Ang chapter na to ay dedicated kay eutobias. Namotivate ako gumawa ng chapters dahil sa pangangarag niya. Hahaha. JK. I miss you, labs! :)))
At dahil dalawang araw na suspended ang klase, nakagawa pa ako ng isang chapter! Medyo maikli nga lang pero sinadya ko talaga na putulin na agad dyan. Sus. Palusot. Joke! Hehehehe. Di ko kayo matiis, inupload ko na din to agad! Yiheee. :">>
O sige. Di na ako masyadong eepal pa.
Eto na. Chapter 7! :)
---
Chapter Seven
"Mama?" tawag ni Paulo sa ina.
Anong ginagawa niyo dito, mama?
"I thought you won't be here til the next two weeks?" tanong ni Paulo habang lumalapit at humalik sa ina.
Si Ela naman ay nakatingin lang sa mag-ina.
"Maaga ko natapos ang mga kailangan ko ayusin sa company kaya sumunod agad ako," sagot nito sa anak. "Ela? Ikaw na ba yan?" narinig niyang bati sa kanya ng ina ni Paulo.
"Ah. Hello po, Tita Donna," bati niya at humalik din siya dito.
"My, my. Look at you. At laki-laki mo na," patuloy na bati ni Donna kay Ela. "Isn't she pretty, Paulo?" sabi nito sabay tingin sa anak.
"Ha? Ah eh. Opo," sagot ni Paulo sabay tingin kay Ela. He looked at her with a sarcastic face. Pero hindi nito pinakita yon sa kanilang mga ina.
Nagpapanggap nga pala kaming magkasundo. Ktnxbye, sabi ni Ela sa sarili.
Nakaupo silang lahat sa sofa sa receiving area ng bahay nila Ela. Nakikinig lang sila sa mga kwento ng ina ni Paulo. Paminsan-minsan ay nagtatawanan ang mga ina nila. Silang dalawa naman ay nakaupo lang doon at walang pakialam.
Napansin naman ni Ela na nakatulala lang si Paulo at mukhang malalim ang iniisip. Para itong wala sa sarili at kapag may tinatanong dito ang ina ay parang nagugulat pa ito at um-o-oo na lang sa sinasabi nito.
Ano kayang problema ng bakulaw na to? Di ba siya masaya na makita ang mama niya?
"Ah, Ma, Tita Alice, labas po muna ako," paalam ni Paulo at nakita niya itong pumunta sa terrace ng bahay nila.
Anong problema non?
***
Lumabas muna si Paulo para magpahangin. Hindi kasi siya mapakali sa loob kasama ang mga ina nila ni Ela.
Hawak niya ang cellphone niya. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin dito.
Tatawagan na ba kita? Bakit parang hindi ko kaya...?
Masaya siya na makita ang ina. Pero...
"Mama, bakit ang aga niyo naman dumating? Di niyo na ako binigyan ng time para mag-isip," nasabi na lang niya sa sarili.
"Ano namang pag-iisipan mo ha?"
Nagulat na lang si Paulo nang may biglang nagsalita sa likuran niya.
***
Nacucurious si Ela kung ano ang nangyayari kay Paulo. Simula kasi nang dumating ito sa Pilipinas ay ngayon lang niya ito nakitang nagkaganito.
Teka, bakit ba ako concerned sa pangit na yon? Hindi. Hindi ako concerned. Curious lang ako. Okay?
"Ah. Excuse po. Ma, may pagkain po ba? Gutom na po kasi ako eh," tanong ni Ela sa ina.
"Punta ka na lang sa kitchen, anak. Kakapamili ko lang ng grocery."
"Ah sige po. Tita Donna, diyan po muna kayo," sabi niya at umalis na. Ngumiti lang ang ina ni Paulo sa kanya.
Pumunta siya sa kusina at uminom lang ng tubig. Hindi naman talaga siya nagugutom. Gusto lang niyang makaalis doon sa living room kasi...
Kfine. Susundan ko yung monster.
Pumunta siya sa terrace. Dahan-dahan pa siya maglakad para hindi siya marinig ni Paulo. Nagtago siya may kurtina ng sliding door ng terrace nila.
Nang makita niya si Paulo, para talagang aligaga ito. Hawak nito ang cellphone pero hindi malaman ang gagawin. Base sa nakikita ni Ela, parang may dinadial itong number pero buburahin din. He repeated this a number of times hanggang sa tinago na lang nito ang cellphone sa bulsa.
"Mama, bakit ang aga niyo naman dumating? Di niyo na ako binigyan ng time para mag-isip," narinig niyang sinabi ni Paulo sa sarili.
"Ano namang pag-iisipan mo ha?" Di na napigilang itanong ni Ela kay Paulo. Lumabas na din siya sa pinagtataguan niya at nilapitan ito. Mukhang nagulat ito sa kanya.
"Wala ka na dun," sagot nito at tumalikod sa kanya.
"K fine. Bye," sabi ni Ela at paalis na sana siya nang pigilan naman siya ni Paulo. Hinawakan siya nito sa braso.
"Problema mo ha?" tanong ni Ela.
"Isabela..."
"Isabela ka nanaman diyan sinabi na nga--HOY!!"
Hindi na natapos ni Ela ang sasabihin dahil bigla siyang niyakap ni Paulo.
---
Yiiiii. Wahahahaha. PBB Teens?! Mehehehehehe. :>>
Ano naman kayang drama ni Papa Paulo? (Papa Paulo talaga eh noh?! Hahaha! :D) Bakit parang ayaw niya makita ang mama niya? Ano bang dapat niyang pag-isipan? At bakit niya niyakap si Ela?! Nausuhan lang ba siya ng PBB Teens? Choss. Ano dawwww?!?
Daming tanong noh? Haha. Geh. Abangan niyo na lang yung kasunod. Sinisipag talaga ako gumawa ng chapters. Thank you sa mga nag-bibigay sa akin ng inspirasyon. Charot. Hehehe. :))))
Nga pala, hindi na ako magpopost ng pictures na characters dito. Sa FB na lang siguro? Sorry ha. Nahihirapan kasi ako gumamit ng Photobucket. You know naman my situation. :)
Basta ipopost ko yung links dito sa Wattpad or iaannounce ko sa FB ko pag may account na ng characters. Uki? :)
Yow. Peace. (^_^)v
Upload ko na ba chapter 8? Hmmm. :>