Chapter 14- Enemy

29 10 0
                                    


Adreana's POV

"Gusto ko nang tuluyan ang babaeng dinukot natin. Ang bampira lang naman ang kailangan natin ba't pa natin bubuhayin ang tao?" Tanong ng isang babae.

"Gagamitin natin ang tao para dalhin dito si Christian. Nang sa gano'n ay tapusin na rin natin siya." Seryosong sabi ng babaeng may malalim na boses.

Naririnig ko sila pero hindi ako dumidilat para lang marinig ang pinag-uusapan nila nang hindi nahuhuli.

Ano nga ba uli 'yung nangyari? May itinurok sa akin at sa huling pagtingin ko sa pamilya ko ay may nawawala... Sino 'yung nawawala? Teka, si kuya Khrio! Baka kasama namin siya dito!

Agad kong minulat ang aking mga mata at nilibot ang aking tingin.

"Gising ka na pala, The One," sambit noong babaeng malalim ang boses. Inilibot ko pa ang tingin ko hanggang sa nakita ko si ate Megan sa hindi kalayuan.

"Sino ka?! Pakawalan mo kami!" Inis na sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Woah woah! Totoo pala ang sinasabi nila na sa tingin mo palang ay sadyang nakamamatay na," sambit nito. Ano ba kasing kailangan nitong bruhang 'to sa akin?!

"Ano bang kailangan mo sa amin?"

"Alam mo, nadamay lang naman 'yong taong 'yun e, ikaw lang talaga ang pakay ko." Sabi ng babaeng malalim ang boses. "Ako nga pala si Vortellia, ang maganda mong kalaban."

Pinigilan kong tumawa pero hindi ko talaga kaya. Sasabihan ba naman 'yung sarili niyang maganda? Samantalang 'yung mukha niya parang tinapaktapakan ng sampung elepante?

"Anong nakakatawa?!" Natigil ako dahil nag-iba ang kulay ng mata niya at humangin ng malakas.

"Tumawa ba ako? Nagiilusyon ka na ata?" Nag-smirk ako para naman mas mukhang kapani-paniwala.

"Kung nababasa ko lang ang isip mo! Matagal na kitang nahanap at napatay!" Galit na sabi nito.

Teka? Hindi niya nababasa ang isip ko? Pero pa'no nangyari iyon?

"Hindi mo nababasa ang isip ko?" Tumigil ang hangin at naglaglagan ang mga gamit na naglulutangan kanina.

"Swerte mo lang talaga at hindi. 'Di ko alam kung bakit pero alam kong matatalo pa rin kita kahit na malakas ka. Tsaka malakas ka lang naman eh, mas malakas ako sa iyo."

"Ang dami mong dada! Pakawalan mo kami!" Tumingin ako sa direksyon ni ate Megan at gising na siya.

"Ate Megan!" Pinilit kong makaalis pero nakatali nga pala ang paa at kamay ko.

"Wait, what's your name again? Ohh it's Adreana." Ang engot naman nito! Magtatanong tapos alam din naman kung ano 'yung sagot.

"Let me introduce to you my daughter, Avenir." Saad ni Vortellia.

"Do I look like I'm interested?" Inirapan ko siya.

"Shut up, you-"

"Stop it. Alam mo ma, kaya mabilis kang matalo ng mga kalaban dahil nagpapadala ka sa galit mo." Seryosong sabi ni Avenir.

Lumapit sa akin si Avenir at may hawak nanaman siyang syringe.

"Ano nanaman 'yan?" Pinilit kong manlaban pero nakatulog nanaman ako.

-~~~-

Ang sakit ng ulo ko. Sobra. Akala mo hinampas ng baseball bat eh. Naririnig ko ang aircon at nararamdaman ko ring malamig. Minulat ko ang mata ko dahil wala namang aircon kanina.

Bumungad sa akin ang mukha ni Ryuu. As in nakatapat sa pagmumukha ko.

"Yehey! Gising na si Adi!" Parang batang sabi ni Ryuuki. Inirapan ko siya at lumayo na siya sa akin. Umupo ako at sumandal sa headboard. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit nang mapansin ko ang hose na nakakabit sa pulso ko at may likidong dumadaloy doon.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon