Chapter Fifteen
Papunta na ngayon sina Ela sa airport. Ihahatid nila ang mga nanay nila.
Gamit nila ang kotse nina Ela. Si Paulo ang nagddrive. Katabi nito ang inang si Donna. Nasa likod naman ang mag-inang Alice at Ela.
Nang makarating sila sa airport ay nagpaalam na sila sa mga nanay nila.
"Mommy. Mamimiss ko po kayo," sabi ni Ela at yumakap sa ina.
"Mamimiss din kita anak. Mag-iingat kayo ni Paulo ha?"
Hindi na sila gaanong nagtagal dahil kailangan na magcheck in ng mga ito.
Nakatayo sila ngayon ni Paulo malapit sa railings. Hinihintay nila ang announcement na nakaalis na ang flight ng mga nanay nila.
Wala sa kanila ang nagsasalita. Nakatayo lang sila pareho doon at nakatingin sa kung saan.
May tiningnan si Paulo dun sa mga announcements at tsaka bumaling sa kanya.
"I think that's their flight. Nakaalis na yung plane. Let's go," sabi nito sa kanya.
Tumango naman siya. Nang magsimula itong maglakad ay sumunod na lang siya.
Nang makarating sila sa parking lot ay agad na inunlock ni Paulo ang kotse. Sasakay na dapat si Ela sa backseat nang pinansin siya ni Paulo.
"Hey. I'm not your driver. Wag ka diyan sa likod. Dito ka sa unahan," sabi nito sa kanya at sumakay na sa driver's seat.
Wala naman siyang nagawa kundi sumunod dito.
Nobody was talking during the whole trip. Buti na lang at bukas ang radyo kaya medyo nabawasan ang awkwardness.
Nang makarating sila sa bahay ay pababa na sana si Ela when Paulo spoke.
"I'm going somewhere. Bahala ka na sa sarili mo, matanda ka na."
Ela looked at Paulo with a shocked face then went out of the car. Pagkababa niya ay agad itong humarurot papalayo.
Grabe talaga yung lalaking yun. Kakaalis pa lang nila mommy binubwisit na agad ako. Grrrr. >:-(((
Pagkapasok ni Ela sa bahay ay dumerecho agad siya sa kwarto niya. She was lying on her bed nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya.
[ Hi, teh! Musta ka naman? Buhay ka pa ba? Hoho joke lang. ^_^v ]
It was Anne. Nang matapos niyang basahin ang text message nito ay tinawagan niya ito.
"Hello, Ela? Tumawag ka yata? Naks mayaman ka na sa load ngayon?"
"Aish umayos ka nga, Anne Clarisse! Badtrip ako ngayon."
"O. Ano nanamang ginawa sayo ni Papa Paulo?"
"Iniwan ba naman ako mag-isa sa bahay! Tapos sabi ba naman, 'Bahala ka na sa sarili mo malaki ka na blah blah blah," Ela said while imitating Paulo's voice.
"Hahahahaha!"
"Tawa tawa ka pa dyan!"
"Hahaha eh sa nakakatawa ka eh! Hay nako teh, ang mabuti pa eh pumunta na lang tayo sa mall. Magpalamig ka muna."
"O sige. Kita tayo dun. Text mo na lang ako."
"Sige. Bye!"
Aalis ka? E di ako din! Akala mo ikaw lang? Hmf!
***
"Paulo, ano bang ginagawa mo dito? I have lots of things to do. Alam mong busy ako," said Kevin without looking at his cousin. Busy siya sa pagbabasa sa mga hawak niyang papeles.