Chione Blanc's
"Ano?" Rinig kong pagkausap ni Laura sa mga damit na ibinalandra nya sa sarili nitong kama, "Papalantsahin ko pa ba kayo? Parang effort, wag na lang dahil mababaliwala rin kalaunan." Nahuli naman nya ang tingin ko dahilan para mapangiti sya,
"Ginagawa mo na namang drama 'yang katamaran mo." Tinaasan ko sya ng kilay saka nagpatuloy sa pagsisintas ng sariling sapatos.
"Naiinip na yung isa doon!" Natatawa nyang asar saka lumapit sa pinto ng kwarto.
"Oo na." Sagot ko kay Laura, "Tell him I'll be there in a jiffy!" Isinukbit ko na ang maliit na backpack ko sa likod kasabay ng paghila ko ng gitarang kanina pa din ako inaantay. I checked myself in the mirror for the last time.
"Wait nga lang daw! Bakit mo pa kasi sinusundo eh puro ka naman reklamo?!" Rinig kong sigaw nya sa kausap, it's Lawrence. Kanina pa kasi sya nandito at nakalimutan ko na pupunta nga pala kami ngayon sa bahay nila Cash. Ugh why is that everytime I mention his name lagi na lang may epekto sa sistema ko? Binuksan ko na ang nakasaradong pintuan ng kwarto namin ni Laura saka lumabas,
"FINALLY!" Sigaw ni Law na may pagtaas pa ng kamay na para bang gusto pang sabayan ng Hallelujah.
"Ariel happened to you?" Tanong ni Laura na sabay naming ikinatawa. Hindi ko na sya inintindi pero tuloy pa din sya sa pagbubunganga nya.
"Ang tagal mo!" Reklamo pa nya saka hinila palayo sa akin ang gitara na hawak ko. Minuwestra nito ang kamay sa paraang inaaya na akong mauna sa labas at susunod na lamang sya.
"Naligo pa ako." Tamad na sagot ko saka nauna na ngang pumasok sa kotse nya. Narinig ko ang pagbukas ng likuran ng pintuan ng kotse kaya nilingon ko ito.
"Nag-igib pa ba?" Nababanas nyang tanong saka ipinasok ang gitara sa loob.
"Nag second thought pa ako kung maliligo. Bakit?" Tinaasan nya ako ng kilay pagkatapos ay malakas na isinara ang pintuan. Natawa naman ako sa iniasta nya, he really hates waiting. Well, wala syang karapatan magreklamo dahil una sa lahat, hindi ko sya pinilit na sunduin ako. Sya lang itong puro arte dahil sayang daw ang gas ng motor kung pwede naman daw na sabay na kami. Pumasok na sya sa driver's seat saka pinagana ang makina. Binuksan ko ang bintana dahil nakita kong papalapit sa amin si Laura,
"Ingat!" Saad nya habang kumakaway pa. "I will go get ready na may lakad din ako mamaya eh." Tumango lang ako saka isinara na ang bintana— si Lawrence talaga ang nagsara, bastos.
--
Inaantay ko si Lawrence na kasalukuyang bumibili ng snacks sa tabing-kalsadang convenience store. Inabala ko ang sarili sa paglalaro ng candy crush ng bigla na lamang mag pop-up ang head chat ni Laura sa Messenger."Beeees!" Basa ko sa message nya.
"Im busy." Reply ko pero wala pang isang segundo ng maisend ko iyon ay tumunog na agad ang phone ko. She's requesting for a video chat. Sinagot ko naman iyon agad.
"Does this dress makes me look fat?" Tanong nito habang umiikot-ikot para maipakita ang kabuuan ng dress na suot nya.
"Yes." I answered honestly. Narinig ko ang paglock ng pintuan ng kotse kaya napatingin ako kay Lawrence na nakapasok na pala sa kotse. Ibababa ko na sana ang tawag ng tumunog ito ulit. Sya na ang nagpatay kasabay ng pag-receive ko ng kung ano man.
BINABASA MO ANG
Strikhedonia
RandomWARNING! Poorly written story! [/hands up; I only write to make sense of the thoughts in my head and most specially creating new world within the real world is quite fascinating. So if you are one of those perfectionists out there, then you can leav...