Adreana's POVBand band band. 'Yan lang ang nasa isip ko horishi! Pano ba 'to matanggal? Alam kong gising na ako pero ayoko pang dumilat. Wahh madilim naman ng mej sa room ko e.
After ilang minutes ay naisipan kong imulat na ang mga mata ko. Pinagmasdan ko ang room ko and dominant pala talaga yung black and red.
Ngayon ko lang napansin, I mean ngayon ko lang napahalagahan.
Puro picture frame na may picture namin ni kuya.
Merong nakahawak kami sa gitara, meron ding buong family namin, merong mga awards at syempre picture ko at ng daddy ko.
"Adi? Gising ka na ba?" Sabi ng maid. Rinig ko ang boses niya kahit na mahina. "May bisita ka sa baba," kumatok pa siya sa kwarto ko.
Bisita? Sinong bibisita sa akin ng ganito ka-aga.
"Okay," sagot ko. Bumangon na ako at nagpunta sa CR para mag-ayos at nagtooth brush na ako.
Pagkatapos ay bumaba na rin ako.
"Hey," bati ng isang pamilyar na boses.
"Kuya Evan!" Niyakap ko siya dahil na rin sa miss ko na siya.
"Are you ready?" Tanong niya.
Umiling siya at ngumiti nang tumingin sa akin.
"Diba may pupuntahan tayo ngayon, nag-message ako sa'yo kagabi." Sabi niya at bumaba naman si ate mula sa hagdan.
"Anna," ngumiti naman si ate ng tipid sa kanya. Alam kong galit si ate kay kuya Evan pero alam ko ring nag-eeffort si kuya Evan para mapatawad ni ate. Nakikita ko naman na may effect kay ate 'yung pinaggagagawa ni kuya Evan e.
"So ano nga ulit 'yon?" Bumaling naman ulit sa akin si Kuya.
"Uhm may pupuntahan tayo,"
"Hindi pa ako- wait lang." Umakyat agad ako sa taas at nagpunta sa CR ko sa room.
Naligo na agad ako, pagkatapos ay nagbihis.
~~
"Ano nanaman 'to?" Natatawa kong sabi.
'Di niya ako sinagot at pumasok lang kami sa loob. Pagpasok namin ay nagsulat kami sa logbook tapos lumabas nanaman kami sa ibang pinto.
At bumungad sa akin ang malawak na
Racetrack."Bakit hindi mo sinabi?"
"Akala ko, tinignan mo na 'yung phone mo dahil nagtext ako sa iyo kagabi." Sabi niya.
Kinuha ko ang phone ko at oo nga may text siya.
"Start na tayo?" Naging excited naman ako nang sabihin niya 'yon.
Sure game ako dito kapag ganito! Gusto ko kasi talaga ang mabibilis na game or may takbuhang game. I don't know why?
May dumating na lalaki, trabahador ata dito.
"Hi sir Evan," bati niya.
"Hello Nate," ngiti pa ni kuya. "Adi, ako na ba ang mauuna?" Tumango nalang ako, baka kasi maging failed kapag ako ang nauna. Medyo matagal na kasi simula nung huli akong tumapak at humarurot sa racetrack.
"Sige, magbibihis lang ako." Umalis siya at naupo naman ako sa pinakataas na bahagi ng bleachers. Para kitang kita ko naman kapag nag-race siya.
"Miss," napalingon ako sa direksyon niya. Napansin ko naman ngayon na nakatakip pala ang ilong niya. Siguro required talaga silang maglagay no'n.
BINABASA MO ANG
The One
VampireIsang bampirang sinasabi nilang magliligtas sa kanilang lahi at sa lahat ng tao sa paligid nito. Bampirang namumuhay kasama ang mga tao ngunit maraming hindi alam tungkol sa paligid nito. Adreana Ventura, kilala siya sa pangalang ito, sinasabing ka...