Chione Blanc's
"Dalian mo jan!" Rinig kong sigaw ni Lawrence mula sa CR nila dito sa baba.
Kasalukuyan naman akong nakaupo sa mahaba nilang sofa habang nanonood. Pinalakasan ko pa ang volume na nanggagaling sa TV para hindi ko sila marinig kaya lang ay walang epekto. Napatingin ako sa orasan ko, late na naman kami punyatera!
"Tumatae ako!" Napapikit naman ako sa narinig ko.
Ang baboy naman!?
"Lintek! Bilisan mo naman!" Sagot ni Lawrence dala-dala ang bag nito papalapit sa kinaroroonan ko. "Palagay nga muna jan, Kiyo." sabi nya pa sabay bato sa akin.
"Bibilisan ko tae ko?! Wait lang sabihan ko pwet ko ha? Ayan ayaw! Nagalit na ikaw kasi eh!" Gahhhhd. Hindi sya tao! Megaphone sya—megaphone.
"Kadiri potek." Bulong ko na ikinatawa ni Lawrence. Sanay naman na ako sa kababuyan ng dalawang ito pero iba pa din talaga pag rinig na rinig mo eh.
"Tanginang yan bilisan mo na jan! Puro daldal eh!" Pumunta na ulit si Lawrence sa tapat ng banyo nila. Akala nya ata hindi ko maririnig ang usapan nila kung doon sila magsisigawan.
"Wag ka ngang hater! Sandali lang nga diba!?" And with that, lumabas na ako ng bahay nila dala-dala ang bag ko. Di ko na kinakaya. Pumunta ako sa garahe nila at agad na sinusian ang motor ko para mapainit ko na ang makina nito. Napangiti naman ako sa tunog nito,
"I missed you!" Bulong ko saka ko pinagpagan ang upuan na wala namang dumi.
Teka, nasaan nga pala ang helmet ko?
"Catch!" Rinig kong sigaw ni Laura sa likod ko, sakto namang paglingon ko ay ang paglipad ng helmet ko papunta saakin. "Nice!" Puri nya nung masalo ko ito. Inirapan ko lang sya saka ito isinuot. Tinignan ko naman ang sarili ko sa side mirror ng motor ko, meron akong pinaghalong black and pink na kulay ng helmet samantalang ang kay Laura naman ay Hot Pink. Gaya ng ginawa ko ay sinimulan na ding painitin ni Laura ang motor nya saka excited na sinuot ang helmet.
"Bakit hindi na lang kayo sumabay sakin?" Narinig namin ang pag-unlock ng sasakyan ni Law na syang nakakuha ng pansin namin.
"Tigil-tigilan mo nga pagiging hater!" Lol. Bitch please I am so done with him. Itinaas nito ang dalawang kamay na para bang hindi na sya sasagot.
"Can you just take your car outside para mailabas na din namin ang amin?" Tanong ni Laura habang sinisipat ang itsura sa sarili nitong side mirror. Hindi kasi namin mailalabas ang mga motor kung nakaharang ang sasakyan nya—depende na lang kung bubuksan pa namin ang malaki nilang gate.
"Eh kung ayoko?" Palabang sagot ni Law.
"No problem—," Akma ng bubuksan ni Laura ang kabila nilang gate ng pigilan sya ng kapatid.
"You can put your guitar on the car, Kiyo. I can just drop it to you on my way to my first class."
"No need—,"
"I insist—and one more thing, magkikita naman tayo mamaya diba? Kailangan mong mag-audition bago kita isali sa banda ko." Nahuli ko pa itong nagkakamot ng ulo na para bang hindi pa din sya sure kung maniniwala syang tutugtog na ako ulit, "You know that, right?" Pag-uulit pa nya.
"Oo na. Paulit-ulit mo akong pinapasali dati tapos punyeta may audition pala." Iniabot ko sa kanya ang gitara na regalo pa sa akin ni mommy a year after mawala si daddy. Isa din kasi sya sa mga taong hindi matanggap na hindi na ako ulit tutugtog. Well, about the audition—sa totoo lang ay hindi ako ready. Ni-hindi ko nga alam kung marunong pa ba akong kumanta eh. Marunong pa ba akong humawak ng gitara? Napaisip naman ako, mangangapa pa ako malamang.
BINABASA MO ANG
Strikhedonia
RandomWARNING! Poorly written story! [/hands up; I only write to make sense of the thoughts in my head and most specially creating new world within the real world is quite fascinating. So if you are one of those perfectionists out there, then you can leav...
