Chione Blanc's
"Okay lang yun bunso," Pagpapatahan ni Lawrence sa akin, "Pero wag ka ng umiyak mukha ka ng palaka eh." May paghawak pa syang nalalaman sa tuktok ng ulo ko.
"Ay wow." Bulong ko saka medyo hinila ang uniporme nyang polo na hindi nakabutones hanggang ilalim-may plain white shirt sya sa loob. Pinunas ko iyon sa mukha ko.
"Alam mo ba pag ang babae daw niyakap ka, kayo magkakatuluyan?" Tanong nito, napatingin naman ako sa kanya kasi medyo malapit sya sa mic.
"Sino na naman ang nagsabi sayo nyan?"
"Ako lang." Tumawa pa sya kaya agad akong napairap ng bongga dahilan para sumakit ang mga eyeballs ko. Ayokong isipin nyang wala akong pake sa sinabi nya pero parang ganon na nga din. "So ayun! Ano guys diba ang galing?!" Tumingin ito sa mga taong nagmistulang audience ko-namin.
"Nung una akala ko palpak na naman 'yang nakuha mo-but greaaaat I'm so satisfied! Welcome to the club!" Pumalakpak pa si Alexis na ginaya ng mga Basketball players. Narinig ko pa ang pagsipol ni Dice.
"Thank you for those who appreciated my voice though I know it sucks-a bit." Pa-humble kong sabi kahit na alam ko talaga sa sarili kong maganda ang boses ko. It is just that, wala akong practice and this is my first ever performance since how many years. "To those who didn't like it, I still wanna say thank you but please be honest." Ngumiti ako sa kanila dahil hindi ko na napigilan ang sariling wag magyabang.
"Ganon din kalamig boses ko eh kaso lumamig masyado nanigas na! HAHAHAHAHAHA!" Pagmamalaki nung isang lalake na player. What the hell? Wala talaga akong kilala sa kanila bukod kay Dice.
"Kaboses mo din ako dati Kiyo-naulanan lang ako!" Segunda naman ni Laura na ngayon ay inaayos na ang mga takas na luha sa mata nya. Hawak nito ang hand-fan na nakatapat sa mukha nya, palagi nya iyong bitbit. Mabilis kasi syang pagpawisan at ayaw nito sa initan. Hindi naman mainit dito sa Auditorium, marahil ay pinapatuyo lang talaga nya ang mukha nya. Bigay na bigay kasi sa pag-iyak eh, nahawa tuloy ako.
"Magaling din ako kumanta nung araw kaso gabi na." Dice, agad naman napalingon si Laura sa kinaroroonan nya at saka ko narinig si Lawrence na saglit na tumawa.
"Umaga pa lang kaya!" Sagot ni Laura. Sinamaan naman sya ng tingin ni Dice pero hindi na nakipagsagutan. Inaya na ako ni Law pababa ng stage kaya sumunod naman na ako. Tumayo na mula sa kinaroroonan sila Alexis.
"Is it okay to drop the formalities and have ourselves introduced?" Tanong ni Law sa mga kaibigan. Ngumiti naman si Alexis,
"Hi! I want to formally introduce myself hehehe. My name is Alexis Alcantara in case you do not know?" Tanong nito sa akin. Tinitigan ko lang sya, paanong hindi kita makikilala? "You really don't know, do you?" Natawa sya sa sinabi ko saka nag-pout, "Interesting! Anyway! Ako yung tumatayong vocalist nitong banda nila, I can also play Guitar." Nakangiti pa din nitong pagpapakilala.
"Eyyyy! She's a celebrity, Kiyo!" Napatingin ako kay Laura.
I know.
"Sorry?" Hindi ko sinasadyang makunot ang noo ko. "I'm Chione Blanc. How are you?" Pakilala ko, tumingin din ako dun sa kasama nya.
"I'm good! And oh~ this is-" Nabitin sa ere ang pagpapakilala nya sa lalake dahil bigla na lamang itong nagsalita. Agad naman itong nag-pout which I guess is her habit.
"Hi. I'm Cash-and I am too lazy to do more introductions. Let's also skip that awkward How are you's." Tumango lang ako sa kanya, "I am definitely getting you." Mahinang saad nya.

BINABASA MO ANG
Strikhedonia
NezařaditelnéWARNING! Poorly written story! [/hands up; I only write to make sense of the thoughts in my head and most specially creating new world within the real world is quite fascinating. So if you are one of those perfectionists out there, then you can leav...