Oh. Gulat kayo no? May kasunod na agad! Hehe. Natapos ko na eh! :)))
Basa lang ng basa! :))
---
Chapter Eight
"Hoy Paulo ano bang ginagawa mo ha?!" tanong ni Ela. Tinatanggal niya ang sarili niya sa pagkakayakap ni Paulo pero hindi niya kaya. Masyadong mahigpit ito.
"Idedemenda na kita ng sexual harrassment! Sisigaw na ako ng rape! Hoy Paulo Antonio Domingo!"
Pero hindi pa rin natitinag si Paulo. Hindi ito nagsasalita. Nakayakap lang ito sa kanya.
***
Di alam ni Paulo kung bakit pero bigla na lang niya niyakap si Ela.
Kanina pa ito magpupumiglas at kung anu-anong sinasabi sa kanya pero hindi niya ito pinapansin.
Somehow, he found peace sa pagkakayakap niya kay Ela. Kahit na kanina pa ito nagwawala at salita ng salita.
Maya-maya'y binitawan na niya ito.
"Grabe ka gusto mo na ba akong patayin?!?" sabi sa kanya ni Ela at naghahabol ng hininga.
"Sorry," tangi niyang nasabi.
"Kung makachansing ka dyan wagas!"
"Gusto mo naman?" mapang-asar na tanong niya dito.
"Asa ka naman Kapal ng face! Pagkatapos mo kong pagsabihan ng kung anu-ano kahapon. Di kita bati no!."
Natatawa lang si Paulo sa mga sinasabi ni Ela sa kanya. Pero ilang saglit lang ay naging seryoso nanaman ang mukha niya.
"Ano bang drama mo dito ha?" tanong ni Ela sa kanya.
"Isabela..."
"Isabela ka nanaman diyan. Sinabi na ngang Ela eh! ELA! E-L-A!"
"Isabela," pang-aasar niya dito.
"Hay ang kulit! Dyan ka na nga!" paalis na dapat ito ng tinawag niya ult.
"Ela!"
Lumingon naman ito sa kanya.
Napangiti naman siya.
Mehehehe. Ang sarap talaga pagtripan nito. :>
"I'll call you Ela under one condition," sabi niya dito.
"Ano naman?"
"Call me Jagi."
"Ano?! Jogging?!" tanong ni Ela sa kanya.
"No, silly! Jagi. Dya-gi," tatawa-tawang sabi niya dito.
"Ano namang ibig sabihin non?"
"Basta. Call me Jagi."
"Ewan ko sayo! Kung gusto mo mag-alien language wag mo na akong idamay!!"
"Fine. Isabela."
"Argh! Sige na nga! Ano ulit? Jagi?"
"Yes. Jagi. Pwede ring Yeobo."
"Bobo?!?"
"Yo-bo."
"Ay ewan ko sayo! Dami mong alam!" sabi sa kanya ni Ela at pumasok na ito sa loob. Mukhang naasar na ito sa kanya.
Si Paulo naman ay naiwang tumatawa sa terrace.
Maya-maya ay pumasok na din siya sa loob ng bahay.
***
Si Ela naman ay umakyat na sa kwarto niya. Nagshower siya at nagpalit ng damit. Habang nagbibihis siya ay naalala naman niya ang sinabi sa kanya ni Paulo kanina.
"Jagi? Yeobo? Ano naman kaya yun? Nakadrugs ata yung bakulaw na yun eh! Ay ewan!"
Kanina pa siya nagmomonologue nang may biglang kumatok sa pinto ng kwarto niya.
"Anak, tara na sa baba. Kakain na tayo," narinig niyang sabi ng mommy niya.
"Opo! Sunod na po ako sa baba!"
Pagkatapos niya mag-ayos ay lumabas na siya ng kwarto niya.
Sakto naman na palabas din si Paulo mula sa guest room nila.
Sinamaan niya lang ito ng tingin.
"Yobo! Alien ka!" sigaw ni Ela kay Paulo at sabay takbo pababa ng hagdan.
Nakangiti naman si Paulo na sumunod dito.
---
Pasensya na kung maikli. Pangatlong chapter ko na naman ito ngayong araw! Hehe. ;)) Bawi na lang ako sa susunod! :>
Ano ba yung pinagsasasabi ni Paulo? Alien language nga ba yon? Haha. Secret. LOL.
Try ko magupdate ng chapter 9 before the week ends. Tingnan ko kung kakayanin ng powers. Nasimulan ko na siya eh. Pero pag hindi ako nakapag-update agad, baka sa Wednesday na ulit. Ang baka hindi lang isang chapter pag next week na. :)) Basta you know naman na I try my best to update. :>