Adreana's POVNag-aattendance ngayon ang teacher namin. Magpapalit na daw kasi ng seating arrangement kaya kailangang kumpleto kami.
"Adreana Ventura," itinaas ko ang kamay ko at napatingin naman ang teacher ko sa akin. Nakita kong bumulong ang teacher ko at ngumiti.
Nang matapos ang pagtatawag ng teacher namin ay nagsalita nanaman siya.
"Okay, kailangan na nating ayusin ang bago n'yong seating arrangement." Madami naman ang nag-react, as if naman hindi nila alam na magpapalit na talaga.
Nagbasa na muna ako ng libro ko dahil medyo matagal pa naman matatawag.
. . .
Bigla nalang pumasok sa isip ko 'yung nangyari kahapon, kakaibang panaginip e.
"Adreana," banggit ng teacher ko. "Stay beside Hannah," turo niya pa kay Hannah.
Tumayo naman ako at naupo na sa tabi ni Hannah.
"Hi," bati niya sa akin. Nginitian ko naman siya.
"Hindi ba kapatid ka ni ano. . . Ni Jashua Ventura? 'Yung isa sa members ng Dark Shadows." Napalingon naman ang iba naming kaklase.
"Totoo ba? Adreana?" Tanong ng isa ko pang kaklase.
"O-oo, kapatid ko si Jash," nahihiya kong sabi. Sikat pala ang banda nila
"Uy!! Super Fan ako ng Dark Shadows!" Excited na sabi nung katabi ng kaklase kong nagsalita kanina.
Tinignan ko nalang sila nang nagtatakang tingin.
"Ay, sorry! Ako nga pala si Guia!" Iniabot niya ang kanyang kamay na kinamayan ko naman.
"Ako naman si Alicia!" Excited niyang sabi.
"Hannah Costa," nginitian niya na rin ako. Woah, first friends.
First time kong may ibang unang lumapit sa akin para makipag-friends. Bakit? Kasi dati, sobrang tahimik ko lang pero dahil sa kumalat sa school na kapatid ako ni Jashua Ventura na anak ni Christian Ventura ay na-notice ako. Kakalipat ko lang kasi sa school na 'to.
"Anong feeling ng kapatid ng isa sa members ng Dark Shadows?" Sabi ni Guia.
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nagpasalamat talaga ako nang magsalita si Ms. Vera.
"So kung saan kayo nakapwesto ngayon ay diyan na kayo mag-stay until dumating 'yung time na papalipatin ko na kayo uli, understood?" Sumagot kaming lahat at tsaka siya nagpa-dismiss.
Oo dismissed kami, sobrang onti lang ng time kapag first day sa school na 'to and hindi ko alam kung bakit.
"Adreana, saan ka pupunta?" Tanong ni Alicia habang inaayos ko naman ang gamit ko.
"Uhm, pupunta ako sa Canteen actually. Bibili lang ako ng food then pupunta na ako sa-" natigilan ako nang maalala kong sikreto nga lang pala 'yung room ng banda nila kuya dito. Restricted pa, na maski kapatid or kapamilya niya ay hindi pwede do'n pero since dito na ako nag-aaral at kasama nila ako sa pagpa-practice ay sinabihan nila akong mag-stay sa kwartong iyon. Para safe na din daw sa iba.
"Adreana?" Tanong niya muli.
"S-sorry. Sa canteen nga pala."
"Gusto mong sumabay na sa amin?" Si Guia.
"Ahh, sige. Pero may pupuntahan pa kasi ako after ko pumunta sa canteen, so okay lang?" Nalungkot ang mga mukha nila. Pero agad din nilang binawi.
"Okay lang siyempre." Si Hannah.
BINABASA MO ANG
The One
VampireIsang bampirang sinasabi nilang magliligtas sa kanilang lahi at sa lahat ng tao sa paligid nito. Bampirang namumuhay kasama ang mga tao ngunit maraming hindi alam tungkol sa paligid nito. Adreana Ventura, kilala siya sa pangalang ito, sinasabing ka...