12 : Unexpected gig

4 1 0
                                    

Chione Blanc's

"Yes, my. Ihahatid naman daw kami ni Lawrence mamaya bago umuwi eh." Paliwanag ko sa mommy ko na nasa kabilang linya. 

"That's good, anak. Can you call me once you got to your apartment?" Tanong nito. Tumango ako na para bang nakikita nya ang pagsagot ko.

"I will. I have to go, mom! Bye!" Mahina itong natawa saka nagpaalam at sya na din mismo ang nagpatay ng tawag. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar, nasa StarBox na naman kami— ang pagmamay-aring bar ng mga Farell.

Napabuntong-hininga ako ng maalala kong kanina lang ay nasa pamamahay kami ng mga Farell ng bigla na lamang tumawag ang manager ng club na ito at sinabing hindi daw makakarating ang bandang inimbitahan nila ngayon. Hindi na daw bago iyon sa kanila kaya nakisama na lang din ako kahit gusto ko na talagang umuwi kanina pa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Rinig kong tawanan ng mga babae sa backstage kung saan nagpe-prepare ang mga kasama ko para mamaya.

"Tangaaaa! Masukal sa daan namin sa phase 7!" Kung hindi ako nagkakamali, boses iyon ni Dice. Oo at nandito sya, kasabay nyang nakarating dito si Laura kanina. Pumasok na ako sa loob saka lumapit sa bag ko para mailagay na doon ang sariling phone.

"Tangna ang tamis ng daan nyo ha! Yaman ng konsehal nyo pare!" Sagot naman ni Lawrence. Ang korni nya talaga kahit kailan. Lumapit ako sa kung saan naman naroroon sina Alexis at Laura.

"Nagda-drugs pala yun si ano eh—" Laura.

"Eh kasi ni-break ko yun! Bitter sa akin HAHAHAHA alam mo naman ang ganda ko." Alexis.

"Ah! Naka-drugs nga kasi kaya siguro naging kayo." Laura na pumapalo pa sa balikat ni Alexis.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Di mapigilang tawa ng dalawa. Jusko? Anong nangyayari sa mga ito?

"Ano na?" Tanong ko bago umupo sa bakanteng upuan kung saan sila nakapwesto.

"Wala pa din si Cash." Sagot ni Alexis saka bumuntong hininga. Nandito kasi sya kanina kaya lang ay may humigit sa kanyang babae palabas. "Tara na gora na tayo." Seryoso nyang saad saka tumayo at tinapik sa balikat si Lawrence.

"Good evening, everyone" Malakas na bati ni Alexis sa mga taong nasa ibaba.

"Hoy! Tumabi nga kayo! Dadaan ako!" Nahinto si Alexis ng may lalaking sumisigaw sa kalagitnaan ng mga tao. "Tabi! Kutusan ko kayo isa-isa!" Sigaw nya habang papalapit sa stage.

"Oh pare kahit kailan ang panget mo umentrada." Pang-asar ni Lawrence sa kadadating lang na si Cash. Sumampa ito sa stage ng walang kahirap-hirap.

"Gusto mo sapak?" Tumingin ako kay Lawrence. Yung dalawang kamay nya nakataas na para bang sumusuko na at hindi na lalaban pa.

"Magkaibigan tayo oy walang hiyang 'to!" Lawrence na nanlalaki ang mata kasi nakaamba na si Cash na susuntok. Binuksan naman ni Cash ang nakasara nitong kamao saka sila nag apir. Baliw lang?

Hinapit ko na ang sariling gitara ng magsimula ng bumilang si Lawrence gamit ang drum stick nito. Isinuot na din naman ni Cash ang belt ng gitara nya saka nagsimulang magstrum. Tumingin sila sa pwesto namin ni Alexis na kasabay kong kakanta, kagaya ko ay may bitbit din itong gitara.

♫Nobody knows just why we're here

Could it be fate or random circumstance? ♫

Umpisa ni Alexis sa kanta ng Rivermaya na You'll Be Safe Here. Rinig ko naman ang kanya-kanyang sipulan ng mga lalakeng nanonood. Artista nga kasi sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

StrikhedoniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon