Page 19

210 6 0
                                    

Maaga kaming umalis ni Angilo sa venue. Mabuti na lang at pinayagan kaming lumabas. Nakapasok kami agad sa sasakyan nila.

We're both silent pagkapasok sa loob.

Sa may bintana ulit ako pumwesto kaya doon ko tinuon ang tingin ko. Nang pumasok ang kanilang driver, umusad na ang sasakyan at tuluyan nang umalis palabas ng parking.

Gumalaw si Angilo sa tabi ko. Nilingon ko siya at nakita kong sinandal niya ang ulo niya sa head rest ng upuan. Pumikit siya at tumahimik.

Hindi ko mapigilan na pagmasdan siya. Ang gwapo niya. Sobra. Mababaliw na ata ako sa lalaking ito.

Bumuntong hininga ako at binalik ang tingin sa bintana. Ngunit ilang saglit lang ay muli kong nilingon si Angilo. Kinuha niya kasi ang kamay ko at marahan na sinakop gamit ang kanya. Ang mainit niyang palad ay kinukulong ang sa akin.

Umangat ang tingin ko sa mukha niya. Nakabaling na sa direksyon ko iyong ulo niya at titig na titig siya sakin gamit ang namumungay na mata.

Gamit ang isa pang kamay, iginiya niya ito sa pisngi ko at marahan na pinunasan kung ano man ang nandoon gamit ang hinlalaki.

"You have tears left..." Medyo paos ang boses niya.

Mas umusod pa siya palapit sa akin. I am facing him too close. Tinignan ko ang mga mata niyang nakatingin sa labi ko. I suddenly want to cover it with my hands and move away but I'm frozed. Ni isang galaw ay hindi ko magawa dahil sa paglapit niya.

Tumibok ang puso ko at halos mapapikit ako nang maramdaman ang pagtibok non.

"Sa bahay na tayo magdidinner... Ayos lang ba?" Marahan niyang sinabi na parang nangsusuyo.

Ngumiti ako at tumango. "Ayos lang..."

Ngumiti rin siya sa akin. Nilapit niya ang labi niya sa noo ko at ginawaran ako ng halik na mababaw at maingat.

Matapos ay unti-unti na siyang bumalik sa dating pwesto. Pero ang tingin niya ay nasa akin parin.

"I can't believe this..." Aniya. "Do you really love me?"

Bahagya akong natawa. "Oo. Nagdududa ka ba?"

Umiling siya at pumikit saglit. "Akala ko panaginip lang. Ayoko nang magising kung panaginip man ito, Dawn.."

Tumagilid ako paharap sa kanya. Ako naman itong lumapit upang halikan siya sa gilid ng pisngi.

Mabilis at magaan ang ginawa kong halik. Natigilan siya sa ginawa ko. Halatang nagulat.

Tumuwid ako ng upo. Tinignan ko siya.

"Para san 'yon?" Tanong niya.

"Wala lang. Gusto ko lang humalik para fair."

Natawa siya at nailing sa sinabi ko.

Saktong ten pm nang dumating kami sa kanilang bahay. Hindi naman ito ang first time pero kinabahan pa rin ako. Matagal na rin noong huling punta ko.

May kasambahay na nagbukas ng kanilang gate. Pumasok ang sasakyan at tumigil sa garahe.

Gumalaw si Angilo sa upuan at binuksan ang pintuan ng SUV. Unang siyang lumabas. Nilingon niya ako at naglahad ng kamay. Lumabas ako at humawak sa kanya.

Sabay kaming umakyat sa tatlong hakbang na hagdan papunta sa kanilang malaki at gawa sa pure wood na main door. Ang nakasunod sa amin na kasambahay ay pinagbuksan kami.

Tumango lang si Angilo at binati ito.

Ang loob ng bahay ay maaliwalas at maliwanag. Cream white at light peach ang combination ng dingding. Maraming vase sa paligid at vintage paintings. Ang pagkakaalam ko kasi ay mahilig sa mga vase ang Mama ni Angilo.

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon