04 : ♫Breathless

20 3 0
                                    

Chione Blanc's

Maayos naman akong nakikinig sa lecture ng bigla na lamang may sumagi sa utak ko. Naalala ko na naman yung araw na syang gumulantang sa buo kong pagkatao. Ang tagal-tagal ko nang kinalimutan ang mga bagay na nakakapagpapaalala kung paano ako nahilig tumugtog pero hangga't may katibayan, wala akong magagawa.

Kababalik lang noon ng mommy ko galing sa ibang bansa, iyon ang pangalawang uwi nya mula noong iwan nya ako sa pamilyang Kramer. Halos dalawang buwan lang naman iyon, umuwi sya dahil patapos na ang bahay na ipinagawa nya sa tapat mismo ng bahay na tinitirhan ng mga Kramer. 

Go on go on
Leave me breathless ♫ 

Busy ako noon sa paghalungkat sa bag nya ng bigla na lang akong mapahintoboses ko ba yun? Tanong ko sa sarili saka naglakad papunta sa living room nila. 

The daylight's fading slowly
The time with you is standing still ♫ 

Nakita ko ang maliit na version ko sa malaking TV nila Laura. Napuno ako ng iba't-ibang emosyon hanggang sa hindi ko na alam ano nga ba ang mararamdaman ko. Video ko ito na kumakanta sa isang videoke sa isang mall. Iyon ang araw na pinipilit kong bilhan ako ni mommy and daddy ng sarili kong videoke. Pumayag agad si daddy pero si mommy ay may kondisyon—bago daw nila bilhin iyon ay kailangan ko munang kumanta kahit isa lang. Pumayag din naman ako agad dahil ako yung tipo ng tao na pag gusto ko, gagawin ko lahat para makuha ko.

Windang na windang ako noon dahil andon ang buong Kramer at ang mommy ko na ipinagmamalaki ako sa kanila. Iyon ata ang araw na nalaman ng mga Kramer na marunong akong kumanta at sobrang malapit ako sa musika. Ang akala daw kasi nila ay mahilig lang talaga akong makinig ng tugtog. Wala pang ilang segundo ay nakikita ko na ang sarili ko na kasama si Lawrence, ito naman yung panahon na lagi nya akong pinipilit na sumali sa banda nila.

"Why?" Tanong ulit ni Lawrence na nakatingin saakin habang nilalaro nito ang drumstick na kanina pa nya pinapaikot sa kamay.

"Why not?" Balik ko, umayos ako ng tayo mula sa pagkakasandal sa pader saka ko sya tinignan ulit. "Look, wala akong balak na sumali sa banda mo so if you don't mind.. please stop asking me. It's just simple, I don't want I don't like and I won't join." Tatalikod na sana ako kaso ay nagsalita sya ulit.

"As you can see, I really really really want you on my band."

Tangina ang kulit talaga, isa pa babasagin ko na bungo mo.

"Well, still the decision is mine. So yeah? I don't wanna join. Excuse me."

Saglit akong tumitig sa kawalan saka nagkibit-balikat, 

Wow—am I even for real?  

Hindi ko na alam. Ito na ba yung saglit na epekto ng unang beses ulit akong sumayaw o magperform na mayroong nanonood?

Napahawak ako sa sariling sentido nang marinig kong nagpaalam na ang instructor namin. Natapos ang klase na alam kong lutang ang utak ko. Inayos ko na agad ang mga gamit na nilabas ko kanina na hindi ko naman din nagamit sa klase. Hindi nga din ako nakapag take down notes.

"Hey! Are you okay?" Nagulat ako sa paglakas ng boses ni Laura. Tumingin ako sa paligid at kami na lang ang tao dito sa loob. Tumango ako bilang sagot.

"Nasaan na silang lahat?" Tanong ko pa. 

Nope. 

Uwian na nga pero hindi ganito ang room bago mag-uwian, madalas nga ay kasama kami ni Laura sa mga estudyanteng kaunahang lumalabas ng room dahil ang iba ay nag-aayos pa ng mukha bago umuwi. 

StrikhedoniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon