05 : Mono

20 3 0
                                    

Chione Blanc's

"What are you both rushing for?" asked Lawrence while obviously, eating slowly.

"Just—hurry up!" Hindi ko na napigilang magsalita. Halos kalahating oras na kaming inaantay syang kumain at isa pa, dalawang oras na yata kaming nandito. Saglit lang kaming kumain ni Laura samantalang ang ulupong na ito akala mo nagpa-buffet dahil bukod sa andaming order, ang bagal pang kumain! This is not the usual Lawrence, I know for sure that he's doing it on purpose and I know what exactly is going on with him.

"Ano ba naman yan, Lawrence! Bagalan mo pa at uuna na kami ni Chione! Atsaka hoy! FYI?! Mag-aayos pa kami ng gamit at eto last na! Excited—," Napatingin kami kay Laura na karararting lang galing sa restroom. Inip na inip na daw kasi sya kaya nag-ayos muna sya ng mukha nya.

"Wag ka ngang unfair, Law. Ikaw may kotse pero kami wala?" Singit ko para maunahan ko ang galit ni Laura. Napatingin sya saakin ng nakakunot ang noo habang subo pa nito ang hipon na kakasawsaw nya lang sa suka, "Well?" deretso ko pa saka ipinagsalop ang dalawa kong kamay at saka ipinatong sa lamesa.

"Alam nyo na?" Natatawa nyang saad.

"Obviously? Kaya kami nagmamadali? At kaya ka nagmamabagal jan?" Singit naman ni Laura na ngayon ay nakasuot na ng bag. "Okay I got it. Tara na nga Kiyo iwan na natin yan." May himig ng pagtatampo ang boses nito.

"Okay—okay, no one is leaving without me. Just—just let me finish this and we're going." Napangiti naman kaming dalawa ni Laura. Ito lang naman ang alam kong kahinaan ni Lawrence, never nyang natiis ang kapatid nito kahit na world war pa kung mag-away sila.

As far as I know, ayaw na ayaw kasi nitong ginagamit namin ang motor simula pa noong nabili namin ang mga yon. Lalo na noong nalaman nyang naaksidente kami sakay ang motor namin. Iyon din ang araw na binawi saamin ng parents namin yung motor including my mom na biglang napauwi galing sa almost 1 month na meeting sa client nila. Minor accident lang naman yun puro gasgas lang ang nakuha namin. Kung tutuusin si Lawrence lang 'tong parang tanga na gusto pa kaming palagyan ng dextrose noong mga panahong iyon. Sya talaga ang dahilan kung bakit kinuha saamin yung motor. Sa totoo lang din, sya ang pinakakontrabida sa buhay namin ni Laura mula pa noong magkakilala kami. Ewan ko ba jan ang laki ng problema sa buhay nagawa pa kaming idamay.

Saglit lang din ay natapos na ni Lawrence ang pagkain at nakapagbayad na din ito. Pinagbuksan nya kami ng pintuan upang maunang makalabas saka sya sumunod. Akma pa lang kaming lalakad papunta sa sarili nitong sasakyan ng may dalawang babae ang lumapit sa amin. Dederetso na sana kami ni Laura kaya lang ay hinila ako nung isang babae.

"Ate, kunan mo nga kami ng picture with Lawrence?"

Aba naman? Maka-ate sya saakin tapos walang 'kuya' sa Lawrence? At ang malupet, wala din 'Please?' Tinaasan ko lang sila ng kilay. Si Laura ang kumuha ng phone dahil nahalata ata nitong ayaw kong sumunod sa gusto nila.

"Perfect!" Masayang bati ni Laura bago kuhain ng mga babae ang phone saka tinignan kung maayos ba ang pagkakakuha. Saglit lang din ay namaalam na sila kay Lawrence na wala man lang Thank you sa kinuhaan nila ng pabor.

"Wow, ang kakapal ng mukha.." Bulong ko saglit at narinig ko ang pagsipol ni Law—nakatingin ito sa papalayong fangirls nya na humahabol pa ng tingin saamin.

"Pedophile.." Akusa ni Laura saka tumalikod. Sumunod naman ako.

"Eh ano naman ngayon?" Tinignan ko sya na sumusunod na din saamin, nangingiti pa nga. "Age doesn't matter, sis."

StrikhedoniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon