Chapter 9-- The Past.

228 12 6
                                    

"Patay na si Yana. Matagal ng patay si Kiana Castor."-Kevin

Napa-nganga nalang ako sa sinabi ni Kevin..

Patay na pala yung Yana nayun.. Yung Yana na first.. and last Girlfriend ni Vince.

Siya pala yung Kiana Castor na nandun sa frame na tumutunog sa kwarto ni Vince..

" Akira, okay ka lang ba? "-Kevin

" A-ah Kevin.. Siya pala yun.. "

"So, matagal mo ng kilala si Yana? " -Kevin

"Nakita ko pngalan nya sa.. sa.. Teka, paano ba namatay si Yana?"

" Ahh. Eh Akira, ganito kase yun.. Pauwi na sila ni Vince nun sakay sa kotse ni Vince.. "-Kevin

** FLASHBACK 3 YEARS AGO **

" Vince! Mag usap muna tayo! "-Yana

" Wala na tayong dapat pang pag usapan Yana! Niloko mo ko! Tang ina naman! Ano bang kasalanan ko sayo at ginanito mo ako?! "-Vince

"Hindi kita niloko!! Hindi ko siya minahal, ikaw lang ang mahal ko Vince! Maniwala ka naman!" -Yana

" Tara na! Ihahatid na kita sa inyo! " - Vince

Sumakay sina Vince ng kotse niya.. At habang nag ddrive si Vince, nag aaway parin sila ni Yana.

" Vince! Ayaw kong mawala lahat to! Ano bang gusto mong gawin ko?! "-Yana

" Bakit, ginawa ko naman lahat ah. Binigay ko naman lahat sayo, pano mo nagawa sakin yun? " - Vince

" Ilang beses ko ba kailangang sabihin na hindi ko siya minahal! Natukso lang ako Vince! "-Yana

" Natukso Yana? Natukso?! Ndi ka papatukso kung talagang mahal mo ako! Kitang kita ko kayo. Kitang kita ng dalawang mata ko wag mo akong gawing tanga. Ginusto mo yun Yana! Ginusto mo! "-Vince

"*sobs* Tama na Vince, tama na.. *sobs*"-Yana 

Umiiyak na sya. Itnigil ni Vince ang sasakyan. Lumabas sya dto.. 

"Vince! Vince san ka pupunta?! Wag mkong iwan, Vince! *sobs*"

"Umuwi ka na mag-isa mo. Tumawag ka ng driver. Tapusin na natin to Yana. Ayoko ng gaguhan. Ayoko ng ginagago ako."

Hinabol ni Yana si Vince.. hanggang sa pagtawid nito, nabundol sya..

"Yana.. Yana! Yana gumising ka! " - Vince

Nakita niya si Yana na duguan na.. Sinubukan nyang i-revive ito..

" Yana! Yana wag mo akong iwan! Pinapatawad na kita! Yana! "-Vince

" Yana please! Wag mo akong iwan! Mahal na mahal kita Yana!"-Vince

" V..Vince.. Mag iingat..ka..ha.. Pata..warin mo sana ako sa..nagawa ko sa..yo.. Mahal na ma..hal ki..ta Vince.."-Yana

At bigla nalang daw ipinikit ni Yana ang mga mata niya. At dun na naramdaman ni Vince na, wala na si Yana.. Wala na yung babaeng pinaka mamahal niya..

Iniwan ni Vince ang kotse niya at dali dali niyang tinakbo ang bahay nina Yana at tinawag ang mga magulang nito..

Sinubukan nilang ihabol ito sa Hospital kaso wala na talagang chance..

Kinausap ng mga magulang ni Yana si Vince, at nagkwento kung paano nangyari ang aksidente..

*PRESENT TIME*

"Alam mo Akira, hanggang ngayon, sinisisi padin ni Vince ang sarili niya sa pagkamatay ni Yana.. Na dapat pinatawad nalang niya ito para walang aksidenteng nangyare."-Kevin

" Pero Akira, kung tutuusin, mas kawawa si Vince kase niloko siya ni Yana.."-Kevin

Hearing those lines.. hearing their story.. gives me a pinch in my heart. Parang, ang sakit. 

Parang, naiinis ako kay Yana. Hindi ko alam. I envy her. Dahil mahal sya ni Vince, mahal na mahal..

Alam kong mahal pa ni Vince si Yana hanggang ngayon.. kahit ndi nya sabihin, kahit ndi sabihin sakin ni Kevin, alam ko, ramdam ko..

Bakit, bakit si Yana pa? Andito naman ako.. Vince, ako nalang..

Simula ngayon, magiging mabait nko kay Vince. Ipaparamdam ko na kung gaano sya kaimportante sakin. Ipapakita ko sknya kung gaano ko sya kamahal..

Bukas, Bukas ibang Akira na ako, Vince. 

String of Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon