Page 11

215 10 0
                                    

Sumunod na araw, normal na klase ang nagdaan. Tahimik kaming lahat sa classroom dahil lahat kami ay nakatutok sa lalaki naming guro.

May group research at project siya na pinagagawa. Nagsimula na siyang magtawag ng mga pangalan. Sa unang grupo, hindi ako napasama. Kaya naghintay ako.

Bahagya pa akong nagnakaw ng tingin sa upuan ni Angilo. Seryoso ang mukha niya at tahimik din na nakikinig. Nilipat ko naman ang tingin kay Cypress na nagsusulat sa notebook.

"Barrera, Dawn..."

Binalik ko ang atensyon sa unahan nang marinig kong tinawag ang pangalan ko.

"..and Relonda, Angilo."

So.. Ka-group ko siya?

Nilingon kong muli ang pwesto niya. May kausap siyang lalaki na kasama rin namin sa grupo. Iyon yata ang leader namin. May binigay itong index card at may pinasulat.

Nang matapos, binalik na ni Angilo ang index card at umayos na siya sa kanyang inuupuan. Papalingon ang ulo niya sa gawi ko kaya mabilis akong umiwas.

Kumalabog ang dibdib ko.

---

Friday nang hapon ang naisipang araw ng grupo para sa meeting na gagawin namin.

Ang court na malapit sa school ang naisipan nilang tagpuan. Pagpasok ko doon, may mga naglalaro ng basketball. May nagpa-practice ng cheerdance at ang iba ay sports.

Sa mga sementadong bleachers pataas, natanawan ko agad si Angilo kasama ang ilang naming members.

He is wearing a v-neck white shirt and dark pantalon at white converse. May suot-suot pa siyang plain black cap. Ang eyesight niya ay medyo natatakpan kaya nag-mukha siyang misteryoso. Ang matangos at mamula-mula niyang labi ang nasisilayan mula doon.

Humakbang ako pataas kung saan tanaw ang buong court. Nang makita nila ako, binati ako ni Dale, ang group leader namin. Tapos si Maricar na member din ay naroon at may dalang laptop.

Tumabi ako sa kanya. Nginitian niya naman ako at tinanguan. Ganon din ang ginawa ko at nagsimula na kami mag-usap about sa project.

"Sino pa ba ang hihintayin?" Tanong ko.

Sumagot naman ito habang nag-ta-type. "Si Greg na lang. Traffic daw kaya baka mahuli.." Aniya.

Narinig ko naman ang boses ni Dale at Angilo na nag-uusap. Nilingon ko sila. Parehas silang naka-upo rin sa bleachers. Seryosong nakikinig si Angilo sa pinapaliwanag ng leader namin. Tumatango-tango siya bilang pag-payag sa lahat ng sinasabi nito sa kanya.

"Ako na ang bahala sa ikalawang research. Ako na rin ang mag-eedit.." Ani Angilo.

"Isama mo na rin sa research na gagawin mo si Dawn. Para mabilis." Dagdag naman ni Dale.

Hindi sumagot si Angilo bagkus nilingon niya ako at nahuli niya akong nakikinig sa kanilang usapan!

Taranta akong umiwas.

Pero ilang saglit lang, sinubukan ko muling sumulyap. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang nakatingin pa rin siya sa akin.

Gumalaw ang labi niya at nginisihan ako.

Nag-init ang pisngi ko at agad nagbalik tingin sa pinagkakaabalahan ni Maricar. Kunwari'y nakisali pa ako sa ginagawa nito upang maiwasan ang presensiya niya.

"Pwede ba ako tumulong?" Sabi ko.

Pumayag naman si Maricar at binigay sakin ang kanyang laptop. Nag-tulungan kami sa pag-gawa ng front page ng mga project. Inabala ko mabuti ang sarili ko upang makalimutan ang nakakahiya at nakakailang na eksena kanina.

Bakit na-a-awkward ako sa kanya?

Shit.

Hindi ito maganda.

