Despite the exam in my major subject, I still managed to finish this chapter. Sorry if you think it's draggy, I'm sort of running out of things to fill in between the major events/points of this story.
HAPPY 3rd MONTH SITP! Didn't expect that I'll keep things up this long. Thank you for all the support. You are my motivation to continue writing this story. I am hoping for many more months, chapters, readers, fans, comments, and votes to come. Kekekeke. Fighting! :))
---
Chapter Fourteen
Ela was in her bedroom. Nakahiga siya sa kama niya at busy sa paglalaro ng Move the Box sa cellphone niya.
Ang mommy naman niyang si Alice ay nagluluto ng hapunan sa kusina.
Malapit na sanang mainis si Ela dahil hindi na siya makapagsolve ng puzzle nang may marinig siyang tunog ng sasakyan na pumarada sa harap ng bahay nila.
Bumangon siya at sinilip ito sa bintana.
Oooohh. Nice ride. Gwapo ng kotse. :>
Nakita niya sina Paulo at ang ina nitong si Donna kasama ang isa pang lalaki. Matangkad ito at kahawig ni Paulo. Tingin niya ay mas matanda ito kesa sa kanila.
Then she saw Donna going inside their house. Naiwan si Paulo at yung isa pang lalaki sa labas. Tingin niya ay nag-uusap ang mga ito. Mukhang seryoso si Paulo pero pinagtatawanan lang siya ng kausap nito.
Gosh. Ang gwapo naman nitong nilalang na to.
Teka. Ano ba yan, Alyanna Isabela? Gwapo gwapo ka dyan? Nakuuuu. Nahawa ka na kay Anne. :|
She was snapped out of her in-mind self conversation when someone knocked on her door.
"Ela, anak. Baba ka na. Kakain na tayo ng dinner," narining niyang sabi ng mommy niya sa kabilang side ng pinto.
"Sunod na po ako sa baba!"
She fixed her hair and tied it into a ponytail. Mukha kasi siyang bruha kanina na hindi nagsusuklay.
Nang makapag-ayos ay lumabas na si Ela ng kwarto.
Pababa na sana siya when she noticed that the guest room's door was open. Then she saw Paulo, binababa nito ang mga dalang gamit.
Nakita ni Ela na palabas na si Paulo ng kwarto kaya dali-dali siyang bumaba ng hagdan. Ayaw niya na magpang-abot sila. Asar pa rin siya dito dahil sa iniasal nito kaninang umaga.
Well, hindi naman talaga sila totoong magkasundo in the first place.
Pagdating sa dining room ay nakaupo na ang mga nanay nila. Ganoon pa rin ang setup, magkatabi silang dalawa ni Paulo.
Umupo na siya. Nakatulala lang si Ela sa mga nakahain sa harap niya. Maya-maya ay naramdaman niyang may umupo na sa tabi niya.
Habang kumakain ay walang umiimik sa kanila ni Paulo. Ang mga ina lang nila ang nagsasalita at nagkkwentuhan.
Pagkatapos kumain ay nagprisintang maghugas ng pinggan si Ela. Medyo natuwa pa si Alice dahil hindi naman talaga niya ito normal na ginagawa. Hindi rin alam ni Ela kung bakit niya ginawa yun. She just felt like it.
Ela was in the middle of rinsing the dishes when her mom approached her.
Akmang tutulungan siya nito pero pinigilan niya ito.
"My, wag na. Ako na po," sabi ni Ela sa mommy niya. Hindi na naman ito nagpumilit pa.
"Mamimiss kita, baby girl."