Chione Blanc's
"Ano nga ang tagalog ng Blue?" Tanong ko ng mahina dahil alam ko sa sarili ko na alam ko ang tagalog term noon. Napatingin naman agad ako kay Laura ng mapapilantik ito sa hangin.
"Asul!" Proud na proud pa nyang sagot. "Asul lang hindi pa alam! Balik ka na ngang Canada!" Hiyang-hiya naman ako sa kanya na laking Pilipinas pero hindi alam ang tagalog term ng Blue.
"Tanga, hindi ba Spanish yon?" Nakairap kong tanong, nasa dulo na kasi ng dila ko ang sagot, "Ah! Bughaw!" Sagot ko sa mukha nya.
"Ay seryoso?" Tanong nito habang nagpipipindot sa phone nya.
"Nanloloko—malamang seryoso. Shunga lang?" Nagsimula na ako ulit magsulat dahil patapos na ang narration na ginagawa ko. Wala kasi ang instructor ngayong araw. Nag-iwan lang ito ng isang activity na kailangan din agad ipasa ngayong araw.
"Bad girl friend!" Bintang nito sa akin kaya agad din akong napatingin sa kanya.
"Talaga?" Tanong ko habang wala sa sariling nag-Pen Spinning.
"Naniwala ka naman! Of course noooot!" Bawi nito saka ako niyakap mula sa likod, we aren't seatmates kasi meron kaming sitting arrangement na ang lakas maka Highschool-feels. "Always remember that you're the best girl friend for me!" bawi pa nya.
"Tigil-tigilan mo nga ako Laura Kramer baka isaksak ko sayo itong ballpen ko palibhasa ay tapos ka na." Kunwari'y naaasar kong sagot dahil sa totoo lang tumataas ang balahibo ko pag naglalambing sya. Hindi pa din ako masanay-sanay kahit na ilang taon na kaming magkasama.
"Ang iinosente tignan." Rinig kong bulong ng taong nasa tabi ko. Kahit kailan talaga ang bitter ng mga tao dito palibhasa wala silang mga totoong kaibigan. Kung hindi plastic eh ahas naman. "I am not judging but you two do give me a vibe that you won't do a single good thing." Ipush mo pa yang hindi mo pangja-judge ha. Sya yung babaeng kaaway ni Laura noong araw na naging magkaibigan kami, her name is Pony but we really like calling her Pony-yeta. We're classmates since third year Highschool and I didn't expect na hanggang ngayong College ay classsmates pa din kami. Pero wala namang nagbago eh, salty pa din ng ugali nya.
"Hoy wait!" Biglang sabat ni Laura na tumayo pa mula sa upuan nya at saka nag crossed-arms. "Anong pinagsasasabi mo ha? Spotlight gusto mo? Magtagalog ka nga. Medyo di ko maintindihan eh." Dagdag pa nya na akala mo talaga walang alam sa English. Inirapan lang sya ni Pony saka nagdabog na palabas ng room.
May kwento pala ang pagiging salty ni Pony towards us. Well, kay Laura lang talaga nadamay lang ako. I don't know what year but as far as I can remember that was from Highschool. They're known as best of friends kaya lang ay nawalan ng spark. Nag-agawan daw sila ng boyfriend. I don't know what exactly happened but oh well? Past is past.
"Manahimik ka na nga lang dyan kahit saglit lang."
"Eh paano kasi bored na bored na ako dito. Nobela ba yan 'te? Sabi pwede na kahit dalawang paragraph lang ha?" Tinignan naman nya ang ginagawa ko.
"Eh paano nga kasi ang ingay-ingay mo. Paano matatapos?"
"Hmmmmp!" Saglit itong tumahimik pero yung saglit na yon ay natapos ko ang activity ko. Clearly, mabilis akong natatapos sa kung anong ginagawa ko sa tahimik o kung sa maingay na lugar man—I must have my earphones on.
"So where do you wanna eat? Chowking?" Tanong ko habang isinusukbit ang bag ko sa balikat.
"Oh! I am chow-king!" Biro nito na natatawa pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/46853441-288-k387732.jpg)
BINABASA MO ANG
Strikhedonia
RandomWARNING! Poorly written story! [/hands up; I only write to make sense of the thoughts in my head and most specially creating new world within the real world is quite fascinating. So if you are one of those perfectionists out there, then you can leav...