Nang dumating si Greg, nagsimula na kaming mag-discuss sa mga gagawin. Lahat kami ay nakaupo at tabi-tabi sa bleachers habang si Dale ay nakatayo at nagpapaliwanag sa ambagan na mangyayari upang sa madaling panahon, matapos namin agad ang group project.

"Kayo Greg at Maricar, ang pang-huling research ang gagawin niyo. Ikaw naman Angilo, isama mo si Dawn dahil mahaba-haba ang naka-assign sayo..." Wika ni Dale. "Tapos akin na lang iyong unang research. Maiksi lang naman 'yon kaya hindi ko na kailangan ng partner."

Sumang-ayon ang lahat. Ako naman ay tumango lang.

Gumalaw si Maricar sa tabi ko at lumapit kay Greg. Pinag-uusapan na ata nila iyong gagawin nila. Kinagat ko ang labi ko at binalingan si Angilo na ngayo'y nakalapit at nakatayo sa gilid ko kung saan ako nakaupo.

He is busy with his phone. Pero mayamaya lang ay binaba niya na iyon at tinignan ako.

"Saan tayo mag-gagawa? Sa inyo o sa amin?" Pormal na tanong niya.

Napalunok ako.

"Ikaw ang bahala." Lutang na sagot ko.

Tinitigan niya ako at ganon din ako sa kanya.

Bumuntong hininga siya at naupo sa tabi ko. Hindi ako umimik. Naamoy ko ang pabango niya kaya halos mabaliw ako. Oh god, no.

"Kung gusto mo.." He trailed off. "Sa dating meeting place natin. Mas tahimik doon at mahangin."

"Ikaw bahala.."

Lumingon siya sakin. Tinanggal niya ang kanyang itim na sumbrero sa ulo at nilapag iyon sa aking kandungan.

May pagtatakha kong pinanood ang ginawa niya.

Nag-angat akong muli ng tingin sa kanya. Ginulo niya ang buhok niya tapos sinuklay niya lang ulit ito gamit ang kanyang isang kamay. Nag-baba siya ng tingin sa court at pinagmasdan ang mga naglalaro.

Marahan akong bumuntong hininga. Pinagmasdan ko na rin 'yong mga naglalaro sa court. The silence between us is making me uncomfortable. Tingin ko bawat paglunok ko ay naririnig niya. Tingin ko bawat tibok ng puso ko ay nadidinig niya. At tingin ko rin pwede na akong atakihin dito sa pwesto ko!

"Are we not yet okay, Dawn?"

Napasinghap ako nang bigla siyang magsalita at itanong 'yan sakin. Buti na lang kontrolado ko ang aking sarili kaya hindi niya napansin ang pagka-bigla ko doon.

Pero bakit niya tinatanong sa akin ang bagay na 'yan? Talaga bang hindi pa kami okay? Sa pagkakaalam ko, humingi na ako ng tawad sa kanya. Siya lang itong naging malamig ang pakikitungo sa akin.

Sumimangot ako.

"Fifty-fifty.."

Binaling niya ang kanyang tingin sa akin. "Anong fifty-fifty?" He asked with a questioned look.

Ang inosente at gwapo niyang mukha ay mas naging kaakit-akit sa aking paningin.

"Fifty-fifty.. Half okay and half not." Wika ko nang hindi nakatingin sa kanya.

Kitang-kita ko sa gilid ng aking mata na naguguluhan pa rin siya.

Nailing ako at hindi mapigilang matawa. Pinigil ko pa ang sarili ko ngunit natatawa talaga ako.

"Kalimutan mo na nga, Angilo." Sabi ko. "Simpleng kasabihan 'di mo ma-gets."

Tinignan ko siya. His eyes were still confused and unfocused. Tumayo ako sa bleachers at kinuha ang sumbrero niyang nilapag niya kanina sa hita ko. Inayos ko ito at binalik sa ulo niya.

"Tara na.. Paalam na tayo sa kanila para gawin yung research."

Nginitian ko siya bago talikuran.

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon