Chione Blanc's
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Laura sa ibabang bench dito sa Basketball court ng Gymnasium. Bago ko tanggalin ang relong nasa kamay ko ay tinignan ko muna ang oras.
"08:32" Late na pero wala pa din ang coach na magbabantay sa amin—dalawang minuto na syang late. Isinuksok ko na ang relo sa sarili kong bag. Hindi na ako nag-abalang iwan iyon sa locker area dahil tinatamad na akong maglakad. Dumiretso na kami dito ni Laura dahil madaling-madali sya eh late naman din ang coach. Nakasuot na din kami ng green jogging pants at T-shirt na may touch ng black. Parehas may patch na symbol ng Greenfield University.
"Done!" Tuwang-tuwa na namang turan ni Laura saka ulit pinicture-an ang buhok kong tinali nya. "Gosh! Ang ganda mo talaga! Hanggang ngayon hindi ko pa din lubos-maisip na pinakawalan ka ng ex mong balasubas!" Tuloy nya pa. Trip talaga ni Laura ang buhok ko dati pa. Ang alam ko ay dati pa sya nanghihingi sa parents nito ng babaeng kapatid. Gusto nya daw ng mapaglilibangan, ako tuloy ang napuntirya nya. Sasagot pa sana ako sa huli nyang hinaing kaya lang ay sabay kaming napatayo ng makita naming papalapit na ang coach.
"Good morning! Sorry for coming up late. We'll start in a minute. Anyone who can lead the warm-up exercise first?" Hinging patawad nito na bahagya pang-yumuko saka iginala ang pangingin, "Miss Farell, can you do the lead?" Saglit akong napaisip, sino yun? Hindi talaga ako magaling sa pag-memorize ng pangalan. Napatingin ang lahat kay Pony—maliban sa akin syempre, kasalukuyan syang nagtatali ng kinulot nitong buhok. Kailangan talaga nakakulot bago mag-P.E? Nag apply muna ito ng face powder bago lumapit kay Sir. "Okay, so the mild-exercises will help you build up your strength, and you'll need to make sure you warm up your muscles properly before you play Volleyball—and Basketball for the guys." Nakita ko namang nag-highfive ang mga classmates naming lalake.
Nagsimula na kaming mag warm-up sa tulong ni Pony. Okay naman sa umpisa kaso ay bali-bali buto na ang trip nya kalaunan. Si Laura na lang ang bukod tanging nakakasabay sa pagiging flexible nito. Wala akong pake kung dancer silang dalawa, ang sa akin lang-ang sabi ng coach ay warm-up at hindi Yoga. Nagsarili na lamang ako mag-stretching, saglit lang din ay hinati na ng coach ang mga babae sa dalawa. Ang mga lalake ay naiwan sa kabilang court which is the Basketball court.
Nag-start na ang laro, sa kasamaang palad ay hindi kami magka-team ni Laura dahil doon sya sa team ni Pony na ngayon ay itinataas na ang sariling jogging pants. Gawain nya na yun pag maglalaro sya. Sanay siguro sya sa suot namin sa Badminton na short-shorts. Well, ako naman ay sa skirt mas kumportable—pero wala akong balak magtaas ng pants dahil wala akong knee pad, wala naman din akong balak lumangoy sa sahig dahil ayokong magpakabayani.
Naging maganda ang laro pero hindi ko alam kung may nagi-score ba ang alam ko lang ay nanonood ang coach sa amin.
"Mine!" Laura shouted, making Pony toss it to where she is. "Oh my God! Chione!!"
Laura did a spike—I startled to see the ball coming to me. My eyes grew big and I just flinched and awkwardly allow the ball to hit me rather than hit it back. Suddenly, the ball hit my head causing me to fall to the ground—WOW, straight into my head. She knocked me out—LAURA KNOCKED ME OUT! Bago pa ako mawalan ng malay ay kitang-kita ko ang mabilis na paglapit sa akin ni Pony?
"Hey! Are you okay?!" Rinig kong tawag nya sa akin habang niyuyugyog ang katawan ko. "Ah! Kuya! Help!" Rinig kong sigaw nya. Kuya? May kamag-anak ang isang ito dito?
--
"Bakit hindi pa din yan nagigising?!"
"Ako ba Doctor dito?"
![](https://img.wattpad.com/cover/46853441-288-k387732.jpg)
BINABASA MO ANG
Strikhedonia
RastgeleWARNING! Poorly written story! [/hands up; I only write to make sense of the thoughts in my head and most specially creating new world within the real world is quite fascinating. So if you are one of those perfectionists out there, then you can leav...