Christian's POVYear 1815...
"Mum, They're here."
"Damien, the baby should go with Christian! Let the baby go with him! She should be safe, safer than anyone!" Tumingin si Chalice sa akin. "Take her, Christian. Please I'm begging you. Take good care of her."
Kinuha ko ang sanggol sa kanya. Alam kong mahirap ang gagawin ko pero alam ko ring siya ang makapagliligtas sa aming lahat.. sa aming mga bampira.
Napilitan akong magteleport sa bansang Pilipinas, sa bahay ko. Inalagaan ko ang bata. Hindi si Chalice ang nanay niya kundi ang asawa ng kapatid ni Damien.
Nakapag-asawa ako at hindi siya bampira. Alam niya at tinanggap niya kung ano kami ni Adreana. Nagkaroon kami ng dalawang anak; si Anna, isang kalahating tao at kalahating bampira ngunit mas nangingibabaw ang pagiging tao; si Jash, katulad ni Anna ay hati rin ang pagkatao ngunit mas nangingibabaw ang pagiging bampira.
Itinuring namin na anak si Adreana para mailigtas siya sa kapahamakan at maitago siya sa mga gustong pumatay sa kanya. Ginamitan ko siya ng isang mahika para hindi niya maunahan sa pagtanda sila Anna at Jash. At nang nasa tamang gulang na ang dalawa ay binawi ko na ang spell at tuloy ang pagtanda ni Adreana.
Year 1833...
18 years old na si Adreana at tumigil na siya sa pagtanda.
2 years ago nang tumigil tumanda si Anna at 4 years ago nang tumigil si Jash. Kahit pa taon-taon nilang ipinagdiriwang ang kanilang kaarawan ay hindi na tumatanda ang kanilang mga itsura.
Naaalala ko pa noong ipinabura namin ang lahat ng nalalaman ni Adreana at ng dalawa kong anak para lamang maitago na isa siyang bampira... Isang sikretong magpasa hanggang ngayon ay 'di niya nalalaman.
"Dad, tinatawag kayo ni mom." Agad naman akong natauhan sa mga katagang binitawan ni Adreana.
"Okay okay, I'll go there." Hanggang ngayon talaga ay hindi parin maitatago ang tunay na pagkatao ni Adreana. Maputlang balat na parang kulay ng buto, buhok na itim ngunit may pagkaputi ang ilan, mga matang kulay gintong tsokolate. Itinigil ko na ang pag-iisip at bumaba na agad ako.
"Christian, you're boss is calling you." Inabot niya saakin ang telepono.
"Anna, call your brother tell him that we're going to eat." Sambit ni Deserie, ang pinakamamahal kong asawa.
"Hello, Christian? I need you here. Are you busy right now?" Sambit ng boss ko mula sa kabilang linya.
"No, sir. I'm kind of free now. What is it?"
"I want you to make a presentation for our new product. Is that fine with you?"
"Yes, sir." Sambit ko at nagpaalam na siya. Ibinaba ko na ang telepono.
"Trabaho nanaman Chris, pahinga ka naman." Ani Deserie.
"Okay okay. Next week 'di na ako busy. Baka gusto ninyong magbakasyon?" Tumakbo naman si Jash pababa ng hagdan nang marinig niya ang sinabi ko.
Naupo na kami, nagdasal muna bago kumain. Pagkatapos ay sumandok na kami isa-isa at nang ibigay na sa akin ang kanin ay biglang nagsalita si Adreana.
"Dad, may bago po tayong kapitbahay, sila Mr. and Mrs. Samonte. Mabait po sila at nakilala na po namin nila Kuya."
"Talaga ba? Jash?"
"Uh yes dad. Parang kaming magkakapatid lang po sila. Pero 'yung bunso nila is lalaki." Sambit ng anak kong si Jash.
BINABASA MO ANG
The One
VampireIsang bampirang sinasabi nilang magliligtas sa kanilang lahi at sa lahat ng tao sa paligid nito. Bampirang namumuhay kasama ang mga tao ngunit maraming hindi alam tungkol sa paligid nito. Adreana Ventura, kilala siya sa pangalang ito, sinasabing ka...