Page 12

213 5 0
                                    

Hindi edited ang chapter. Sorry. Ayusin ko na lang ulit :)

---------------------------------------------

Tinahak namin ang kalsada pataas kung saan sa tutok niyon ay may patag na lugar at madamo.

Nangungunang maglakad si Angilo habang ako ay nasa likuran niya lamang. Pormadong pormado siyang naglalakad samantalang ako ay medyo napapagod na. Malalim na ang paghinga ko at nararamdaman ko na rin ang pananakit ng mga binti ko.

May araw pa at mainit. Hindi ko mapigilang tumigil at magpahinga saglit sa gilid ng daan.

Pinanood ko si Angilo na walang kamalay-malay na naglalakad. Napangiti ako sa hindi malaman na dahilan.

Ilang saglit lang ay nilingon niya ang kanyang likod. Nang makitang wala ako ay hinanap niya ako at nagtagpo ang aming mata. Naglakad siya pabalik sa akin.

Mula sa malayo ay nagsalita siya. "Pagod ka na?"

Hindi ako sumagot. Tumuwid lang ako nang tayo at nag-inat. Ginalaw-galaw ko rin ang paa ko at inikot.

"Namumula ka.." Aniya nang makalapit. Tinanggal niya ang kanyang sumbrero at nilagay sa aking ulo.

Natigilan ako at nag-angat ng tingin sa kanya.

Maaliwalas ang gwapo niyang mukha. May pawis pa na tumulo sa gilid ng kanyang pisngi kaya napasinghap ako sabay iwas ng tingin.

Patago kong kinagat ang labi ko.

Ang gwapo niya! Bakit ganoon?!

Bumuntong hininga ako. Kinalma ko ang sarili ko upang mabawasan ang pagwawala ng puso at sistema ko.

Binalik ko ang aking tingin sa kanya. Nakita ko siyang umupo at nag-squat sa tapat ko. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang isa kong paa.

Nagbaba ako ng tingin. "Uy.." Alanganin kong sambit. "Huwag na. Ako na mag-aayos niyan, Angilo."

Pero hindi siya nakinig. Pinagpatuloy niya lang ang pagtatali sa sintas ng aking suot na sapatos. Marahan ang galaw ng kamay niya habang ginagawa iyon. Napatitig ako ng husto sa kanyang kilos.

Bigla siyang tumingala. Napakurap ako at bahagyang nag-iwas ng eye contact.

Tumikhim ako sabay distansya ng kaonti.

"Salamat," Ani ko matapos niyang itali ang sintas.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Tumayo siya at hinarap ako.

"Tara na? Kaya mo pa ba o gusto mong magpabuhat?"

Inilingan ko lahat ng sinabi niya.

"Hindi na. Kaya ko."

Tapos naglakad ako at nilagpasan siya. Ramdam ko naman mula sa likuran ko ang pagsunod at paninitig niya. Humugot ako ng hininga at binilisan ang hakbang upang makarating sa patutunguhan namin.

Sumalubong sa amin sa itaas ang sariwang hangin. Namangha ako sa kaberdehan ng kapatagan. Mula naman sa gitna ay nakita ko ang napakalaking puno ng Narra na madalas namin tambayan ni Angilo noong nasa elementarya pa lang kami.

Those childish moments suddenly flashed in my mind. Nagbalik ang lahat sa akin. Yung time na aawas kami at didiretso rito upang magpahinga, maglaro, at mag-asaran.

"Dawn.."

Nagising ako sa realidad. Wala sa sariling nilingon ko Angilo na titig na titig sa aking tabi.

"You okay?" Tanong niya.

Mabilis akong tumango. Humakbang ako para makalapit at makapagpahinga sa malilong na pwesto sa ilalim ng puno.

Naupo ako sa malaking ugat at sumandal sa katawan nito. Saglit kong pinikit ang mata ko at ninamnam ang tahimik at malamig na simoy ng hangin. Ang ginhawa sa pakiramdam.

Ang hakbang ni Angilo ay narinig ko. Naramdaman ko rin na naupo siya malapit sa akin. Minulat ko ang mata ko at tinignan siyang nakaupo sa pino at patag na damuhan. Nakababa rin ang dala niyang bag at sinisimulan nang kunin ang dinala niyang laptop at isang libro sa loob.

"Ako muna ang gagawa rito.." Wika niya. "Mamaya mo na lang ako tulungan kapag hindi ka na pagod." Nakatingin siya sa laptop na binubuksan niya.

Ang anggulo ng kanyang mukha ay naka-side view mula sa akin. Napatitig na naman ako.

Kay sarap talaga tignan nang matangos niyang ilong, ang nakakaakit niyang mata na kung tumitig ay sobrang lalim at ang labi niya na mamula-mula kahit nakatikom.

Sa matagal na panahon na kasama ko siya, may mga bagay ako na ngayon ko lang na-realize..

Noon, he's just a normal boy bestfriend for me. Ngunit ngayon.. nagbago na. He can be an ideal boyfriend. He grown a lot. He's perfect.

Umihip ang hangin. Ang buhok kong nakalugay at nasa loob ng sumbrero ay sumasabay. Napunta ang ilang hibla sa mukha ko. Inayos ko ito at nagpatuloy sa panonood kay Angilo na nag-ta-type na sa laptop.

His eyes were focused and serious. Nakaka-intimidate. Parang pwede nang matunaw iyong screen.

Inayos ko ang upo ko at dinungaw siya. Gumagawa na siya ng essay at explanation sa MS Word.

Umusod ako upang makalapit sa kanyang tabi. "Tutulong na ako, Angilo.."

Nilingon niya ako. Tumango naman siya at hinarap sa akin ang laptop. Kinuha ko naman iyon at tinapos ang kanyang tina-type.

Nanood lang siya sa akin. Nailang tuloy ako bigla. Binalingan ko siya. Our eyes met. Then, nahuli kong bumaba ang tingin niya sa labi kong bahagyang naka-awang. I quickly close my lips and bit it.

Napalunok siya at binalik ang tingin sa aking mata. May munting ngisi na namuo sa labi niya na sinubukan niya pang pinipigilan.

Nag-init ang buong mukha ko.

Nag-bawi ako ng tingin. Sinubukan kong mag-type sa keyboard kahit na nanginginig ang mga daliri ko.

"Gusto kong magka-ayos tayo ulit, Dawn.." Aniya.

Natigilan ako.

I heard his heavy sighs. "Kahit mahirap. Kahit masakit, gagawin ko. I promised.. I will try my best to be your bestfriend again. Please accept me."

Gumuhit ang ngiti sa labi ko, pero hindi ko matukoy sa aking sarili kung masaya ba ako o hindi. I mean.. I am happy that we will be okay again, pero hindi ko sigurado kung matutuwa ba ako sa gusto niyang mangyari na magkakabalikan kami bilang magkaibigan.

Dahil alam ko mismi sa sarili ko na may iba na akong nararamdaman.

"Dawn.."

Tinignan ko siyang muli. Seryoso at ang kanyang mata ay tila umaasa.

Tipid akong ngumiti kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.

"I'll accept you again, Angilo." Huminga ako ng malalim. "Magkaibigan na ulit tayo."

Let Me Catch You (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon