Laura Kramer's
Nagising ako sa tunog na nanggaling sa sarili kong alarm clock na ngayon ko na lamang ulit nagamit. Sinimulan ko ng gawin ang araw-araw kong orasyon; naligo ako saka nag-ayos ng sarili. Sinuot ko ang itim na jumper with plain white shirt underneath na bigay sa akin ni Lawrence ilang buwan na ang nakararaan. Sinipat ko ang sarili sa malaki kong salamin, above the knee ang haba ng suot ko at pinartneran ko ng white Doc Martens saka hinayaang nakalugay ang shouldered-length na buhok ko. Lumabas na ako ng kwarto at nadaanan ang kwarto ng kapatid kong may nakalagay sa pinto na,
'No one's allowed to enter! Violators will be shot and survivors will be shot again. Stay alive!'
"Bitch please!" Sigaw ko saka sinipa ang pintuan nya. Noong nakaraan lang DO NOT ENTER lang yan tapos ngayon—pssh daming alam sa buhay!
"Good morning, baby!" Salubong sa akin ni mommy habang pababa ako ng hagdan. Tinakbo ko naman ang maliit na pagitan namin saka sya niyakap.
"Good morning, mommy! I missed you! Where's dad?" Hinalikan nya naman ako sa pisngi na ikinangiti ko.
"I missed you too! He's taking a bath I guess. Where's Chione?"
"Nasa kabila. I'll go call her!" Sagot ko pero hinila ako nito pabalik.
"Later. Go call your brother first and tell him to help me prepare breakfast. I must finish cooking before Chione arrives!" Natatawa nitong hayag. Agad naman akong nag thumbs-up saka umakyat ulit ng hagdan para tawagin ang kapatid ko.
"Lawrence! Lawrence!!!!!" Kinatok ko ng bongga ang pinto ng kwarto nya pero anak lang ng tokwa ayaw ako pagbuksan. "KUYAAAA?!?!!?" Tawag ko pa. Itinapat ko ang tenga sa pintuan nito ng may marinig akong ingay—that's blower for sure.
"Nag-aaral ako! Bakit ba?!" Marahas akong napatingin sa suot kong wristwatch.
"Wala kang mauuto dito! Open the door!" Wala sa isip kong sinipa ulit ang pinto saka nagtatakbo sa kusina para kunin ang spare key ng kwarto nya. Nagulat pa ang nanay ko sa biglaan kong pagsulpot. Mabilis naman akong nakabalik agad kaya dali-dali ko ding nabuksan ang pinto.
"Oy hala ano ba! You said you were studying?!" Binato ko sa kanya ang susi na agad naman nyang nasalo. "Nag-aaral ka without your clothes on?!" Well, he wasn't completely naked—only half.
"Hindi ba makakapag-aral ng walang damit?" Inirapan ko lang ito saka dumiretso ng kama nya at naupo. Kala mo ang laki ng katawan kung makabalandra. "Nakabihis ka?" Kasalukuyan na nitong sinusuot ang T-shirt habang papunta sa lagayan nito ng sandamakmak na sapatos. Kakatapos lang din nito maligo.
"Atleast bihis. Hindi gaya mo, nag-aaral pala ha! Utot mo. Saan na naman punta mo nyan?" Binato ko ang unan nyang malapit lang kung saan ako nakaupo.
"You know what? I really want her to sing." Kumunot naman ang noo ko sa biglaang pagseryoso nito.
"Alam mo namang ayaw nya talaga eh." Sandali akong nag-isip, "Let's just give her some time. Let her decide for what she wants. Wag mo na syang pinipilit. Alam mo naman eh."
"Paabot nga nyan." Pag-iiba nya bigla ng usapan. Tinuro nya gamit ang bibig kung nasaan ang pabangong pinapaabot nya. Malapit lang kasi ako sa side table samantalang sya ay naghahanap ng sapatos na babagay sa suot nito.
"May kamay ka."
"Bakit ikaw ba wala?" Nagkibit balikat ako na syang ikinakunot ng noo nya. "Paabot na kasi!" Syempre mabait akong kapatid kaya naman nagawa ko na itong iabot—ibato sa kanya. Fortunately, nasalo nya naman at nag-spray sya na parang sa commercial. Ang kaibahan lang, mukha syang tanga.

BINABASA MO ANG
Strikhedonia
De TodoWARNING! Poorly written story! [/hands up; I only write to make sense of the thoughts in my head and most specially creating new world within the real world is quite fascinating. So if you are one of those perfectionists out there, then you can leav...