Chione Blanc's
"Oh my G, Kiyo! I still can't move on sa mga pinaggagawa ni Cash nitong mga nakaraang linggo." Itinuloy ko lang ang pakikinig sa lecturer habang walang habas naman ang pamemeste sa akin ng babaeng nasa likuran ko. Hindi ko alam bakit naiopen na naman nya ang topic nya na yan—isang linggo na mula noong sumali ako sa banda at isang beses na din nila akong isinama sa gig nila sa Laguna. Isang linggo na din akong pinagtitripan ni Cash. Hayop yun wala ng pinipiling lugar. "Oo nga pala! Sasabay daw silang kumain mamayang break—ewan ko lang kay Cash." Napairap naman ako sa kawalan, ano bang bago? Eh lagi naman na talaga silang dumidikit sa amin.
"Animals have existed for millions of years, but it is not known when they first appeared on Earth." Bahagyang ginalaw ng matanda naming prof ang suot nitong salamin, "The earliest animals were soft-bodied, multicellular life-forms that did not preserve well as fossils—"
"Pero ayun nga! Crush ko yun si Cash—dati. Pero okay lang sa akin! Sayo na sya!" Bulong nya pa na may pagtulak-tulak pa sa upuan ko, "Pero hello!? Gulat pa din ako na kilala mo si Cash pero hindi si Alexis? Si Cash kilala mo pero ang buong laman ng klaseng ito di mo alam eh—" I was about to face her and give her a bloody punch kaso ay bigla syang tinawag.
"Laura! You can get out of my class if you don't want to listen."
Buti nga! Pang-asar ko sa isip.
"I'm sorry—"
"Okay, any idea of what fossil is?" Nakataas ang kilay ni ma'am habang ang mga classmates ko naman ay nakatingin sa pwesto namin. Naramdaman ko ang pagtayo ni Laura mula sa likod ko na handa na para sumagot.
"Based on the Internet, fossil is the remains or print of an organism from long ago that has been preserved in rock, ma'am." Hindi umimik ang lecturer dahilan para magsalita syang muli, "The word has a Latin origin, from fossilis which means'dug up'."
"Good. But how do fossils form?" Tanong ulit ng lecturer, ayan napag-initan na sya.
"Once buried, organic remains enter a long and complex process by which their substance is changed into fossil form. The study of this process is called taphonomy. It overlaps with the study of diagenesis, the set of processes that turns sediment into rock—that's all I know, ma'am." Napatingin ako kay Laura, kinindatan nya lang ako kaya ibinalik ko na ang tingin sa lecturer.
Ang yabang.
"Excellent, Ms. Kramer! You can now take your seat." Nginitian sya ni ma'am bago ulit nag-proceed sa itinuturo nya.
"By the time animal parts became hardened in rock about 640 to 670 million years ago, numerous well-developed multicellular animals already existed. Therefore, the beginnings of the animal kingdom must have occurred earlier." Umupo na si ma'am sa sarili nitong upuan dahilan para maisarado ko na ang notes ko, tapos na ang klase—, "Kindly bring out one whole sheet of paper and summarize what you have learned from this week's discussion." Rinig ko naman ang pagbuntong hininga ng mga classmates ko—kasama ako. Okay lang, two days lang naman ang klase namin dito sa Zoology. Lahat ng course dito sa Greenfield ay may Zoology only because implemented dito sa University ang kahalagahan ng mga hayop. Hindi ko alam, animal lover ata ang may-ari ng school na ito. May parte nga ng school dito na para sa mga hayop bukod pa ang animal farm na makikita sa kaduluhan. I really love this subject lalo na at isang beses lang ito sa dalawang semester.
"Oy Laura. May papel ka ba?" Tanong ko bago sya harapin.
"Wala eh—" Pagsisinungaling nya, inilalabas na kasi nya ang buong pad paper nya.
BINABASA MO ANG
Strikhedonia
RandomWARNING! Poorly written story! [/hands up; I only write to make sense of the thoughts in my head and most specially creating new world within the real world is quite fascinating. So if you are one of those perfectionists out there, then you can leav...
