Chapter Four
“Isabela, I’m sorry.”
Tear drop.
“Isabela naman oh. Wag ka na umiyak. Alam mo naman na ayaw kita nakikitang nasasaktan diba?”
“Hindi kasi ganoon kadali na patawarin ka, Paulo. Nasaktan ako noon. Nasaktan ako, sobra.”
“Ssssh. Tahan na. Sorry. Sorry. Hindi ko naman talaga gusto na nangyari yon. Nandito na ako ulit. Patawarin mo na ako,” sabi ni Paulo at niyakap niya si Ela.
Patuloy lang si Ela sa pag-iyak nang...
“Ela. Ela, anak, gising.”
Huh?
“Baby girl. Uy, Ela. Gising na dyan, anak.”
“Mommy?”
Nananaginip lang pala si Ela. Pero pakiramdam niya ay totoo ang lahat. Hinawakan niya ang kanyang pisngi.
Basa. Umiiyak nga ako kanina.
“Bangon na dyan at magbihis ka. Natulog ka na nang hindi nagpapalit ng damit.”
“Opo. Magbibihis na po, mommy.”
“O sige. Bilisan mo at sumunod ka na sa baba ha. Kakain na tayo.”
Nang makalabas ang mommy niya sa kwarto ay nagbihis na si Ela.
Pagbaba niya mula sa kwarto ay dumerecho siya sa dining area. Nagulat na lang siya nang may marining siya na nagtatawanan doon.
“Ang laki-laki mo na. At mas gwapo ka noon kesa nung magkalaro pa lang kayo ni Ela sa kalsada. Hahaha. Iba na talaga ang nagagawa ng hangin sa Amerika.”
“Di naman po, Tita Alice. Ako pa rin naman po si Paulong patpatin na kalaro noon ni Isabela. Medyo nag-iba lang po siguro ng kaunti.”
“Anong ginagawa mo dito?”
Napatingin ang ina ni Ela sa anak pati na rin si Paulo dahil sa sinabi nito.
“Anak naman, that’s not the proper way to welcome guests.”
“He’s not welcome here,” sabi ni Ela sabay alis sa dining room.
“Ela, anak!” Akmang hahabuling ng ina si Ela.
“Ako na po, Tita,” sabi ni Paulo at sinundan ang direksyong pinuntahan ni Ela.
Ela went out to the terrace to get some fresh air.
Bakit ba ayaw akong tantanan ng lalaking yon?
“Urrrrgh. Bwisit talaga. Bwisit!” sabi ni Ela habang nagdadabog.
“Isabela.”
Nilingon ni Ela si Paulo at tiningnan ito ng masama.
“Ano ba talagang gusto mo ha?”
Lumapit si Paulo kay Ela.
“Come on, Isabela. Mag-usap naman tayo ng maayos.”
“Wag kang lalapit sakin kundi susuntukin ulit kita!” sabi ni Ela kay Paulo at inaambahan ito ng suntok.
“Look, I know you’re angry with me...”
“Galit talaga ako sayo!”
“Could you please let me finish!”
Nagulat si Ela. Pinagtaasan siya ng boses ni Paulo. Hindi na siya nakasagot dito.
“Alam mo Isabela, hindi ko naman gusto bumalik dito. Napilitan lang ako gawa ni Mama!”