After 11 chapters, did you notice na kahit narrative type yung story eh it still changes POVs? Hehe. Wala lang. Sa mga nagbabasa online or gumagamit ng latest version ng Wattpad App for iOS (di ko po kasi alam yung case with the other mobile readers), yung mga italicized phrases ay 'inside thoughts' ng character na focused on that part. Sana naman nagets niyo na yun by now. :))
Some useful reminders.
When you see this:
--- = ibig sabihin it's the start/end of the chapter
*** = ibig sabihin it's 'changing' POV/focus ng character
Ah basta kaya niyo na intindihin yan. Matatalino naman kayo. :D
---
Chapter Twelve
Pumunta na lang si Ela sa classroom niya.
Hmf. Agang-aga BV agad. Pssssh. Bahala siya sa buhay niya.
"Hoy babae, agang-aga nakabusangot ka dyan," bati sa kanya ni Anne. Sa pagkainis niya kay Paulo ay hindi man lang niya namalayan na dumating na pala ang kaibigan niya.
"Yung bakulaw na si Paulo kasi. Nakuuuu. Namumuro na talaga siya."
"Sus. Asar ka na lang lagi. Dyan nagsisimula yan! The more you hate, the more you love!" nakangising sabi sa kanya ni Anne.
"Ay nako, Anne Clarisse magsama kayo ni Paulo! Asaarrrrr."
"Seryoso ka? Ay naku teh sasama talaga ako kay Papa Paulo!"
Sinamaan niya ito ng tingin.
"Ito naman hindi mabiro. Joke lang yun friend. Kalma ka lang diyan. Ang wrinkles lumalabas na."
Hindi na lang pinansin ni Ela ang mga sinabi ng kaibigan.
Paano na kaya pag iniwan na ko ni Mommy kasama yung monster na yun? Baka pati buhok ko mamuti na agad! (-_-)"
***
Nasa dining room ng bahay niya si Kevin. Mag-isa lang siya sa bahay niya. Umalis na si Paulo kanina. Papasok daw ito sa school.
Umiinom siya ngayon ng kape habang may dinadial na number sa cellphone niya.
"Hello, Tita?" Kevin said when the person on the other line answered his call.
"Yes, tita. He's staying at my place. Dumating siya dito kagabi. Pero he's in school now."
"Okay, tita. I'll see you later at lunch. Just text me the place. Okay. Bye."
Hay nako. Mag-nanay na ito talaga. Buti na lang to the rescue ako palagi. :>
****
"Sino yun?" tanong ni Alice kay Donna.
"Si Kevin. Pamangkin ni TJ. He said na sa bahay niya pumunta si Paulo."
"Thank God. At least now we know he's safe."
Tumango lang si Donna.
"I'm meeting him for lunch. He said he wants to help us with our plan," sabi ni Donna.
"I'm coming with you," sagot na lang ni Alice.
Kevin is a smart kid. I hope he has a good plan, sabi ni Donna sa sarili.
***
"Teh, ano na nga palang balak mo?" tanong ni Anne kay Ela.
"Hindi ko alam, Anne. Mukhang wala naman akong choice eh."
"Kailan ba ang alis ni tita?"
"Sa Sunday."
"Ha?! Sa isang araw na?! Bakit ang bilis naman ata? Agad agad na talaga?"
"Oo nga eh. Teh, samahan mo na lang ako sa bahay. O kaya dun na lang muna ako sa inyo. Sige na. Parang-awa mo na. Wag mo ako pabayaan kasama yung monster," pagmamakaawa ni Ela sa kaibigan.
"Ang OA mo na ha, Alyanna Isabela. Di naman siguro kumakain ng tao si Papa Paulo! Pati ayaw nga kitang samahan. Gusto ko kayo lang dalawa. Para exciting! Hihihi."
Sinamaan naman ni Ela ng tingin ang kaibigan.
"Bruha ka talaga, Anne Clarisse Ramirez. I hate you."
"I love you, too, sister! Yiiiieee."
***
Nasa opisina si Kevin. May mga inaasikaso siyang mahahalagang papeles para sa kompanya nila.
At a young age of 20, he is now the Vice President and COO of their company. Sinong President? Ang dad niya. Si Mr. Alfonso Domingo. Ang dad niya ay younger brother ng dad ni Paulo. But when his uncle died, dad niya ang nagtake-over ng company.
So yeah. Hindi naman talaga dapat ako ang nandito sa posisyong to. Dapat si Paulo ang nandito. -_-
In a few years, kasama na din nila si Paulo sa pamamahala ng business nila founded by their grandfather.
"Sir, I would just like to remind you about your appointment for lunch," narinig ni Kevin na sabi ng secretary niya sa intercom.
"Okay, Steve. I'll be out in a minute."
Oo. Lalaki ang secretary ko. My dad does not trust me enough to give me a female secretary. Pssssh. (-_-)"
Maya-maya ay lumabas na siya at nagdrive papunta sa restaurant kung saan sila magmimeet ni Donna.
Nang dumating siya doon ay nakita na niya ito na nakaupo kasama ang isa pang babae.
Nilapitan na niya ang mga ito.
"Hello, Tita. Kumusta po?" bati niya dito at hinalikan sa pisngi.
"I'm good, hijo. By the way, this is Alice Dela Rosa, Ela's mother," pagpapakilala ni Donna kay Alice.
"I am Kevin Domingo. Nice to meet you po," bati ni Kevin kay Alice at hinalikan din ito.
"Nice to meet you, too, Kevin. Such a handsome young man. Good looks must be really running in the Domingo blood," pagbibiro sa kanya ni Alice.
Nginitian na lang niya ito.
"So what's your plan, Kevin?" tanong naman sa kanya ni Donna.
"Kinuwento sakin ni Paulo lahat kagabi, Tita. Including his own dilemmas. So I was thinking..."
---
Wah! Hahahahaha. :DD
Puro pabitin ang laman ng update na ito.
Ano ang plano ni Papa Kevin? (Choss. May bagong Papa! Haha. Yiii. :>>)
Ano ang mangyayari kina Ela at Paulo?
Ano ba talaga ang balak nina Alice at Donna?
Well. Abangan na lang sa susunod na mga update!
Sorry ha. Mahilig talaga ako mambitin. :> Gusto ko kasi maexcite ang readers ko para mag-abang at balik-balikan nila ang story ko! Hehe. :)))
So. See you sa next update! :D
Peace out. (^_^)v
---
P. S.
Ipagdasal po natin lahat ng mga nasalanta ng Gener at ng Habagat. Sana po maging maayos na ang lahat at makarecover sila ng mabilis. Nakakaawa yung mga pinapakita sa news. :(
Stay safe always.
God bless you all.