Page 6

230 11 0
                                    

Ginawa ni Angilo yung sinabi ko. Iniwasan niya nga ako. Hindi niya ako tinitignan kahit na alam kong alam niya na paminsan-minsan ay nililingon ko siya.

He looked serious sa buong period ng klase.

Kapag nagtatanong sa kanya ang mga kaklase namin ay sinasagot niya naman ngunit naninibago ako dahil sa seryoso niyang aura.

Nag-ring ang bell, hudyat na tapos na ang klase.

Umingay ang buong classroom. Tumayo ang last teacher namin at nagpaalam.

Nagsitayuan na rin kami matapos non.

Pero bago pa man ako umalis sa room, sinulyapan ko si Angilo sa upuan niya. Tumayo na rin siya at sinakbit sa isa niyang balikat ang kanyang itim na bag.

Ang mukha niya ay walang bahid ng kahit ano. Seryoso parin at nakakailang lapitan.

Bumuntong hininga ako at lumabas na ng room.

Pagbaba ko ng hagdan, bumigat ang pakiramdam ko. Eto na naman.. Eto na naman yung feeling na bigong-bigo ako dahil nagbago siya. Yung feeling na nakakapagsisi kasi hindi ka niya pinapansin.

Argh.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

Ito ang gusto kong mangyari diba? Dapat, hindi ako nagsisisi nang ganito!

"Ah!" Tili ko nang may bumangga sakin.

Muntikan na akong matalisod sa step nung hagdan!

Nilingon ko ang bumangga sakin.

Nakita ko ang kaklase kong si Cypress. Mukhang nagmamadali siya at may nakalimutan.

Nginitian niya ako. "Sorry, Dawn!" Tapos tumalikod na siya at umakyat.

Binalewala ko na lang. Humakbang na ako pababa at naglakad.

---

Sumunod na araw, ganon parin si Angilo. Nilayuan niya na nga ako ng tuluyan. Talagang tinupad niya yung sinabi ko sa kanya.

Nakakawalang gana tuloy na sa tuwing tumitingin ako sa gawi niya, hindi niya ako nililingon.

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pag-gawa ng essay.

"Tama ba itong grammar ko, Angilo?"

Sa sobrang tahimik ng classroom dahil mga seryoso ang iba sa essay, rinig na rinig ko ang boses ni Cypress. Magkatabi kasi sila ni Angilo sa upuan.

Marahan kong sinulyapan ang pwesto nila. Magkalapit sila at nakalingon si Angilo sa papel niya.

May binago si Angilo doon sa papel at nakita kong kuminang ang mata ni Cypress habang ginagawa niya iyon.

Iniwas ko ang tingin ko.

Bigla akong na-bad trip.

Tinignan ko ang sarili kong papel at nag-focus na lang.

---

"Oh? Bakit ganyan ang itsura mo?" Wika ni Ate nang umuwi ako.

Busangot na busangot ang mukha ko. Hindi na ako sumagot at dumaretso na lamang sa aking kwarto sa itaas.

Ni-lock ko ang pinto. Hinubad ko ang uniform ko at pumasok sa banyo upang maligo.

Leggings at manipis na shirt ang sinuot ko bilang pantulog. Sumampa na ako sa kama at nahiga. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-open ng facebook.

Chineck ko ang newsfeed ko.

"Thanks for today Angilo Relonda.." Sambit ko habang binabasa ang bumunggad agad na post ni Cypress.

Naka-tag pa si Angilo sa post niya. Ang likes ay kasalukuyang nasa isang daan at ang comment ay nasa bente.

Clinick ko iyong comment.

Donna Manubat: Wow, sino to, Cy?

Erika Perez: Angilo Relonda? Ito ba yung crush mo na sinasabi mo samin?

Marami pang ibang comments pero tinigil ko na. Ayoko ng basahin. Nangingigil ako. Alam kong wala akong karapatan dahil hindi naman sakin si Angilo pero.. Shit. Nag-iinit ang dugo ko.

Ayoko na pinagkakaguluhan siya ng mga babae. Pero dati rati naman ay ayos lang sakin na may mga ganon ngunit hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito ngayon!

Ni-like ko ang status post ni Cypress. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa.

Makalipas lang nang ilang segundo, nakita kong ni-like rin ni Angilo ang post ni Cypress at nag-comment.

I stalked the comment section again.

Angilo Relonda: Welcome.

Nakita ko na may reply si Cypress sa comment niyang iyon.

Cypress De Leon: Thank you talaga!

Cypress De Leon: Bukas naman ikaw ang ililibre ko.

Nahugot ko ang hininga ko.

What's with them?

Close na sila ni Angilo? Kailan pa?

Gumulo ang utak ko. Naparanoid ako sa totoong lang. Kung ano-anong mga bagay ang pumasok sakin at hindi ako nakatulog nung gabing iyon.

Hanggang alas dose yata ng gabi ay gising ako at paikot-ikot sa kama.

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon