Page 8

204 9 0
                                    

"Salamat sa paghatid." Malambing na sabi ko.

Tumigil kami sa harap ng gate ng bahay namin.

Nakatitig lang siya sakin.

Nag-init ang pisngi ko sa tingin niyang iyon. Pilit akong ngumiti at umiwas. Binaba ko ang tingin ko sa kamay niya at kinuha mula sa kanya ang folder at libro ko.

"Salamat din sa pagdala ng gamit ko, Angilo.." Wika ko pa.

Tumango lang siya. "Una na ako."

Nang talikuran niya ako ay wala na akong nagawa. Pinanood ko na lang siyang mawala at sumakay ng tricycle palabas.

Bumuntong hininga ako at pumasok na ng gate. Nakita ko si Mama sa gilid ng bahay namin na nagtatanim ng panibago niyang mga halaman.

Nilingon niya ako.

"Hinatid ka ni Angilo?"

Ngumiti ako. "Oo, Ma."

Makahulugan akong tinitigan ni Mama. Kumunot ang aking noo.

"Ano 'yon, Ma?"

"Wala naman. Kakaiba lang ang ngiti mo." Tapos bumalik na si Mama sa ginagawa niya.

Umiling na lamang ako. Pumasok na ako sa loob at umakyat sa kwarto upang makapagbihis.

Pagbaba ko naman ay nakita ko si Ate at ang boyfriend niyang si Joshua sa sofa. Magkatabi sila at nanonood ng TV sa sala.

Sabay naman silang tumingin sakin nang umupo ako sa single na sofa kaharap nila. Binati ko si Joshua at ganoon din si Ate.

"Wow.." Sambit ni Ate at sinuri ako. "Ang ganda ata ng mood mo ngayon?" Nginisihan niya ako.

Ngumuso lang ako at tumingin sa TV.

Ilang saglit pa ay nagtanong si Ate. Binalingan ko siya ng tingin.

"May manliligaw ka na ba, Dawn?"

Napaisip naman ako. Walang alam si Ate na may mga naging boyfriend na ako. Hindi kasi ako nagku-kwento ng mga ganon.

Nagkibit balikat ako. "Wala." Simpleng sabi ko.

Nginuso niya naman ang labi niya at nanliit ang kanyang mata.

"E, si Angilo? Hindi ka ba niligawan non?"

Natigilan ako.

Umiling ako at natawa bahagya.

"Hindi. Bakit niya naman ako liligawan, Ate? Magkaibigan lang kami."

"Oh.. well, halos lahat naman ng lovers sa friends muna nag-uumpisa." Tapos bumaling si Ate kay Joshua at malambing itong niyakap.

Napanguso ako nang maglandian sila sa harap ko.

"Saan nga pala nagpunta si Mama? Bakit umalis?" Tanong ko na lang dahil hindi ko kinaya ang ka-sweetan nila.

"Sa grocery. Si Papa naman gabi pa ang uwi."

Matapos ng ilang oras, dumating na si Mama. Naabutan niya kaming tatlo sa sala. Agad naman tumayo ang boyfriend ni Ate at tumulong sa mga bitbitin.

Nang mag-vibrate ang cellphone ko, inangat ko ito at chineck.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. One message from Angilo!

In-open ko ito at binasa.

From: Angilo

Sorry kanina. We'll go out tomorrow.

Ha?

Napa-isip ako. Ano 'to? Pero unti-unti rin akong napangiti. Nag-sorry siya. Ibig sabihin, bati na kami? Wala nang iwasan?

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon