Page 17

202 5 0
                                    

Natigilan ako. Ang mahigpit niyang yakap ay damang-dama ko. Bumilis rin ang tibok ng puso ko na parang nakikipaghabulan ito. Ang bigat at lungkot na dinala ko ng ilang linggo ay naglaho.

Gusto ko sana siyang yakapin pabalik ngunit nag-aalangan pa ako. Mas pinili kong tumayo na lang at hayaan siya.

"Uuwi na ako..." Bahagya ko siyang tinulak sa dibdib nang mapagtanto kong napapatagal iyon.

Walang sabi-sabi na binitawan niya ako. Bumuntong hininga siya at tinitigan ako ng husto.

"Sabay na tayo." Aniya.

Agad akong umiling. "Huwag na. Kaya ko naman.." Malamig kong sabi.

Nauna na ako at iniwan siya. Nakaka-limang hakbang pa lang ako nang hindi ko matiis na lumingon.

Binawi ko rin iyon nang makitang nakatanaw lang siya sa akin at pinapanood akong lumayo. Suminghap ako at binilisan ang aking lakad.

Nang dumating ang araw ng Prom, hindi magkandaugaga si Mama at Ate sa akin. Si Papa naman ay tahimik na nanonood sa ginagawang pagme-makeup sakin ni Ate.

Roba pa lang ang suot ko dahil hindi pa ayos ang aking mukha. Todo ang effort ni Ate sa itsura ko. Si Mama naman ay walang ginawa kundi ang purihin at tumulong sa pag-aayos sa aking buhok.

Napangiti ako.

"Gagawin kitang reyna tonight!" Tawa ni Ate at nilagyan ako ng lipstick sa labi. "Sisiguraduhin ko na pag-aagawan ka ng mga lalaki." Dagdag niya pa.

Kunwari'y sinimangutan ko siya sa sinabi niyang 'yon.

"Sobra ka naman sa pag-aagawan, Ate.." Wika ko. "Marami rin kayang magaganda sa school namin."

Ngumuso si Ate. Kinuha niya ang isang brush at pinantay ang aking blush on. Ang buhok ko naman ay itinali nila sa isang falling braid. Mas nag-mukha akong Feminine doon.

Proud na ngumiti sina Mama at Ate sa akin pagkatapos.

The blue cocktail dress they bought fits perfecty. Simple lang ito pero elegante tignan. Tube ang top nito na puno ng makikintab na glitters at stones. Habang ang pinakaibaba naman ay maganda ang pagkaka-flow at may kaunting ruffles style.

"Smile!" Ngiting-ngiti na wika ni Ate. Nakatutok sa akin ngayon ang hawak na camera.

Ngumiti naman ako nang mag-flash iyon.

"Si Angilo na yata yung nasa labas, Anak.." Ani Papa sa tabi ng pinto ng kwarto ko.

Nagmamadali naman nila akong pinababa. Mas excited pa sila kesa sakin. Nailing ako.

Binuksan ni Mama ang pinto at pinapasok si Angilo sa sala kung saan akong nandoon. Nilingon ko siya at nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha. Kahit na seryoso siya at malamig kung tumingin. Ngumiti siya at nilapitan ako.

Binati ko rin naman siya ng isang ngiti.

"Ang gwapo mo naman, Angilo! Bagay kayo ng kapatid ko!" Tili ni Ate at kinuhanan kami ng picture. Sinali pa si Mama at Papa sa tabi naming dalawa.

Uminit tuloy ang pisngi ko sa tinutukso ni Ate. Totoo naman kasi na ang gwapo ni Angilo ngayon. Kahit nga uniporme lang ng school ang suot niya ay gwapo na.. Ano pa kaya itong formal at neat kung tignan?

Bumagay sa kanya ang itim na three piece suit. Ang buhok niya naman ay malinis. Naiinis ako sa sarili ko sa litaw na litaw niyang kagwapuhan! Parang gusto kong yumakap sa kanya at dumikit magdamag. Ang bango niya rin ay nanunuot sa akin. Nagwawala na ang sistema ko. Makakapagsayaw pa ba ako nito kasama siya?

"Sige po, Ma, Pa.. Alis na kami," Nilingon ko si Ate sa tabi ng magulang namin. "Ate.."

Nag-thumbs up si Ate at nginisihan ako.

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon