Sa lahat po ng readers (kung meron man):
Super sorry po sa suuuuper tagal na update. Sorry po talaga. Naging busy na po kasi simula nung nagsimula ang klase. Sana po naiintindihan niyo. Hindi po kasi ako kung saan-saan lang nag-aaral. I study in UPLB and every week is hell week. Kaya pasensiya na po kung hindi ko ito agad naupdate. Ang isa pa pong dahilan is, feeling ko I'm in the middle of a writer's block. I need INSPIRATION. Hindi ako masatisfy sa mga chapters na nagawa ko kaya hindi ko sila maupdate. Kaya kung hindi niyo man po magustuhan yung mga susunod na updates, I understand. Di ko naman pinangarap na sumunod sa yapak nina Girlinlove, forgottenglimmer, yunis2o at iba pang popular Wattpad writers. Ang gusto ko lang is maishare yung mga ideas and stories ko. Kung magustuhan niyo man, salamat po. :))) Pero kung hindi, hindi ko naman kayo pinipilit.
Pero dahil tapos na ang unang bugso ng exams ko, eto na! :))
Chapter 5! :)))
----
Chapter Five
BEEP. BEEP. BEEP. BEEP. BEEP. BEEP. BEEP. BEEP.
"Ang ingaaaay!"
Nagising na si Ela. Tumutunog na kasi ang kanyang alarm. Alas singko na ng umaga at oras na para gumising pero pakiramdam niya ay saglit pa lang siya nakakatulog. The thought of Paulo staying in their house left her sleepless and restless the whole night.
"Inaantok pa koooo...." sabi ni Ela habang pinipilit na bumangon. Nang magawang makatayo ay nagsimula siyang maglakad papalabas ng kanyang kwarto na pinipilit imulat ang kanyang mga mata. Pumasok siya sa CR to do her morning business.
Nakaupo si Ela sa toilet. Sa sobrang antok niya ay hindi na niya napansin na may kasama pala siya sa loob ng kanilang banyo.
"AAAAAHHHHHHH!!!"
"Anong ginagawa mo dito?!?!?!"
Nagulat na lang siya ng tumambad sa kanya ang hubad na katawan ni Paulo. Kakalabas lang nito mula sa shower area ng banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya. Katatapos lang nito maligo at mukhang gulat na gulat din dahil hindi na pala siya nag-iisa sa loob ng banyo.
Nagkatinginan sina Ela at Paulo. Nang bumaba ang tingin ni Paulo ay tsaka lang naalala ni Ela ang posisyon niya.
"Aahhhh!!! Bastos! Labas daliiiiii!!!! Aaaahhh!" sigaw ni Ela habang pilit na tinatakpan ang sarili.
Dali-dali naman lumabas si Paulo. Tatawa-tawa na lang ito sa nangyari sa kanila ni Ela sa loob ng banyo.
Hindi naman malaman ni Ela ang gagawin. Mangiyak-ngiyak na siya sa sobrang galit at kahihiyan.
"Puro kamalasan na lang ang inaabot ko dahil sa lalaking yon! Aaaaahhh!" sigaw ni Ela habang sinasabunutan ang sarili.
Sira na ang dignidad ko. :(
Nang makapag-ayos ay nagmamadaling bumaba si Ela. Balak na niya sanang umalis na agad nang makita niya si Paulo na galing sa kusina nila. Naalala nanaman niya ang nangyari kanina.
"Good morning, Isabela," sabi ni Paulo sa kanya habang nakangiting-aso.
Biglang pumasok sa isip ni Ela ang nakita niya kanina.
Holy mother of abs...
Naramdaman niya na nanginit ang kanyang mukha. She blushed to the thought of Paulo's well-built body.
"Che! Dyan ka na nga!" ang tangi niyang nasabi at lumabas na ng kanilang bahay.
Bago pa lang lumiliwanag. 6:25 pa lang sa relo ni Ela. Alas siyete kasi ulit ang klase niya ngayon. Pero hindi tulad ng kahapon, hindi na siya pupungas-pungas mamaya sa klase. Salamat sa hindi sinasadyang panggigising na ginawa sa kaniya ni Paulo.
