Page 10

192 7 0
                                    

Nang maihatid ni Angilo si Cypress sa kanila, kaming dalawa na lang ang natira sa loob ng sasakyan.

Nakatalikod siya mula sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

Tumikhim ako.

Bahagya siyang napalingon pero tinuon niya rin agad ang atensyon sa kalsada.

"Angilo..." Mahinang tawag ko.

Alam kong narinig niya iyon dahil sobrang tahimik ng paligid namin. Ang lamig-lamig pa ng aircon.

"Angilo..." Muling tawag ko, medyo malakas na.

"Bakit?"

Napalunok ako nang sumagot siya.

"Marunong ka palang mag-drive? Buti pinagagamit ka ng parents mo ng sasakyan.."

Gawa muna tayo ng topic. Baka sakali maging komportable ang atmosphere kahit ang lame nung tinanong ko.

"Minsan." Sagot niya. "Malapit lang naman ang Mall kaya kahit walang license hindi ako mahuhuli."

"Ah.." Nasabi ko na lang. Bumaling ako sa bintana.

Ang awkward na atmospera ay bumalik ulit.

"Bakit kasama mo doon si Hans?"

Nilingon ko siya sa unahan.

Ang boses niya ay may bahid ng kalamigan.

Suminghap ako. "Nagkabungguan kami."

"Sa parking lot? Sa area na 'yon?" Aniya.

Umiling ako."Hindi. Sa loob ng mall. Nabunggo ko siya at.." Bumuntong hininga ako at hindi na dinugtungan pa iyon.

"You almost got rape, Dawn." Wika niya. "Paano ka kung hindi ako dumating?"

"Kaya ko naman ang sarili ko, Angilo. Itutulak ko nga sana siya nang bigla mo siyang suntukin." Kwento ko. "Hindi ko alam na kaya mo palang manuntok.."

Narinig ko ang pag-tss niya. Sarkastiko pa siyang tumawa.

"Wala man sa itsura ko, I'm a guy, nanununtok talaga ako kapag galit ako sa isang tao."

Alam ko. Ang inosente lang kasi talaga ng ka-gwapuhan mo, Angilo.

"Ihahatid mo na ba ako sa amin?" Tanong ko.

Nilingon niya ako sa likuran saglit. "May gusto ka pa bang puntahan?"

Kinagat ko ang labi ko. "Wala na. Sige. Ihatid mo na ako pauwi."

"Ayaw mo bang kumain muna sa labas?"

"Gusto. Basta libre mo." Pagbibiro ko.

"Sure." Sagot niya naman.

Medyo nagulat naman ako. Talaga? Libre niya?

Sumilay ang ngiti sa labi ko. I can't help it. Napapangiti ako ng sobrang laki!

Kinagat ko ang labi ko upang pigilan iyon. Ayokong malingunan niya akong ngingiti-ngiti dito sa likod. Baka isipin niya nababaliw na ako.

---

"Sorry kung naistorbo ko ang date niyo ni Cypress.." Sabi ko at pilit tinakpan ang ka-bitteran sa tono ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang lamesa at sinimulan ko nang kainin ang mga inorder niyang pagkain. Siya naman ay ganoon din. Nakaharap siya sa akin habang seryoso ang kanyang mukha.

Tinignan niya ako. "Hindi date 'yon."

Hindi ako umimik. Sumubo ako nung pasta.

"Kaibigan ko lang si Cypress.." Dagdag niya.

Tumaas ang kilay ko. Wow, kaibigan? Ibig sabihin, pinalitan niya na ako? I am not his best friend anymore?

May kung akong pait na nanuot sa sistema ko.

"Ah. Okay." Nag-kibit balikat ako at nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko siya tinignan. Ang atensyon ko ay nasa aking kinakain lamang. Ngunit kahit ganon, ramdam ko pa rin ang malalim niyang pagtingin.

Palihim akong napapalunok dahil don.

"Wala naman akong pakealam kung sasabihin mo ang totoo, Angilo." Sabi ko. "Huwag kang mahiya kung dine-date mo talaga si Cypress."

Tinigil niya ang paglalaro sa tinidor na may nakaikot na pasta. Umangat ulit ang tingin niya sakin na may kasamang buntong hininga.

"Hindi ko siya dine-date." Wika niya.

Ngumuso ako. Nakita niya naman na mukhang hindi ako naniniwala kaya umiling siya at sarkastikong ngumisi.

"Nagseselos ka ba?"

Ang pagkain na nginunguya ko ay bigla kong nalunok. Nasamid ako sa tanong niyang 'yon at agad kinuha ang tubig na nasa babasaging baso.

Uminom ako tapos kinalma ko ang aking sarili. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang matagumpay niyang ngiti.

Shit. Pinagtatawanan ako ng isang ito.

Bahagya ko siyang inirapan. Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng pagka-ilang.

Humalakhak siya. "Ayos ka lang?" May kinuha siyang tissue sa tabi ng lamesa at binigay sa akin.

Hinablot ko naman iyon. Pulang-pula na yata ang pisngi ko sa mga oras na ito dahil ramdam ko ang init na dumadaloy sa mukha ko.

Hinarap ko siya nang maayos ko ang aking sarili.

"Hindi mangyayari iyon, Angilo. Nagtanong lang naman ako!" Medyo tumaas ang boses ko.

Ngumisi siya. "Talaga?"

Mas lalong nagwala ang puso ko.

"T-Talaga!" Napamura pa ako sa isipan ko nang magkautal-utal ako. "Bakit naman ako magseselos? Kaibigan lang ang turi ko sayo."

Ang ngisi niya ay unti-unting nawala. Nag-iwas siya ng tingin at bumaling sa pagkain na nasa harap.

"Okay." Aniya tapos may kinuha siya sa bulsa ng kanyang pantalon. "By the way, yung cellphone at wallet mo.."

Nilapag niya iyon sa harapan ko. Napabuntong hininga ako nang makita ang kaunting crack sa case ng aking cellphone.

Hindi ko mapigilan murahin si Hans sa isip ko. He's insane!

Mahigit isang oras ang tinagal namin sa labas. Matapos non, ay hinatid niya na ako pauwi.

Tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Binuksan ko ang pinto sa tabi ko at bumaba. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nagtama ang tingin namin dahil nakatingin din pala siya sa akin.

Lumunok ako.

"Sige.. Angilo." Awkward na sinabi ko.

Agad kong sinarado ang pinto ng SUV at nagmamadaling pumasok sa gate namin. Bahagya pa akong sumilip sa bakal na rehas upang tanawin kung nakaalis na ba siya.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang umandar ito at tumakbo palayo.

Tumungtong ako sa step ng bahay at pumasok sa loob. Pagod akong umupo sa sofa. Hinagod ko ang buhok ko at sinuklay ito gamit ang aking mga daliri. Hinawakan ko ang noo ko at pinakiramdaman mabuti ang aking sarili.

Napa-singhap ako sa sunod-sunod na pagtibok ng aking puso.

What's this? Bakit ganito?

Naihilamos ko ang magkabila kong palad sa aking mukha.

This feeling is into something.

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon