Page 1

768 15 0
                                    

"Dawn..."

Inignora ko ang lalaking bigla na lang sumabay sa paglakad ko. Diretso lang ang tingin ko sa pasilyo.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

Tumigil ako. Hinarap ko siya at tinignan.

Ang seryoso niyang mukha ay nakatitig sakin. Pero nang ngumiti siya ay nag-iwas ako. Iba talaga ang dating ng isang ito. May taglay kasi na kagwapuhan kaya kapag ngumiti.. pwedeng bumigay ang loob mo.

Ngunit buti na lang at hindi ako nadadaan sa ganon. Hindi ko siya type. At hindi ko siya gusto.

"Hatid na kita?" Aniya.

Umirap ako. Argh.

Bakit ba ayaw niya akong tigilan? Alam naman niya na ayaw ko sa kanya pero tuloy parin siya sa pag-lapit sakin.

Ang dami naman ibang babae na naghahabol sa kanya pero ako itong natipuhan niya.

"May kasabay ako." Malamig kong sabi.

Nagulat siya at lumarawan ang pagtatakha sa gwapo niyang mukha.

"Sino?"

"Boyfriend ko." Mabilis kong sagot.

Humakbang ako palayo. Sinundan niya ako at bumaling ng tingin sa akin. Hindi ko siya tinignan pabalik. Diretso lang ulit ang tingin ko sa daan.

"May boyfriend ka ulit?"

Tumango ako.

"Bago?" Tanong niya pa.

Tumango ako.

"Sino? Anong pangalan?" This time, parang galit na ang tono niya. Parang naiirita siya.

"Hans.."

Narinig ko ang marahas niyang pagsinghap.

"Hans Padejos?"

Tumango ako.

"Bakit siya?"

Lumingon ako sa kanya. "Pakealam mo ba, Angilo? Wala ba akong karapatan na i-boyfriend siya?"

May binulong siyang mura bago ako sagutin.

"Bakit ba sa mga ganoong lalaki ka nagkakagusto, Dawn? Tapos sa huli papaiyakin at iiwan ka rin. Hindi ka ba nadadala?"

Tumigil ulit ako at galit siyang hinarap. Nag-aalab ang mga titig ko sa kanya.

"ANO BANG PAKE MO?" Marahas akong bumuntong hininga. "Pwede ba na lubayan mo ako?"

Galit din niya akong nilingon.

"Hindi ako titigil sa paghabol sayo kung hindi mo aayusin ang mga desisyon mo." Aniya.

"Bakit? Buhay ko naman to ah! Kaya pwede kong gawin kung ano ang gusto ko!"

Sarcastiko siyang tumawa. "Tapos ano? Malulugmok ka at papatayin mo ang sarili mo kakaiyak sa mga walang kwentang lalaki? Dawn.. Huwag kang tanga. Huwag kang magpaloko-"

Tumaas ang palad ko sa ere at sinampal siya. Tumabingi ang mukha niya. Natigilan siya. Nakita kong pumula ang kanyang pisngi.

Bigla akong na-guilty. Pero hindi ko pinakita. Pinanindigan ko ang ginawa ko.

"Bakit? Ano sa tingin mo ang magandang desisyon? Ikaw? Ikaw ang i-boyfriend ko?" Tumawa ako. "No, Angilo. Hindi kita gusto! Kaya kung pwede.. Huwag ka ng lumapit sakin."

Mabilis ko siyang tinalikuran. Nag-martsa ako palayo. Iniwan ko siya roon..

Iniwan ko siyang tulala sa nangyari.

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon