Chapter 1

89 2 0
                                    

Chapter One

Nakatunganga nanaman si Ela sa klase. Psychology kasi ang subject. Bukod sa boring magturo ang professor niya ay napakaaga pa ng klase nito na nagsisimula ng 7 am. Nang tumingin siya sa wall clock sa gilid ng classroom ay 7:15 pa lang.

Hanggang 8:30 pa ko dito. Inaantok pa talaga ako, sabi ni Ela sa sarili. "Haaaaaay."

"Hoy, babae. Hikab ka nanaman ng hikab dyan. Baka mapagalitan ka nanaman ni Ma'am," sabi ni Anne.

Si Anne ay ang best friend ni Ela. Magkakilala at magkaklase na sila since grade school. At hanggang ngayong college na sila ay magkasama pa rin sila sa school. Mabuti na lang at nakapasa sila sa pangarap nilang university at sa parehong course. Freshman kasi sila sa isang sikat na unibersidad sa bansa.

"Inaantok pa kasi talaga ako, teh," sabi ni Ela na pinipilit imulat ang mata.

"Hay nako. Wala kang karapatang matawag na iskolar kung tinutulugan mo ang mga klase mo. Isang linggo pa lang tayo, ganyan ka na agad," sermon sa kanya ni Anne.

"Miss Dela Rosa."

Napatingin sa unahan si Ela. Tinawag siya ng professor niya.

Oh no. I'm dead meat.

"Uh. Y-yes, Ma'am?"

"I was just checking the attendance."

Phew! Attendance lang pala! Kinabahan ako dun ah! >_<

Natapos na magcheck ng attendance. Then the lesson started. Pinipilit ni Ela makinig at magtake down ng notes. Hanggang sa mapansin niya na iba na pala ang sinusulat niya sa notebook niya.

Sigmund Freud found in his study that miss na kita Adrian

Teka. What where when why?!?! "Ano ba tong sinulat ko?!"

"Miss Dela Rosa, is there something wrong?"

"Uh... nothing Ma'am."

"Okay. As I was saying..."

"Huy, Ela. Ano bang problema mo?" tanong ni Anne sa kaibigan.

"Eh kasi..." Then pinakita ni Ela yung notes niya.

"Oh my." O.O

Napa-facepalm na lang si Ela sa nagawa niya.

This is bad. This is very, very,very bad.

"Okay class. I'll see you next meeting. You are dismissed."

Thank you, Lord! Makakaalis na ako dito. Gutom na ko eh!

"Hoy babae. Halika na nga. Gutom na ko. Tara sa caf!" sabi ni Anne habang hinihila si Ela palabas ng classroom.

"Teka lang naman teh. Excited masyado?"

Pagdating nila sa cafeteria, pumwesto na si Ela sa bakanteng table na nakita niya.

"Anne, ikaw na lang bumili. Tuna pasta at apple iced tea lang. Bayaran na lang kita mamaya."

"Okaaay." At umalis na ito papunta sa mga food stalls.

Nakatulala si Ela habang hinihintay ang kaibigan. Iniisip pa rin niya ang mga naisulat sa notebook kanina. Kinuha niya ito at tiningnan ulit.

"Miss na kita Adrian. Pssssh. Hindi kita miss! Hindi kita miss! Hindi! Hindi!" sabi ni Ela habang hinahampas ang notebook niya.

"Hoy, teh. Kawawa naman yang notebook mo. Gutom lang yan." Inabot na sa kanya ni Anne ang pinabili niyang pagkain.

Stuck in the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon