang aamin na mahal niya ako?

Tumulo ang mga luha sa mata ko.

Nakita ko na nag-panic siya at tumayo. Yayakapin niya dapat ako pero umiwas ako at tumayo sa aking kinauupuan.

Nadulas pa nga ako sa suot kong heels kaya sinambot niya ako. Hinawakan niya ako sa bewang at braso.

"Lumayo ka sakin, Angilo!" Iyak ko at tinulak siya.

Lumayo naman siya sakin. Ang mga mata niyang nakatingin ay may bahid ng pagsisisi.

Umiling ako sa kanya.

Unti-unti akong umatras...

Tinalikuran ko siya at tumakbo ako sa kabilang hagdanan upang bumaba.

Our friendship... ruined.

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon