Forever Doesn't Exist. Lifetime Does.

285 8 12
                                    

Ang iwanan ka'y hindi naging madali
Desisyong pinagsisihan ko rin sa huli
Bakit nga ba kailangang mangyari ito?
Talaga bang hanggang dito na lang tayo?

Mga masasayang ala-ala buhat ng kahapon
Sadyang ka'y hirap na muling ibalik ngayon
Maaari kayang magkita tayong muli pagdating ng panahon?
Panahon kung kailan sang-ayon na ang pagkakataon

Aking kahapon minsa'y naaalala
Sakit na aking lubusang nadama
Puso ko'y nangulila ng ika'y mawala
Matinding kalungkutan aking natamasa

Pag-iibigan natin na sadyang pambihira
Sa isang iglap naglaho na lang bigla
Bakit ba kailangan mag wakas?
Pagmamahalan nating walang katumbas

Tagalog PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon