So suspended nanaman ang klase namin. Yung exam ko hindi natuloy! Haha. Kaya ito na. Happy happy na. Update update din! :))
Enjoy! :)
---
Chapter Eleven
Pagkagising ni Ela kinabukasan, naligo na agad siya at nagbihis. Pagbaba niya para kumain nadatnan niya si Donna na mukhang aligaga sa living room nila.
"May problema po ba, Tita?" tanong ni Ela at nilapitan niya ito. Nang humarap si Donna sa kanya ay kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.
"Hindi kasi umuwi si Paulo kagabi. Nagkasagutan kami then he walked out on me. Akala ko magpapahangin lang siya or magpapalamig ng ulo pero hinintay ko siya hanggang madaling araw but he did not come. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Did he contact you? Sinabi ba niya kung nasaan siya?" tuloy-tuloy na sagot ni Donna.
Napailing na lang si Ela.
"Hindi po, Tita. Sorry," nasabi na lang niya.
Ni hindi ko nga po alam contact number niya eh. (-_-)"
"Anak, mag-breakfast ka na. Ako na ang bahala dito," sabi ni Alice kay Ela.
Sumunod naman si Ela at pumunta na sa dining room.
***
"Alice, anong gagawin ko? Paulo won't listen to me. Hindi ko na alam ang gagawin ko," sabi ni Donna. Mangiyak-ngiyak na ito.
"Ssssssh. Don't worry, Donna. Malaki na ang anak mo. He knows what he's doing," pag-aalo sa kanya ni Alice.
"What if wag na lang kaya natin ituloy ang---"
"No! Matagal na nating napag-usapan to. Tayo nila Albert at TJ. We will pursue this. But now, pabayaan na muna natin sila. Maybe they are still in shock, lalo na si Paulo."
"Don't you think we are being unfair to them?"
"Ano ka ba, Donna! Hindi ba ikaw ang isa sa mga pasimuno nito? Are you having second thoughts now?"
"I don't know, Alice. It's just that I don't want to lose my son."
"Pero hindi naman siya mawawala sayo ah?"
"You have a point..."
"So calm down now, okay? Let's just hope that everything would be fine and things turn out the way we expect it to."
Tumango na lang si Donna sa sinabi ng kaibigan.
Paulo, anak, maintindihan mo sana kung bakit ito ginagawa ni mama.
***
Naglalakad na si Ela papasok ng campus. Kakapasok lang niya ng gate. Nakatungo lang siya at mabagal na naglalakad nang may biglang lumampas sa kanya. Nabangga siya ito ng kaunti kaya napatunghay siya. Dali-dali ito at mabilis na naglalakad. Tatarayan na sana niya ito dahil hindi man lang ito nag-abalang magsorry nang makilala niya kung sino ito.
"Paulo!" tawag niya dito.
Nilingon siya nito pero tumalikod din agad at nagpatuloy ulit sa paglalakad.
Ela ran after him.
"Hoy Paulo!" sabi ni Ela habang hinahabol niya si Paulo pero hindi siya pinapansin nito.
Abah. Ayaw mo ko pansinin ha?
"Jagi!!!"
Tumigil naman si Paulo sa paglalakad at tumingin kay Ela.
Lumingon ang loko. Arte arte nito yun lang pala ang gusto!
Tumakbo naman si Ela papalapit kay Paulo.
"What do you want?" tanong ni Paulo. Maaga pa pero mukhang badtrip na ito.
"Saan ka galing kagabi?" tanong ni Ela.
Paulo let a sarcastic laugh out.
"Anong paki mo?"
Abah. Sira ulo talaga to. Pag ako hindi nakapagpigil. Nakuuuuuuu...
"Excuse me no. Wala akong pakialam sayo. Pero yung mama mo kasi naghihysterical na sa bahay namin," sagot ni Ela at inirapan niya si Paulo.
"Psssh. Bayaan mo siya," sabi ni Paulo at naglakad na ito ulit. Iniwan na siya nitong nakatayo lang doon.
Hay grabe ang lakas talaga ng topak! >:[
***
Wala sa mood si Paulo nang umagang iyon.
Sa bahay siya ng pinsan niya nagpalipas ng gabi. His mom kept on calling him pero inignore niya lang lahat ng tawag nito.
Naglalakad na siya ngayon papasok ng campus. Mabilis ang paglalakad niya hanggang sa may nasagi siyang babae. Dahil badtrip siya, nagdere-derecho lang siya sa paglalakad at hindi na nagsorry dito. Napatigil na lang siya nang bigla siyang tinawag nito.
"Paulo!"
Nilingon niya kung sino ang tumawag sa kanya.
Isabela?
Pero tumalikod lang siya ulit at naglakad na. Maya-maya ay narinig na lang niya ulit na tinawag siya nito.
"Hoy Paulo!" sigaw ulit ni Ela sa kanya.
Hindi pa rin niya ito pinapansin. Lakad lang siya nang lakad.
"Jagi!!!" narinig niyang tawag nito.
Napangiti naman si Paulo.
Oh, Isabela. So innocent.
Hinarap na niya ito. Nakita niyang nananakbo ito palapit sa kanya.
"What do you want?" pagsusungit niya dito. Ayaw niyang ipahalata dito na natutuwa siya pag tinatawag siya nitong Jagi o Yeobo.
"Saan ka galing kagabi?" tanong sa kanya ni Ela.
Natatawa na lang siya.
Concerned ka na sakin ngayon, Isabela?
"Anong paki mo?" pagsusungit pa rin niya dito.
"Excuse me no. Wala akong pakialam sayo. Pero yung mama mo kasi naghihysterical na sa bahay namin."
Mukhang naaasar na si Ela sa kanya.
"Psssh. Bayaan mo siya," sabi ni Paulo at iniwan na si Ela doon. Di na niya ito nilingon pa ulit.
Sorry, Isabela. Nadadamay ka pa tuloy sa pagkainis ko kay Mama.
Hindi naman talaga ako galit. It's just that, I feel... urgh. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talagang nararamdaman ko.
---
Confused si Papa Paulo. Hehe. :))
Yung lang. Wa na ko ma-say. :>
~ Elalabss. <3