Chione Blanc's
We were in between a walk and a run as people are when they're in a hurry but don't want to draw attention to themselves.
"Ano ba yan nakakagigil yung organizer ng Club na yon ha?!" Habol-hiningang saad ni Laura habang madiing hawak ang membership form namin.
"Ginusto mo 'to eh." Natanaw na namin ang auditorium kung saan gaganapin daw ang audition. Pa-balda namang binuksan ni Laura ang pintuan kaya maging ang guard ay nagulat sa kanyang biglaang pagpasok. Tinaas ko naman ang dalawa kong kamay at saka nagkibit-balikat. Dumeretso lang ako ng nakatungo, paraan para humingi ako ng tawad sa kawalang-hiyaan ng kaibigan ko.
"ANO BA?!" Rinig kong sigaw ni Laura mula sa loob ng isa pang pinto kaya naman mas dinalian ko pa ang lakad. "DUH?! YOU SHOULD'VE LET US KNOW A DAY BEFORE WHICH WAS YESTERDAY, RIGHT?!"
"Laura—" Tawag ko saka agad na lumapit sa kanilang dalawa ng kausap nya.
"I already said sorry pero bakit ang ingay mo pa din?" Nawawalan na ng pasensyang saad ng lalakeng kasalukuyang kausap ngayon ni Laura. Base sa tono nito, mukha itong wala sa tamang timpla.
"Ano bang problema?" Tanong ko, narinig ko namang nagbuntong hininga sila ng sabay saka nagsamaan ng tingin.
What the hell is wrong with these two?
"Look, Laura. I already said sorry for the inconvenience but we needed to change the time schedule for a reason. Well, it's personal so I can't tell you but yeah. All in all, we're good and both of you aren't late kaya pwede pa din kayong magperform." Paliwanag nya habang nakahawak sa batok nito.
"Eh ayon naman pala eh? Anong binubunganga mo jan, Laura?" Tanong ko na nakakunot ang noo.
"EH KASI NGA MUNTIK NA TAYONG MA-LATE GIRL?! PAIBA-IBA KASI EH. MGA LALAKE TALAGA EH 'NO WALANG CONSISTENCY MGA PINAGSASASABI?!" I guess she hasn't moved on from what happened yet.
"Luh? Mawalang-galang na talaga pero ibang usapan na yan ha? Kayong mga babae, nagbago lang ng konti akala nyo end of the world na. Stop over-thinking and get on the stage because you're the last one to perform. Excuse me." Ngumiti ito sa akin pero ng ibaling nya ang ngiti kay Laura, umirap ito. I heard Laura tsk-ed before walking up to the stage. "Ang tugtog nyo?" Tanong ulit nung lalake kanina habang inaasikaso ang sound system nila.
"Anjan na! Hanap-hanap din!?" Naiirita nitong sagot. Siniko ko naman sya, parang tanga na eh mamaya palabasin na kami dito. Inilapag ko na ang bag ko sa gilid katabi ng kay Laura. "Tignan mo nga naman? Stretch no more. Yung tinakbo natin sobra pa sa stretching na gagawin bago sumabak sa gyera." Nabibwiset pa din na saad nya. Tumawa ako saka pumagitna nang marinig kong tinawag kami nung lalake kanina.
Our song suddenly played, The Black Eyed Peas – The Humps and the stage curtain opened.
"Bongga! May pa-ganon." Bulong ni Laura habang natatawa.
We had no time to do some remix so we decided to do just a single song. Nag-away pa kami kasi ayaw ko daw mag-suggest ng song samantalang noong nagsabi na ako ay nag-go sya sa suggestion nya. May part sa kanta na magsosolo sya tutal sya lang naman ang may gusto nito at eto na nga iyon kaya tumabi ako sa gilid at hinayaan syang bali-baliin ang mga buto nya saka mag-sexydance. Ginamit ko naman ang oras na iyon para tignan kung sino ang judges. Tatlo sila, mula sa kaliwa ko ay iyong lalake na kasagutan kanina ni Laura. Katabi nito ang babaeng blonde ang buhok, si Pony. Saglit naman akong napaisip, may chance bang makasali dito si Laura? Well, maliban doon sa lalake na nasa dulo, nakangiti ito sa akin na naka-thumbs up pa.
BINABASA MO ANG
Strikhedonia
De TodoWARNING! Poorly written story! [/hands up; I only write to make sense of the thoughts in my head and most specially creating new world within the real world is quite fascinating. So if you are one of those perfectionists out there, then you can leav...