Nang makarating si Ela sa school ay naghihintay na sa labas ng classroom nila si Anne.
"Hoy bruha! Ano bang nangyari sayo kahapon?" salubong sa kanya ng kaibigan.
Ela just looked at Anne with a straight face and a hint of haggardness.
"O, anong nangyari sayo, teh?"
"Anne, I don't wanna live in this planet anymore." -_-
"Grabe lang teh! Ano bang drama yan?!"
"Eh kasi si Pa..." bago pa matapos ang sinasabi ni Ela ay nakita niya ang dahilan ng problema niya.
What the hell is he doing here?
Paulo just arrived and is walking towards them. Nang makita sila nito ay ngumiti pa ito. Isang nakakalokong ngiti.
"Speaking of the devil..." bulong ni Ela sa sarili.
"Hi, girls," bati sa kanila ni Paulo.
"What the hell are you doing here?" pagsusungit ni Ela sa binata.
"Whoa. Chill ka lang, Isabela. Ayoko na maulit yung eksena kahapon. And besides, masakit pa rin yung sununtok mo kahapon," sabay turo ni Paulo sa pisngi nito malapit sa tenga. Noon lang napansin ni Ela na may pasa pala ito. Medyo natatakpan kasi ito ng buhok nito.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito ha?" tanong ni Ela habang pilit na pinapakalma ang sarili. Paulo is really getting on her nerves.
"The same reason you ladies are here," said Paulo with a grin on his face.
"Dito ka na mag-aaral?!" sabat ni Anne.
Napatulala lang naman si Ela kay Paulo dahil sa sinabi nito.
"Yes. My mom knows some people kaya pinayagan nila ako mag-enroll. I don't wanna waste time dito sa Pilipinas so better study."
Hindi pa rin makapaniwala si Ela sa mga naririnig.
Oh, God, why?!?!?!?!
"I better go inside. Magsisimula na ang class," sabi ni Paulo.
"Wait, kaklase ka namin?" tanong ni Anne.
"Are you taking Psy 1? Yun yung nasa sched ko ngayong period eh."
"Ay oo! Classmates tayong tatlo! Diba, Ela?"
Tsaka lang natauhan si Ela.
KAKLASE KO YANG WALANG HIYANG YAN?!?!? NOOOOOOOOO!!!
"Ah, eh, pasok na ko," nasabi na lang ni Ela at dali-daling pumasok ng classroom. Iniwan na niya sa labas si Anne at Paulo.
Pagkaupo sa upuan niya ay sumubsob siya sa kanyang desk.
Lord, ano po bang kasalanan ko at nangyayari sa akin to?
---
Oha oha. Anong masasabi niyo, friends? Kung hindi niyo man nagustuhan, pasenya na kung hindi siya ganoon kaganda. Sorry din kung ang ikli ng mga chapters ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kasi kaya yung ginagawa ng ibang writers na super daming pages per chapter. I'll do better na lang next time. :)
So yun, may naisip ako. Kasi every week naman para sa akin ay long weekend, ittry ko gumawa ng chapter every weekend. Tapos iuupdate ko siya pag Tuesdays/Wednesdays kasi pag may pasok lang ako nakakagamit ng internet! Nakikisagap lang ako ng wifi sa campus. Hehehe. :> At tsaka, wala po kasi akong laptop or matinong computer na ginagamit sa pagttype ng chapters. iPod lang po ang gamit ko. O diba. Super tyaga to the highest level. :))) Kaya sana po maintindihan niyo. Pero I'm doing this para naman hindi mapag-iwanan at mawalan ng momentum yung story. Pero I don't promise po. I will just do my best para masunod itong task na ito na I set para sa sarili ko at sa story ko. So, yun lang. Masyado na akong madaming epal sa chapter na ito. Sa susunod na lang ulit!
God bless, everyone. :)))
Peace out. (^_^)v