Chapter 23- I love you Bestfriend.

43 2 0
                                    

AKIRA'S POV

"Hi Akira! Goodmorning!"

"Akira, musta?"

"Namiss ka namin!"

Sweet classmates are sweet. Dahil sa kanila, buo na agad ang araw ko. Plus, sabay kami ni Kevin pagpasok. What a life :'>

"Girl, sa Thailand ka pala galing! Maganda ba dun? Ano ginawa mo? Kwento naman!" -Kim

"Haha yup. Sobrang ganda. Paradise. Sobrang saya din kasi--"

"Kasi kasama nya ako!"

Sabat ni Kevin -____- Tapos tumawa yung mga kaklase namin. Pero yun naman talaga yung kadugtong nun :>

"Whatever, Kevin! Hahaha pero yun nga, ang dami kong nagawa tapos pumunta--"

"Hep! Anong mdami kang nagawa? Madaming TAYONG nagawa! Ang dami nga naming pictures nyan eh!"

Sumabat na naman si Kevin! Grabe pero hinayaan ko na lang na sya ang mag-kwento.

Kinuha nya yung pictures namin sa wallet nya tapos nag-kwento ulit.

"Ito yung una naming picture sa Thailand, sa beach yan! Ang cute namin, diba?! Tapos ito naman yung picture namin sa mall! Couple hoodies oh! Bagay ba kami? Pagkatapos naming mag-shopping, nanuod kami ng fireworks display! Sobrang romantic. Kinilig ako ng sobra nung--"

"NUNG NAG THANK YOU AKO SA KANYA!!" sabat ko. Aba't sasabihin pa na hinalikan ko sya sa cheeks! Walangyang to!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA oo, kinilig ako nung nag thank you sya" tapos kumindat sya sakin. Aba!

"Tapos ayun nga, ay! Sumimba nga pala kami nyan!"

"Ano namang ipinag-dasal mo, pre?" -Paolo

"Ipinagdasal ko na sana habangbuhay kaming magkasama, na sana lagi syang masaya kasi ayokong nakikita syang umiiyak at nasasaktan, na sana...."

Tinigil nya yung sinasabi nya. Then he looked into my eyes.

"Na sana, mahalin nya rin ako, kasi mahal na mahal na mahal ko sya."

My god. Did I hear it right?

Mahal nya ako?

Sana mahalin ko rin sya?

He took a deep breath, and then..

"KASI BESTFRIEND KO SYA." tapos tumayo sya at lumabas. Anong problema?

"Aysus! Malakas pala ang tama nyan sayo, Akira!" -Paolo

"Oo nga, Akira! Grabe lupit nyan magmahal!" -Gab

"Kung ako sayo, Kevin na ko, girl. Nasa kanya na lahat, and besides, sobrang bagay kayo." -Kim

"Ang perfect nyong tingnan." -Trish

I can't contain myself. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, and I don't know if it is right to feel this way. Hindi ba dapat wala lang sakin kasi bestfriends kami? Bakit parang, ang sarap pakinggan? Parang, nakaka-kilig isipin na..

"Uy, Vince! Andyan ka na pala! Sali ka, nagkkwento si Akira tungkol sa Thailand trip nila ni Kevin." Sabi ni Paolo tapos ngumiti sakin. I smiled back.

Umupo si Vince sa tabi ko, since yun na lang yung vacant kasi umalis si Kevin. This is so awkward.

What to do?

KEVIN'S POV

Potek, hindi ko kinaya yung sinabi ko kaya napa-walk out ako. Hindi ko alam kung tama ba na sinabi ko yun. Hindi ko napigilan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko maitatago tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang itago.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa gate na ng campus.

"San punta nyo, Sir?" sabi nung guard.

"Ah, eh, wala nagpahangin lang, sige balik na ako."

Siguro kailangan ko ng sabihin sakanya.

VINCE'S POV

Pagpasok ko, binati agad ako ni Paolo. Inaya nya ko dun sa kanila at makinig rin daw ako sa kwento ni Akira.

Habang naglalakad ako palapit, naghahanap ako ng bakanteng upuan pero, yung sa tabi lang ni Akira yun bakante. No choice, upo na tayo. Chance na to. Hahahaha!

Pero bakit ganun, parang, ang hirap. Parang, nasasaktan ko pa rin sya kahit wala akong ginagawa. Ang gago ko talaga.

"Teka nga, bagay din kayo ni Vince ah!" -Paolo

"Tarantado!" tapos binatukan ko sya.

Lumapit ako kay Akira, tapos bumulong ako.

"I'm really sorry."

Pero walang response. Ang sakit tangina.

"Mamaya na ulit, banyo lang ako." tapos tumayo na sya

"Teka, eh nagkkwento ka pa ah!" -Paolo

Ngumiti lang sya tapos umalis na. Pero bago sya makalabas ng room, pabalik na si Kevin.

"Akira, can we talk?" -Kevin

Aba! At anong sasabihin nitong mokong na to!!

"Sure, pero wag dito. Dun tayo sa labas." -Akira

Aba! At sa labas pa!! Anak ng tinapa naman oh!

Tumayo na ako, susundan ko sila. Kailangan kong malaman kung ano mang sasabihin ni Kevin.

"San ka pupunta, pre?" -Paolo

"Tangina pre, natatae ako. Banyo muna ako."

"HAHAHAHAHAHAHAHA! Sige pre ilabas mo na yan!"

"Tangina mo! Babalikan kita!" tapos tumakbo na ako kasi wala na sila. Lintik kasi tong si Paolo eh!

Asan na ba sila?! Badtrip!

Ayun! Kingina!

Nagtago ako sa pader para hindi nila makita. Syempre. Nag-iisip rin naman ako noh.

"May sasabihin ka ba, Kevin?"

"Akira.."

"Ano? Nakaka-kaba ka naman eh! Haha"

"Please, ipangako mong hindi ka magagalit, na walang magbabago."

"Ano bang sinasabi mo? May problema ba?"

Lintik. Ano bang sasabihin nun! Kinakabahan din ako!

"Akira, I love you. More than a bestfriend. Pwede ba kitang ligawan?"

-----------------------------------------------------------------------------------------------

Author's: Hello!!! It's been a while....may nagbabasa pa ba? Haha thank you sa suporta! Nakaka-kilig ang comments. :> Ayun, expect updates na ulit. So, team ano kayo? Team Kevin kasi ako. Whahaha! Thank you! :)

String of Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon